Raven's POV Iniwan ko sila sa canteen dahil sa naiinis ako. Kailangan ba talaga pati yung mayabang na yun sumabay pa samin kumain. Hindi ko pa naubos ang pagkain ko, kahit alam kong hindi magandang magtira ay umalis na ako. Nakakawalang gana rin naman kasi. Saka bakit kailangan niya pang tanungin ang bagay na yun. Wala akong balak makipagkompetansya kay Camilla. Pero may isang tao na alam kung simula pa lang ng unang pagkikita namin ay kalaban at kaagaw na ang tingin sakin. Si Louie... Tandang tanda ko pa... Naging guro namin noon si Tiyo. Tinuturuan kami ng ilang mga kaalaman na pwede naming magamit, sa pakikipaglaban man, paghahanap ng pagkain sa gubat at mga kaalaman sa halaman at mga hayop dito. Nung una wala naman kaming problema. Tinuring ko pa siyang kaibigan, ngunit matapos