Tuloy-tuloy ng tinahak nila Camilla ang daan patungo sa kweba. Nagsiayon naman ang lahat sa suhestyon na iyon sapagkat gusto na rin nilang marating ang lugar na pakay nila. Salamat sa mgq pabaon ni Ginoong Eros Na mga gamot nakalagay sa mga maliliit na botilya. Naibsab nito ang p*******t ng mga binti nila sa pamahabang paglalakad. Ilang kilometro na lamang ang layo nila sa kweba ng biglang may ibinulong sa isip ni Camilla si Rue. "May paparating." Aniya. Naalerto naman si Camilla at mukhang narinig din ng mga kasamahan ang mga boses na palapit sa tinatahak nilang daan. "Magtago kayo." Pabulong na utos ni Peter na sapat para marinig ng lahat. Nagkanya-kanya silang tago at mabuti na lamang at nasa bandang masukal pa sila ng parte sila naroon. Palakas ng palakas ang naririnig na mga b