Kabanata 7 Revenge & Justice Seryoso ang mukha ni Johnny na naglalakad, ako naman ay nakasunod lang sa kanya habang buhat-buhat si Curly Fold, hindi ko masyadong naintindihan ang sinabi ni Lastrel pero dahil iyon, hindi makatingin nang diretsa sa akin si Johnny. "Johnny? Ayos ka lang?" Natigilan siya dahil sa aking sinabi, "I should be the one asking you that, mi amore." Nakakagulat dahil tila ang lambot ng baritonong boses niya ngayon. Ibang-iba sa matigas na nakasanayan ko, ay! Anong matigas iyan? Grabe bes. "Ano ba ang sinabi ni Lastrel?" His eyes widened, "you didn't get that?" Marahan akong umiling, siya naman ay napasapo sa kanyang sariling noo. "I failed to do my promise to you." "Nag-promise ka sa akin?" Kumunot ang aking noo. Ano ang pinagsasabi niya? Nahihibang na ba siya