Lala's POV Nakakasilaw ang liwanag. Napakasakit sa mata. Napatakbo naman si Raven sa sala kung nasaan ako. "Anong nangyari?" Tanong niya. Sabay harang ng isang kamay niya sa kanyang mga mata dahil sa pagkasilaw. "Hindi ko alam." Sagot ko. Nabalot na ng liwanag ang buong paligid. Nagulat kaming pareho ng biglang lumutang sa ere ang fairy. May namuong isang bilog na bagay na kulay asul hinigop ang fairy sa loob. Isang bolang crystal. "Raven!? Camilla!?" Sigaw mula sa labas. Biglang bumukas ang pinto at pumasok si tatay Eros. "Anong nangyayari dito? Bakit nagliliwanag ang kubo?" Nagtatakang tanong niya. "Ano po Tiyo--- kasi po ano---wika ni Raven na kagaya ko ay nagulat sa pagdating ni Tatay Eros. Nagawi naman ang tingin ko sa bilog na bagay sa ere. Na unti- unti ng bumabagsak pababa