Kabanata 8 Tour Guide Nakalabi ako habang naglalakad kasama si Lola Bye, nakakunot ang aking noo habang hinahaplos ang buhok ni Curly Fold. Bwisit na bwisit ako ngayon dahil hindi ako pinapakinggan ni Johnny. Ano naman ang silbi ng tainga niya? Tangina. Sa halip na pakinggan niya ako ay pinatawag niya ang babaeng itong sinusundan ko ngayon para paalisin ako. "Lola Bye? Saan ang punta natin?" Masama talaga ang kutob ko sa matandang ito. Pangalan pa lang e parang nakakasakit na ng damdamin. Ayoko pa naman magpaalam kay Johnny. Huhuhu. Siya pa lang kasi ang nag-iisang taong hindi tinatakwil si Curly Fold, si papa kasi allergic siya sa p***y ko. Bigla kong naramdaman ang lungkot na tila sumasaksak sa dibdib at puso ko. Of course! Malaki ang dibdib ko! Unlike Johnny, malapad! Siguro insecu