Paglabas nila ng elevator ay tahimik na nakasunod si Christine kay Gabriel na naglalakad nang mabilis at malalaki ang hakbang.
“Cancel all my meetings this afternoon.” Utos ni Gabriel kay Leslie nang madaanan nila ito sa puwesto niya.
“Yes, Sir.” Sumunod naman agad si Leslie nang hindi na kailangang magtanong. Nagkatinginan pa sila ni Christine pero wala naman siyang makuhang sagot sa mukha nito. Tingin niya ay may ginawa itong hindi maganda at mukhang mapapagalitan ng boss.
Pagpasok na pagpasok naman ni Gabriel sa opisina niya ay inilapag niya sa kalapit na mesa ang bitbit na supot. Pagtapat ni Christine sa pintuan ay mabilis niya itong hinatak papasok, agad nilock ang pinto, at isinandal si Christine sa likod nito. Hindi na nakapalag si Christine nang halikan siya ni Gabriel sa labi. Ang isang kamay nito ay nakahawak sa likod niya at ang isa naman ay nakatukod sa pinto. Ramdam na ramdam ni Christine ang pananabik sa kanya ni Gabriel. Halos lamukusin ng labi nito ang mga labi niya at pinaglaro nang pinaglaro ang mainit na dila na pilit na ipinasok sa loob ng bibig ni Christine.
Nagparaya si Christine at ibinuka ang bibig niya. Sinalubong din niya nang mainit na halik ang mga labi ni Gabriel. Nakahawak ang isang kamay niya sa batok nito at ang isang kamay ay nakalapat sa malapad na dibdib ni Gabriel. Ginaya ni Christine ang ginagawang paglalaro ni Gabriel ng dila niya sa loob ng bibig nito. Nagpapalitan na sila ng laway at lasang lasa pa nila ang huling kinain. Pero hindi iyon ang mahalaga nang oras na iyon. Ang mahalaga ay sabik na sabik sila sa isa’t isa at kapwa sila nasasarapan sa ginagawang paglalaro at panunukso ng dila ng bawat isa. Nakaramdam na silang pareho ng pag-iinit ng katawan.
Ipinulupot ni Christine ang dalawang kamay niya sa leeg ni Gabriel para suportahan ang nanlalambot na niyang mga tuhod. Hinapit siya ni Gabriel sa bewang at nagkadikit ang mga katawan nila. Tumukod sa hita ni Christine ang matigas at mainit na bagay na tanda nang kahandaan ni Gabriel. Napadilat siya at tumingala kay Gabriel. Nagkatinginan sila at hinaplos haplos ni Gabriel nang marahan ang pisngi ni Christine na parang gusto pang magpigil. Hinawakan niya ito sa kamay at marahang hinatak paupo sa sofa dahil hindi na din niya kayang pigilan ang sarili niya.
Habang nakaupo silang magkaharap sa sofa ay muling inangkin ni Gabriel ang mga labi ni Christine. Marahan na marahan lang na parang gustong iparamdam ang totoo niyang nararamdaman. Alam niya sa puso niya na espesyal si Christine para sa kanya. Kaya gusto niyang maramdaman iyon ni Christine at hindi iyong init lang ng katawan. Kaya’t matagal na matagal na pinagsawa ni Gabriel ang mga labi niya sa malalambot na labi ni Christine. Habang hinahalikan niya ito ay unti unti na niya itong hiniga sa sofa at marahan niyang pinagapang ang isang kamay sa ibabaw ng dibdib ni Christine. Pinakiramdaman muna ni Gabriel kung papalag ito. Hindi niya pipilitin kung aayaw. Hindi niya mapapatawad ang sarili niya kapag nilayuan siya nito at iwasan nang dahil lang dito.
Natuwa naman si Gabriel dahil naramdaman niyang nagparaya si Christine. Naririnig pa niya ang impit na pagdaing nito na parang hinihintay nang mabuksan niya ang suot na pang-itaas nito. Unti-unting kinalas ni Gabriel ang pagkakabutones ng blouse ni Christine hanggang sa tumambad sa kanya ang napakakinis na dibdib nito at ang dalawang malulusog na bundok na nakasilip ang pisngi sa suot nitong itim na bra. Mabilis ang reaksyon ng sandata ni Gabriel sa ibaba pagkakita dito. Dumagan siya kay Christine para maramdaman nito ang alaga niyang galit na galit. Pagkatapos ay sumubsob na parang bata sa malulusog na dibdib ni Christine. Bihasang bihasa sa pagkakalas ng bra si Gabriel na agad na sinalubong ng dila ang kumawalang malalaking dibdib ni Christine. Salitan niyang dinilaan ang mga pinkish n*pples nito at hindi niya tinigilan hangga’t hindi ito tayung tayo.
Gumapang naman siya paibaba at dinilaan ang pusod ni Christine. Napaliyad si Christine sa sarap ng sensasyong nararamdaman. Napahawak siya sa ulo ni Gabriel. Hindi naman na ito nagpapigil at tuloy tuloy nang bumaba sa pagitan ng mga hita ni Christine at inangat ang palda nito. Hinawi niya ang suot nitong panty at tumambad ang basang basa na din na p********e nito. Nangingintab sa sobrang basa at lalo pang dumulas nang padaanan ni Gabriel ng mainit niyang dila mula sa itaas pababa sa mga mamula mulang pisngi at paulit ulit niyang ginagawa iyon hanggang sa narinig niyang umuungol na si Christine. Mabilis niyang inangat ang katawan nito at tuluyan nang hinubad ang suot nitong panty.
Lumuhod si Gabriel at itinapat ang mukha sa pagitan ng hita ni Christine at itinuloy ang paghalik sa pinakamaselang bahagi nito. Halos mapugto naman ang hininga ni Christine sa sobrang sarap. Hindi na niya alam kung saan ibabaling ang ulo niya. Tinitignan siya ni Gabriel at lalong sinarapan ang ginagawa niya pagkakita sa reaksyon nito. Nilaru laro niya ng dila ang kuntil na nasa ibabaw hanggang sa tumirik ito at dumulas sa pakiramdam. Napasigaw na si Christine sa sobrang sarap. Dinilaan naman ni Gabriel ang mainit init na pisngi ng p********e ni Christine at dahan dahang ipinasok sa basang basa nang kaselanan nito ang dalawang daliri niya. Alam ni Gabriel na malapit nang makaraos si Christine, humigpit na ang hawak nito sa ulo niya at maging ang daliri niya ay kinapitan na din nang mahigpit ng muscles nito doon.
“Sir...Oh God, I think I’m coming….please, please...faster sir, pleeease.” Nagmamakaawa na ang daing ni Christine at binilisan na ni Gabriel ang paglabas masok ng mga daliri niya dito. Nang suminghap si Christine at sumasama na ang balakang sa bawat hugot niya ng mga daliri niya ay inilabas niya na nang tuluyan ang mga ito at ipinalit ang dila niya. Saktong nasalo niya lahat ng katas na dumaloy mula kay Christine. Napakarami ng lumabas mula rito at napakahaba ng ungol na nilikha niya na parang musika sa pandinig ni Gabriel kaya hinayaan niya lang ito.
Binalikan ni Gabriel ang mga labi ni Christine. Nalasahan pa nilang pareho ang tamis ng katas nito at kapwa naamoy ang bangong kumapit kay Gabriel. Unti unting ibinangon ni Gabriel si Christine habang hinahalikan ito at nang makaupo na sa sofa ay kumalas nang dahan dahan. Nagtaka naman si Christine. Hindi niya alam kung ano ang susunod na gagawin.
“Ayusin mo na ang sarili mo.” Natatawang nagsalita si Gabriel habang inaabot sa kanya ang tissue sa kalapit na mesa.
“Ha? Paano ka?” Takang tanong ni Christine.
Saglit na niyakap ni Gabriel si Christine at sumagot. “Huwag mo akong alalahanin. Mas okay sa akin na ikaw ang pinaliligaya ko.” Pagkatapos ay tumayo na ito at lumakad papunta sa mini pantry para kumuha ng inumin.
Habang nagbibihis naman si Christine ay napatingin siya sa wall clock at nagulat. “4 o'clock na! Lalabas na si Tristan!”
“Kaya nga...magbihis ka na bilisan mo at pupuntahan na natin siya.” Iniabot niya kay Christine ang isang bottled water bago nagpunta sa mesa para kunin ang bag at susi ng kotse. Mabilis namang kumilos si Christine at kinuha din ang gamit niya sa kabilang silid. Ilang sandali lang ay sakay na sila ng kotse papunta kay Tristan.
Tahimik silang pareho sa loob ng sasakyan. Hindi malaman ni Christine kung ano ang sasabihin. First time iyon na may gumawa ng ganun kasarap sa kanya at first time iyon na may nakakita ng pinakaiingatan niyang p********e. Magpapasalamat ba ako? Thank you sir ha ang sarap. Hmm...ang awkward naman. Ano kaya dapat ang sinasabi? Ang sarap sir, sa uulitin. Ha? May susunod pa ba? Bigla niyang natakpan ng kamay ang bibig niya dahil sa naisip niya.
“O bakit? May nakalimutan ka ba?” Tanong naman agad ni Gabriel.
Sa pagkabigla ni Christine ay iba ang nasambit niya. “Nakalimutan ko pong magpasalamat.” Huli na nang marealize niya na mali ang sagot niya.
“Whaaat?” Tawa naman nang tawa si Gabriel. “May bayad yun, huwag kang magpapasalamat.” Tukso naman niya dito na ikinapula ng mukha ni Christine.
“Pasensya na, Sir, hindi ko napigilan ang sarili ko.” Seryoso namang sumagot si Christine.
Hinawakan ni Gabriel ang kamay ni Christine na malapit sa kambyo at saka nagsalita din nang seryoso. “Okay lang ‘yon. Hindi mo dapat pinipigilan ‘yon. Hindi mo alam kung gaano mo ako pinasaya knowing na napaligaya kita.”
Hindi na kumibo si Christine at kinimkim na lang muna sa sarili ang napakaraming tanong na pumasok sa isip niya. Ilang saglit lang ay nasa daycare na sila.
“Tatay!” Excited na excited si Tristan na sumalubong kay Gabriel. Nauna pa nitong yakapin si Gabriel bago si Christine. Kinarga naman agad ni Gabriel si Tristan pagkatapos nitong humalik at yumakap kay Christine.
“Tara na...may dala kaming favorite food mo sa car.” At patakbong lumayo si Gabriel na dahilan para tumili si Tristan sa tuwa.
Si Christine ay natutuwa din sa tuwing nakikita niya ang ganitong eksena nila ni Gabriel. Pero hindi kaya masaktan lang si Tristan kapag dumating ang araw na ikasal na si Gabriel at magkaroon na din ng sariling pamilya? Parang kinurot naman ang puso ni Christine sa alalahaning ito.
Pagdating nila sa car ay tinabihan ni Christine si Tristan at inalalayan itong kumain na sobrang excited sa dala nilang fried chicken. Bago pa nakarating sa bahay nila ay nakatulog na si Tristan na busog na busog sa kinain. Kinarga uli ni Gabriel si Tristan hanggang sa silid nila at marahan itong inihiga sa kama. Si Christine naman ay inayos sa kusina ang mga gamit na baunan ni Tristan. Nang mayamaya ay narinig niya na tumatawag sa pintuan si Joseph. Pinapasok na ito ni Jepoy.
“Oh, hi, Joseph.” Bungad na bati ni Christine dito habang nakatanaw siya mula sa kusina. Kita niya si Joseph sa sala. Si Jepoy naman ay pumasok na sa kuwarto niya.
Lumakad papunta sa kusina si Joseph bago bumati. “Hi, Tin, I missed you. Tagal nating di nagkita, ah.” Lakas loob pa itong lumapit para humalik sa pisngi ni Christine. Hindi naman na umiwas si Christine dahil halik lang naman sa pisngi. Pero nakita iyon ni Gabriel na noon ay kakalabas lang ng kuwarto nila. Hindi nito nagustuhan ang nakita niya at sinabi niya sa sarili na pinaglaruan lang din siya ni Christine.
“Mauna na ako.” Mabilis na humakbang papunta sa labasan si Gabriel. Hindi na niya hinintay na sumagot si Christine.
“Wait, sir, kape? Gusto mo bang magkape muna?” Hinabol naman ito ni Christine pero hindi na lumingon si Gabriel. Hinayaan na lang ni Christine at bumalik na ito sa kusina. Si Joseph naman ay nakaupo na sa may dining set.
“Parang hindi na tayo nagkikita, ah.” Reklamo ni Joseph kay Christine habang inaabot ang tasa na pagtitimplahan ng kape.
“Masyado na kasing busy sa work. Ang dami talagang dapat gawin.” Nagsalin na din ng mainit na tubig si Christine sa mga tasa at tinuloy nilang pareho ang pagtitimpla ng kani-kaniyang kape. Sanay na sanay na silang gawin ito tuwing nagkikita at nagkukuwentuhan tungkol sa mga bagay bagay.
“Hindi ka ba inaalila nung boss mo na yun?” Tinignan ni Joseph nang pagilid si Christine. Parang ayaw niyang makita ang totoong reaction ng mukha nito na halata naman niyang nahuhulog na ang loob sa boss niya.
“Hindi naman. Kayang kaya ko pa naman lahat ng pinapagawa niya.” Pinagtanggol naman ni Christine si Gabriel.
“Tiyakin mo lang na trabaho talaga pang-opisina ang pinagagawa niya. Baka naman may kasamang pleasure ang trabaho niyo.” Panunuya ni Joseph kay Christine.
Nagpanting ang tenga ni Christine at pinigilan ang sarili na magalit. “Pagod ako. Pwede saka ka na lang bumalik?” Pagtataboy niya kay Joseph.
“Ang init naman ng ulo mo. Ngayon lang tayo uli nagkita. Hindi mo ba ako na-miss man lang?” Inabot nito ng isang kamay ang kamay ni Christine at hinawakan.
Iwinaksi naman ito ni Christine. “Ano ba, Joseph. Tigilan mo nga ako. Pagod ako sabi, eh.”
“Kailan ka pa naging pagod pagdating sa akin? Baka nakakalimutan mo? Ako lang ang nakakapagpaligaya sa ‘yo?” Sabay tumayo ito at lumapit na kay Christine. Tumayo din agad si Christine para makaiwas dito. Lalong nanggigil si Joseph at hinablot sa buhok si Christine. Hinarap niya sa mukha niya si Christine hawak hawak ito sa bungkos ng buhok nito.
“Aray! Bitawan mo nga ako!” Hawak hawak niya ang kamay ni Joseph na nakahawak sa buhok niya. Nasasaktan na talaga si Christine. “Ayoko na Joseph. Tama na. Tigilan na natin ‘to!”
“Akin ka lang Christine. Huwag mong sasabihin sa akin yan!”
“Hindi naman tayo. Wala naman tayong relasyon! Malinaw na malinaw naman sa atin yun, Joseph! Please bitawan mo na ako.”
Marahas na inilapit ni Joseph ang mukha niya kay Christine para halikan ito nang bigla na lang may sumuntok sa panga niya at nabitawan niya si Christine. Pag lingon nila ay si Gabriel iyon na bumalik pala dahil napansin ang celphone ni Christine na naiwan nito sa upuan ng kotse.
Ibinalik ni Joseph ang suntok ni Gabriel pero hindi siya nakatama dahil sinalubong uli ni Gabriel ng suntok ang mukha niya. Natumba sa sahig si Joseph at nahirapan nang tumayo.
“Gabriel, tama na!” Pigil naman ni Christine dito nang makitang susugod pa uli si Gabriel at tutuluyan si Joseph. Yakap yakap niya si Gabriel ay itinaboy niya si Joseph. “Tumayo ka na Joseph. Lumabas ka na dito at please lang huwag ka nang magpapakita sa akin!” Sigaw ni Christine kay Joseph.
Nagmamadaling tumayo si Joseph at matumba tumba pang lumabas ng bahay habang sapo sapo ang panga na tinamaan ng suntok ni Gabriel. Nang matiyak na wala na si Joseph ay saka lang binitawan ni Christine si Gabriel, na hinatak naman bigla si Christine at niyakap nang mahigpit.
“Nasaktan ka ba?” Alalang tanong nito kay Christine.
“Hindi naman, okay lang ako.” Nanghihinang sagot ni Christine.
Hinalikan muna ni Gabriel sa noo si Christine bago niya iniupo sa silya. Pagkatapos ay naglabas siya ng pitsel mula sa ref at nagsalin ng tubig sa baso na nasa lamesa.
“Inumin mo ‘to.” Inabot ang baso kay Christine.
Nanginginig pa ang mga kamay ni Christine na inabot ang baso. “Salamat dito.” Pagkatapos ay tuloy tuloy na nilagok ang laman ng baso.
“Halika, magpahinga ka na.” Inalalayan ni Gabriel sa pagtayo si Christine at inilakad papunta sa kuwarto. Inalalayan niya din itong mahiga nang maayos sa tabi ni Tristan. Pagkatapos ay naupo siya sa sahig sa tapat ni Christine.
“Pumikit ka muna. Oorder ako ng dinner. Gisingin kita mamaya.” Hinawakan niya sa kamay si Christine at hinimas himas ito. Pumikit naman si Christine at saka lang naramdaman na dumaloy na ang luha sa pisngi niya.
Hinimas himas naman ni Gabriel ang buhok ni Christine. Alam niya na normal reaction iyon nang taong dumaan sa shock. Na-shock ito at ngayon lang nakaiyak nang humupa na ang gulo. Hinayaan niya si Christine na umiyak habang nakahawak ang isang kamay niya sa mga kamay nito at ang isa naman ay humahaplos sa buhok. Mayamaya lang ay nakatulog na si Christine.
Pinahid ni Gabriel ang luha sa pisngi ni Christine at tumayo na ito at inilabas ang cellphone sa suot na coat. Nang maka-order ng pagkain ay may tinawagang iba pang numero.
“Hello. May ipapagawa ako sa iyo. Yung empleyado nating si Christina Torres, nakatira sa Sitio 13, may kaibigan siyang Joseph. Ikaw na ang bahala, alamin mo ang detalye tungkol sa taong iyon. At balikan mo ako.”