King's POV "Kamahalan narito na po siya." Wika ni Darius. Napahinto naman ako sa ginagawa ko at hinarap sila. "Salamat Darius, maaari mo na kaming iwan." Wika ko sakanya. "Maupo ka Raven." Sabay turo sa upuang nasa harap ko. "Salamat po." Wika niya naman. "Napaaga yata ang pagpunta mo?" "Paumanhin po kamahalan. May bumabagabag po kasi saakin at alam kong kailangan niyo rin pong malaman." Aniya. "Ano iyon Raven? Tungkol kay Camilla ba ito?" Tanong ko. Raven's POV "Opo kamahalan." Sagot ko. Ikinuwento ko sakanya ang lahat ng detalyeng nakita ko kagabi at ang tungkol sa fairy na sinagip ko. "Nagaalala po ako na baka sadyang pinagplanuhan po ng mga gustong magtangka kay Camilla ang lahat ng ito." Wika ko. Natahimik naman ang hari at mukhang malalim ang iniisip. "Kamahalan natatak