"Camilla?" Dinig ko at naramdaman ko ring may sumusundot sa pingi ko. Inaantok pa ko e. Istorbo naman. "Camilla? Anong oras na tumayo ka na dyan!" Napahawak naman ako sa tenga ko. Panu ba naman sinigawan ako. Ang tinis na nga ng boses manigaw pa. "Masakit yun ah!" Wika ko. Bumangon na rin ako baka ulitin niya pa at mabingi na ako. "Hay naku! Kung ganyan ka mahahalata nilang may ginagawa kang palihim. Sige nga! Anong iisipin nila kapag ganyan gagawin mo araw-araw? Tanghali na magigising tapos mukhang laging tulala at malalim ang iniisip?" Panenermon niya sakin. Napaisip naman ako sa sinabi niya. Tama naman siya. "Ano? Tatayo ka na lang ba dyan?" Tanong niya sakin. Nasa harap na kasi ako ng aparador at kukuha na sana ng damit. Pasaway tong matandang to. Daig pa si Mommy. "Ito na nga