Kabanata 9 In & Out Nang matapos naming malibot ni Lola Bye ang buong mansion ay malapit nang dumilim, kaya naman nagpaalam na agad ako sa kanya at sinabing babalik na ako sa kwarto namin ni Johnny. Syempre para makapag-prepare ako! Nakamaleta pa rin hanggang ngayon ang mga gamit ko pati na rin kay Curly Fold, binuksan ko ang maleta at isa-isang nilabas ang mga damit ko, wala na akong paki kung magkalat ang mga damit ko sa sahig, malinis naman at kumikintab kaya ayos lang. "Meow." Humiga si Curly Fold sa bundok ng mga damit ko na nagkalat sa marmol na sahig, prente siyang tumingin sa akin, tila nababagot siya, tinaas ni Curly Fold ang kanyang paa at saka dinilaan ang dulo nito. "Curly Fold, ang sexy ng ganyan! Try ko nga mamaya!" Nakangiting saad ko habang pinapanood siya, pagkatapos