ONE

999 Words
Buwan ng Setyembre ngayon kasabay nun ang muling pagbubukas ng Royal Academy. Ang school kung saan ako naka-enrol ngayon. Madaming estudyante sa paligid ngunit lahat sila ay nakatigil at ang mga mata nila ay sa akin nakapokus. Bakit? bakit sila nakatingin sa akin? Siguro, dahil isa akong transferee. Hindi ko na lang pinansin ang mga tingin nila sa akin at deretsong naglakad. Maya maya ay naka rinig ako ng mga bulungan, ngunit sa tingin ko hindi na bulong iyon. "Transferee siya di ba?" "Oo, pero walang nakaka alam kung saan siya school nanggaling" "Pero maganda siya ha? Sigurado akong sa 13th Class siya mapapapunta, pero teka?" "Bakit?" "Sino yung lalaki sa likod niya?" Napatigil ako sa paglalakad dahil sa mga naririnig ko. Sigurado naman akong ako talaga ang pinag uusapan nila dahil ako lang transferee dito ayon sa head ng school na ito. Pero sino yung lalaking tinutukoy nila? Lumingon ako sa likod at nakita ko ang lalaking naglalakad papalapit sa direksyon ko. "Hey, Tiffany" tawag nito sa akin. Nakakapagtakang alam niya ang pangalan ko. "Magkakilala sila?" Rinig ko na naman ang mga bulungan nila pero di ko na lang pinansin ito. "Siguro, tinawag siya sa pangalan e" Pagkalapit na pagkalapit sa akin nung lalaki ay tiningnan ko lang siya. Nakangiti lamang ito. Hindi ako interesado sakanya. Sa tingin mo pa pa lang, halatang mayabang. Nakakaubos ng oras. Aalis na dapat ako ng pigilan niya ako "Ano bang kailangan mo? Bakit alam mo ang pangalan ko?" iritado kong tanong dito. Ayaw ko sa lahat, lalaki! "Unang araw pa lang, sikat na agad tayo" Sabi nito at hindi man lang pinansin ang mga tanong ko. Akala ko tahimik ang buhay ko dito pero hindi pala. hindi pala talaga. "Liam nga pala" inabot niya ang kamay niya sa akin ngunit hindi ko ito tinanggap kaya ibinaba na rin niya ang kamay niya. Nakatingin lang ako sakanya. Ayoko mag aksaya ng laway sa lalaking ito. "Okay, I saw your name on your name pin, happy?" napatingin ako sa sinasabi niya at oo nga. Nakalimutan ko na may name pin ako. Nakita kong may name pin rin siya. Liam Rio Modesto okay? tumingin naman ako sa paligid at ganun pa rin ang mga estudyante. Mga nakatigil at sa amin lang nakatuon ang atensyon. nakakabanas Tiningnan ko ang isang estudyante, ngunit wala itong name pin katulad ng sa amin. bakit kaya? Hindi ko na lang pinansin ang taong nasa harap ko na nagngangalang 'Liam' Nagsimula na ulit akong maglakad ngunit makulit itong lalaking ito at sumunod pa rin sa akin. Actually kasabay ko na nga siya. Nakakairita. Hindi ko tipo ang mga katulad niyang lalaki kaya ganito na lang ako kung umasta sa mga lalaking katulad ni Liam. Isa pang dahilan, umiiwas na ko sa lalaki dahil sa nakaraan ko. Hindi ko na lang pinansin ang pagsabay niya sa akin, ngunit hindi siya tumigil at panay ang tanong niya. "Alam mo ba kung saan nakikita ang mga sections dito? kanina pa ako paikot ikot dito, hindi ko naman makita" napatigil ako sa paglalakad dahil sa sinabi niya. Hindi ko rin alam. Ano ba yan! Paano ako makakarating sa room ko? ni hindi ko alam kuing anong section ko. Akala ko naman alam niya kung saan matatagpuan ang mga iyon. Maya maya'y nakarinig kami ng boses na nagmumula sa speaker. "Calling the attention of Ms. Tiffany Rochefort and Mr. Liam Rio Modesto. Please proceed to the 13th Class building 5th floor. Room 513" Umulit pa ulit ang nagsalita sa speaker.. "So I guess that's our room and section, classmate" sabi nito ng nakangiti tapos kumindat pa. Kinilabutan ako sa ginawa niya. Yuck! Yea, he has the looks but I don't care. Nauna na siyang pumunta sa 13th Building kaya sumunod na lamang ako. Pagkapasok na pagkapasok namin sa building ay nakita ko ang reaksyon ni Liam na mukhang namangha sa paligid. "Woah! Ang cool ng building na ito ah. Walang mga ganito sa ibang building" Kung ako lang rin naman ang tatanungin tungkol sa building na ito. Mamamangha ka talaga. Well, designed. Napapalibutan ka ng High Technologies. May fountain rin sa gitna. Ano naman kaya ang itsura ng ibang building? Pumunta na kami sa 'elevator daw' sabi ni Liam, ngunit sa tingin ko pang teleport ito. Ito na lamang ang ginamit namin kesa naman daw mag escalator pa kami. Pinindot ni Liam ang 5th floor pero wala pang tatlong segundo ay narito na kami. Teleporter nga siya. Nauna akong lumabas at dumeretso sa sinasabi nilang room 513 na matatagpuan sa gitna ng 5th floor. Sa tapat naman nito ang guidance office. Sa mga katabi naman nito ay may storage room. Ladies room at meron din sa boys. Pero ang pinaka agaw tensyon ay ang Red room. Pula rin ang pinto nito. Ano kaya ang nasa loob nito? Hindi ko na lamang iyon pinansin at akmang papasok na sa room namin kaso pagtulak ko ayaw nitong mabuksan. Tiningnan ko ang kabuuan ng pintuan at nakita kong may pindutan sa tabi. Kailangan siya ng code. Pinapunta punta kami rito pero hindi naman sinabi ang code? yung totoo? Sumubok akong pumindot ng mga numero ngunit access denied. "Anong ginagawa mo?" Nagulat ako dahil sa lalaking bigla bigla na lang sumulpot at nagsalita sa tabi ko. Papatayin yata ako nito. "Nakakainis ka e. Are you going to kill me?" ngumiti lang siya at nagsalita ng numbers. "63636866674" "Yan ata ang code nakita ko sa harap ng guidance office. Try mo?" Sabi nito ng nakangiti pa. Agad ko naman sinubukan ang code at ayon access granted. Nagbukas ang pinto at bumungad sa amin ang isang guro na nasa unahan at ang iba pa namin na kaklase. Ang room na ito ay parang katulad sa sinehan. Madaming silya na nagsimula sa mababa hanggang sa tumaas ito at mayroong malaki screen sa unahan na may nakasulat. Welcome 13th Class V:MM "oh, Andito na pala ang dalawa. Ms. Rochefort and Mr. Modesto. Please find a seat" Nagsimula na akong maglakad. Nakikita ko ang mga titig ng ilan sa akin na para ba silang papatay. Mga nakangiti sila ngunit hindi ngiting masaya. Ngiting parang may binabalak na masama. Masyadong madaming silya para sa amin. Siguro ang mga silyang ito ay lagpas isang daan. Kung tutuusin nasa mga 25 lamang kami rito. Habang ako ay naghahanap ng maganda gandang pwesto ay napako ang mga mata ko sa isang lalaki. Silver - - - - -
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD