TWO

1386 Words
                                                                                        Tiffany's POV Hindi ko ma-alis ang tingin ko sa lalaking nakaupo sa pinakang taas ng bahagi ng kwartong ito. Makikita mo sa mukha niya ang pagkagulat. Siguro hindi niya inaasahan na makikita niya pa ulit ako. na magkikita pa ulit kami. Hindi ko rin naman inaasahan iyon. Matagal tagal na rin simula nung huli ko siyang makita. Ang laki na ng pinagbago niya. Si Silver. Si Drake Silver Valentine. Ang kaisa isahang lalaking inibig ko dati. "Ms. Rochefort, don't just stand there. Please find a seat so I can proceed to my discussion. There's a lot of chairs here" galit na usal ng guro. Tumawa ang iilan sa loob ng klase. Mga mapang-asar na tawa. Nangingibaw naman ang tawa ng isang babae. Napalingon ako roon at pinagmasdan siya habang naglalakad. Maganda siya, maputi at mayroon siyang kulay blonde at mahabang buhok. Kahit na nakauniporme siya ay makikita mo ang magandang built ng katawan niya na akala mo ay isang model. Mayroon siyang matangos na ilong at kulay rosas na labi. Ganoon rin ang kanyang pisnge. Kung pagmamasdan mo naman ang mata niya ay kulay green ito. Tumigil naman siya sa pagtawa at tumaas ang kilay niya. Isa lang masasabi ko. mataray "Done checking me out?" Sabi nito. looking directly into my eyes. Tsaka niya naman binalingan ang apat na babae na kasama niya roon. "Hay nako girls, nadagdagan na naman ang mga insecure!" pagpaparinig nito na alam ko namang sa akin niya lang naman ipinararating. Hindi ko na lamang ito pinansin at umupo na sa napili kong upuan. Hindi ako insecure. Walang bintana ang kwartong ito. Hindi tulad sa ibang eskwelahan na tinadtad ng bintana. Hindi tuloy ako makakalanghap ng sariwang hangin. Air-conditioned rin ang buong silid na ito. Iyon ang ayaw ko sa lahat lalo na pag sobrang lakas ng hangin na magmumula sa AC. Mabilis akong lamigin. Siguro kung nasa antartika ako ay wala pa ang isang araw mamatay na ako sa sobrang kalamigan. "I need to introduce myself again. I am Mrs. Pastrana I will be your mentor for the whole year. So I was saying, ipapaliwanag ko na lang ulit ito dahil may dalawa tayong tranferee so all in all 25 lang kayo sa klaseng ito. Maunti at pili lang kayo dahil espesyal kayo" "Espesyal? Ha! Kaya pala may special treatment kami rito! Ang pag usapan at layuan ng mga kapwa namin estudyante!!" Sarkastikong sabi ng lalaki. Sa itsura pa lang ng lalaking ito parang siya ang namumuno sa klase. May authority. "Shut up Mr. Crisostomo!! I know you'll do everything for the sake of your classmates as the president of this class!" Hindi na muli nagsalita yung Si Crisostomo daw. Kaya naman pala siya ganyan dahil siya ang presidente ng klase. Nagsalita naman ang babaeng mataray kanina "Tsk. tsk. Jake, ayaw mo 'non? mga takot sila sa atin. Hindi sila lalaban sa kahit anong gusto nating sa kanila" Nakangiti ng nakakaloko ang babae. "Shut up Georgina!!" sabi nung Jake which is the president. Inirapan lang naman siya ni Georgina. Pangalan pa lang, alam mo nang mataray, maganda at mayaman. Hindi naman pinansin ng guro iyon dahil kung titingnan mo siya. Nakahawak na ito sakanyang sentido. Halatang nanakit ang ulo dahil sa mga kaklase ko. "Kaya kayo napunta sa seksyong ito dahil kayo ang mga estudyanteng mayayaman, matatalino, sikat at may mga angking kakayahan. Ngayon lamang nagkaroon ng 13th class at maswerte kayo na kayo ang kauna-unahang batch" Nakakapagtaka naman, kung kami ang kauna-unahang batch, bakit ganun na lang kung makareact ang president ng klase? May alam ba sila na hindi ko alam? May mga nagbubulungan sa mga babae dahil sa sinabi ng guro. Hindi ko naman marinig iyon dahil malayo ako sakanila. Nakikita ko lamang ang mabibilis na pag-galaw ng kanilang labi. Napatingin naman sila sa akin. Kumaway ito at ngumiti. Binigyan ko lamang sila ng isang tipid na ngiti. "Inaasahan ng punongguro na itaas ninyo ang pangalan ng eskwelahang ito. So any questions?" Napatingin naman ako sa unahan. 13th Class V:MM Ano kaya ang ibig sabihin ng MM? Katulad rin kaya ito ng ibang 13th Class? ang 1st, 2nd, 3rd, 4th and 6th year? may MM rin kaya ang mga ito? o iba ang initials? "Excuse me, Pwede magtanong?" pagpapaalam ko sa guro. May nakinig naman akong malakas na tawa na nang gagaling sa Left side. Sa grupo ng mga lalaki. Mayroon kasi itong Left, Center at Right tapos sa unahan naman ay may maliit na entablado. "Nagtatanong ka na nga e. Wag tanga ha!" Sabi nito at tumawa na ulit. Sumabay na rin ang iba sa pagtawa. Ibang klase ang mga tao dito. Mali ata ako ng napasukan. Sobrang iba. "Mr. Garcia, be kind to her" sabi naman ng guro. "Psh. Be kind to her?!! Hoy Tanda! Hindi uso yan dito!!" Nagpatuloy ang malalakas at mapang asar nilang tawa. Sumenyas naman ang guro na ituloy ko na ang tanong ko "Ano ang ibig sabihin na ating initials? Ang MM?" Tila natigilan naman ang lahat pati na rin ang guro. Nakatingin lang ito sa akin at parang hindi alam ang sasabihin. "Pasensya na Ms. Rochefort pero hindi ko alam ang ibig sabihin niyan" Umupo na lamang ako sa pagkadismaya. Walang kwenta. Nagsimula na siyang magdiscuss kahit na ang karamihan sa amin ay hindi nakikinig. Mga walang modo. Lumipas ang ilang oras ng bigla kaming nakakinig ng nakakapangilabot na tunog na nagmula sa speaker sa bawat sulok ng kwartong ito. "Masanay na kayo na lagi niyong mapapakinggan ang tunog na iyan. Tuwing exam lang naman at labasan. So class dismissed" Kakaibang musika. Nakakapangilabot. Agad na nagsialisan ang mga kaklase ko na sigurado naman akong pupunta ng cafeteria. Umalis na rin ako doon at dumeretso na ng cafeteria. Pagkarating na pagkarating ko doon ay nakita kong binuhusan ni Georgina ng juice ang isang 2nd year na estudyante. "Sa susunod wag kang humarang sa daanan ko ha!!!" Bulyaw nito. Nakatungo lamang ang estudyante saka siya umalis ng cafeteria. Walang awa. Sa totoo lang may sariling cafeteria ang 13th Class hindi ko lang alam kung bakit nandito siya. Eh ako naman ayoko doon. Makikita mo rin sa ibang estudyante na ilag sila sa 13th Class. Kahit itong mga kahanay ko sa pagbili. Pinauuna ako, pero hindi ko 'yon ginawa. Pantay lang ang tingin ko sakanila. Napatingin naman siya sa direksyon ko. Katatapos ko lang kasi bumili ng pagkain. "Oh! Look who's here?" nakangiti ito ng nakakaloko sa akin. Hindi ko na lamang siya pinansin at dumeretso palabas ng cafeteria. Nakarinig naman ako ng malakas na pagbagsak mula sa loob ng cafeteria. Lumingon ako doon at nakita ko ang babaeng 3rd year student na tumatakbo habang ang kanyang ulo ay may spaghetti. Ang sama talaga nung Georgina na 'yon. Pumunta na lamang ako sa gilid ng field at nagsimulang kumain. Pagkatapos 'non ay nagpahinga na lamang ako. Sarap ng hangin. hayy. Bumalik ako sa classroom ng mga bandang ala-una na. Pagkapasok na pagkapasok ko rito ay nakita ko ang nag iisang babae. Nakauniporme rin siya. Maputi siya at mayroong siyang mahabang buhok na itim. Natatakluban ang mukha niya ng kanyang itim na buhok. Nakatungo lamang ito at may hawak na libro. Hindi ko man lamang siya napansin kanina. Ngayon lang. Tumalikod muna ako at sinarado ko muna ang pinto. Pagharap ko ay wala na siya sakanyang kinaroroonan. Nasaan 'yon? "Hi!!" "Aaaaahh!!!" kasabay ng pagsigaw ko ay ang pagtumba ko sa sahig. Napahawak ako sa dibdib ko. Grabe! uso ata ang gulatan ngayon. Napatingin naman ako sa babae sa harap ko. Nakangiti ito at nakalahad ang kamay niya. Inabot ko naman ito at tinulungan niya akong tumayo. "Sorry pala" Sabi nito nang nakangiti pa rin. Hindi ba siya nangangawit? "Okay lang" sabi ko rito. Ayaw ko maging rude sakanya. "Yuna Iris Smith pala. Ikaw?" "Tiffany Rochefort" "Wow! Ang ganda ng name mo!! Bagay sayo!" Sigaw nito ng nakangiti. Aish! Para namang ang layo ko sakanya ano? Umupo kami sa upuan at ang dami niyang kwento. Maya maya ay bumukas ang pinto at niluwa nun ang limang babae. Sa pangunguna ni Georgina. "Sino kausap mo diyan?" Tanong niya sa akin. "Yuna Smith" Simpleng sagot ko. Mukha siyang natigilan. "George, si Yuna daw. Di ba ano na 'yon?" bulong ng isang babae na mukha namang hindi bulong. "Oo nga George" Bulong pa nung isa. "Shut up Thania. Isa ka pa Steph!" Galit na sabi ni Georgina. Tumingin ulit siya sa akin. "Nagpapatawa ka ba? Eh wala ka namang katabi ah?!" Sabi nito. "Anong wala?" pag tingin ko sa tabi ko, wala nga. Nasaan na 'yon? "Oh ano? Baliw ka ata e. Kinakausap ang sarili!! Tara na girls" Totoo kaya iyon? Inilibot ko ang paligid pero wala.na talaga siya. Kung lalabas man siya dapat makikita ko siyang dumaan kina George kanina. Totoo kaya 'yon? wala talaga akong kasama at kausap? Yuna Iris Smith Guni-guni lamang ba kita? - - - - -
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD