CHAPTER 5

2968 Words
ARAW NG LUNES, maagang gumising si Christine at nagbilin kay Jepoy na huwag na munang magtinda para bantayan lang muna si Tristan. Nakapag-desisyon na kasi siya na tanggapin ang alok ni Gabriel na trabaho. Mas makakaipon siya nang mabilis at matatapos niya din ang pag-aaral niya.  Sinipat-sipat pa niya sa salamin ang sarili niya nang makapagbihis na. Mabuti at kasya pa sa kanya ang ibang damit niya na ginagamit niya noon kapag may presentation sila sa class. Gray na terno skirt and blazer ang suot niya, sa loob ay black blouse. Malinis na nakapusod ang buhok niya at kitang kita ang ganda ng kanyang mukha. Sa suot naman na itim at gray ay lumutang lalo ang maputi niyang kutis. Ang sapatos naman niya ay isang 3-inch na closed shoes na kulay krema. Perfect. Mabuti na lang at marunong pa din ako lumakad nang naka-high heels.  Pagdating sa Alliance International Corp. ay manghang mangha siya sa lobby pa lang. Napakaganda ng interior ng building. Pormal na pormal ang dating na pwede talagang pang-international. Paglapit niya sa receptionist ay itinuro naman sa kanya kung saang floor pupunta para sa opisina ni Gabriel. Sumakay siya ng elevator at pinindot ang 19th floor. Habang lulan ng elevator ay medyo kinakabahan siya. Tama kaya ang desisyon ko na mag-work? Hindi kaya awkward na isa akong undergrad? Pero bumukas na ang elevator at wala na siyang chance na magbago pa ng isip.  May napagtanungan siyang babae kung saan ang opisina ni Gabriel. Itinuro siya sa bandang dulo ng hallway, mayroong pinto na nakasara. Sa labas ng pinto ay may waiting area. May coffee machine, magazines, and TV monitor. Lumakad siya papunta sa pintong iyon at marahang kumatok. Walang sumasagot. Kumatok siya uli pero parang walang tao. Sinubukan niyang iikot ang pihitan at bumukas ito.  Bahagya niya lang ipinasok ang ulo niya para sumilip. Nanlaki ang mga mata niya sa nakita niya!  Para siyang napako sa kinatatayuan niya. Mabilis niyang isinara ang pinto at naupo sa waiting area.  Sa loob naman ng opisina ni Gabriel ay hindi nila namalayan ni Leslie na may kumakatok pala. At hindi din naisara ni Leslie ang pinto. Kaya abalang abala sila sa ginagawa nila na hindi namamalayang may nakakita na pala sa kanila. Kasalukuyang nakatuwad si Leslie at nakakapit sa dulo ng sofa samantalang inuulos naman siya ni Gabriel mula sa likuran, nakatayo ito at hawak hawak sa balakang si Leslie.  “Oohh, sir, harder please, harder, sir!” Habang sinasabi ito ni Leslie kay Gabriel ay salat naman ng kanang kamay niya ang sarili niya sa ibaba na lalong nagpapadagdag sa sensasyong nararamdaman niya. Sumunod din naman si Gabriel na nilakasan pa ang pagbangga sa balakang ni Leslie, bagay na lalong nagpapasigaw kay Leslie. Yumukod si Gabriel at pinihit nang kaunti patagilid ang ulo ni Leslie at hinalikan ito sa labi para hindi masyadong maglikha ng ingay. Pagkatapos ay binilisan na niya ang walang tigil na paglabas masok kay Leslie hanggang sa naramdaman niyang dumulas na ito at umungol nang pagkahaba haba si Leslie. Halos manginig naman ang tuhod  ni Gabriel sa napipintong pagsabog. At nang maramdaman na nakaraos na si Leslie ay mabilis niyang hinugot ang sandata niya at hinimas himas ito nang mabilis hanggang sa pumulandit ang puting likido sa puwitan ni Leslie. Nang masiguro na lumabas na ang pinakahuling katas ay itinayo na si Leslie paharap sa kanya at hinalikan ito ng isang beses pa sa labi bago inangat ang boxers at pantalon. Kumuha pa siya ng tissue sa kalapit na mesa at nilinis nila ang sarili nila. Paglabas naman ni Leslie ay nagulat siya at napahinto sa paglalakad. May tao palang naghihintay sa labas ng opisina. Mabilis niyang hinagod ang buhok niya at sinigurong nasa ayos ito at hindi mahalatang kakatapos niya lang makipag-s*x sa boss niya.  “Excuse me, miss.” Napatingala si Christine na noon ay abala sa pagbabasa sa cellphone ng ilang facts tungkol sa kumpanya ni Gabriel. Doon nga niya nalaman na nag-iisang anak ng may-ari si Gabriel, ang tanging tagapag-mana ng Alliance. At sa buong industry, Top 1 ito pagdating sa sales and sa rating ng mga clients.  “Hi, good morning.” Alanganin ang pagkakangiti ni Christine na parang siya pa ang nahihiya para sa babae dahil alam niya kung ano ang ginawa nito sa loob.  “May appointment ka miss……?” Binitin ni Leslie ang salita para makuha ang pangalan ni Christine.  “Christine. I’m Ms. Christina Torres. Wala akong appointment pero kilala ako ni Mr. Moreno. Pakibanggit na lang ng pangalan ko.”  “Okay. For a while.” Pumasok uli si Leslie sa opisina ni Gabriel at ilang segundo lang ay lumabas na uli at sinenyasan siyang pumasok na. Tinignan pa muna ito ni Leslie mula ulo hanggang paa bago siya bumalik sa puwesto niya.  Pagpasok ni Christine sa loob ay agad siyang sinalubong ni Gabriel, tumayo ito mula sa swivel chair niya at lumapit kay Christine. Ramdam pa ni Christine ang init ng paligid pag pasok niya. Sumalubong din ang mabangong amoy ng alcohol na mukhang kakagamit lang ni Gabriel. “Wow, I’m surprised!” Bungad na bati ni Gabriel. At itinuro ang sofa. “Please have a seat.”  “Thank you.” Umupo na din si Christine. Magkatapat sila ng puwesto.  “Coffee? Juice? What can I offer you?”  “Okay lang ba, kahit water na lang.”  “Sure.” Tumayo si Gabriel at kumuha ng bottled water sa mini pantry niya. Binuksan niya pa ito bago iniabot kay Christine.  Halos maubos ni Christine ang tubig bago nakapagsalita.  “Thank you dito.” “Uhaw na uhaw ka...mainit ba sa labas?”  “Mas mainit sa opisina mo...pasensiya ka na, nakita ko kayo kanina nung babae. Sekretarya mo ba yun?”  Natawa si Gabriel. “Whaat? Anong nakita mo?”  “Yung...yun...alam mo na. Sorry talaga hindi ko sinasadya. Bukas kasi ang pinto.”  “Goodness, it must have shocked you, I’m sorry. Bakit hindi ka nagsalita?”  “Alam ko naman ang pakiramdam nun siyempre. Kung mabitin ka baka uminit pa ang ulo mo kaya hinayaan ko na lang muna kayo. Girlfriend mo ba yun?”  “Ah, si Leslie yun.” Natatawang sagot ni Gabriel. “Sekretarya ko. Sorry talaga ha, unang bungad pala sa ‘yo unpleasant scene agad.”  Hindi naman unpleasant. Sobrang yummy mo kaya kanina kahit saglit lang kita nakita. Parang ang sarap haplusin ng puwit mo. Maskulado at mukhang napakakinis.  Bulong ni Christine sa sarili niya.  “Ha? May sinasabi ka ba?” Tanong ni Gabriel.  “Ha? Ah wala, wala, may naalala lang ako.” Parang nahiya naman si Christine at namula pa ang mukha sa na-imagine na itsura ni Gabriel kanina. “Anyway, okay na yun. Huwag na nating pag-usapan kasi opisina mo naman ‘to, kumpanya mo, at buhay mo. So tingin ko wala namang problema dun basta hindi mo naman pinilit yung babae.”  “Haha! Ako pa ba, hindi ko sila pinipilit. Sadyang hindi ko lang talaga sila matanggihan.”  Wow, so hindi lang iisa...mukhang madami sila.  “Anyway…” Nagsalita uli si Gabriel. “I’m glad you finally made up your mind. Am I right na okay na sa ‘yo na maging EA ko?” “Ah, yes. Sana okay lang din sa ‘yo na first time ko sa corporate world at hindi ako sanay sa maraming tao. Pero kakayanin kong gawin ang mga ipapagawa mo. I’ll try to do my best.” “Good, good. So kelan ka pwedeng magsimula?”  “Ha? Agad agad ba? Hindi ba may interview pa sa HR?” “There’s no need, ako na ang bahala. I’ll just have them prepare your contract.”  “Okay, thanks. Pero sa makalawa pa ako pupwede. May kailangan lang akong tapusin bukas na dalawang thesis, last na yun sa mga tinanggap ko.”  “What exactly do you do with the thesis?” “More on editing and proofreading lang naman. Sometimes inaayos ko ang contextual content kung kinakailangan.”  “Wow, I’m impressed. So I take it that you can also write a speech?”  “Of course, basta alam ko lang ang details I can compose any speech for any occasion.”  “Good, good! I like you, Christine.”  Nagulat naman si Christine sa narinig. “Ha?” “Ah...I mean, I like you as my EA...you’re perfect and I think magkakasundo tayo.”  “Paano si Tristan?” “Don’t worry about him. You can bring him here everyday, or if it’s okay with you, there’s a private day care nearby para talaga sa mga working mom yun. We can enrol Tristan there. Ako na ang bahala.”  Laking pasasalamat naman ni Christine at sa tingin niya ay umaayon ang universe sa kanya.  KINABUKASAN ay maagang nagising si Christine. Tinapos niya ang mga thesis at inasikaso ang mga susuoting damit sa darating na mga araw. Pero sa tingin niya ay hindi sapat ang mga ito. Habang nag-iisip siya kung papano ang gagawin ay biglang dumating si Gabriel.  “Oh, hi, sir!” Sinasanay na niya ang sarili niya na tawaging sir si Gabriel.  “Hi. Okay lang ba, dinadalaw ko lang si Tristan. I promised him kasi na babalik ako ngayon. I brought his favorite chicken meal.”  “Naku, halika pumasok ka sir. Baka naman ma-spoil ang bata.”  “Okay lang yun, para ko na din namang anak si Tristan.” Lumabas ng kuwarto si Tristan at tuwang tuwa nang makita si Gabriel. “O, di ba, Tristan? Come here, give me a hug!”  “Hi Tito kong angel!” Tumakbo ito papalapit kay Gabriel sabay yakap nang mahigpit. Naiiling naman si Christine dahil hindi niya maintindihan kung ano ang pinakain ni Gabriel sa anak niya. Hindi ganun kalapit si Tristan kay Joseph na mas matagal na nitong kilala at palagi ding may dalang pasalubong, hindi lang Jollibee, kumpleto na lahat ng fastfood na sikat. Pero hindi niya nakitang naging ganito kasaya si Tristan.  “Ngayon nga pala ang balik ni Tristan sa ospital para tanggalin ang tahi, di ba?” Tanong ni Gabriel.  Napatakip sa bibig si Christine. “Naku! Oo nga, mabuti ka pa naalala mo. So sorry anak, na-busy si nanay. Halika bihis ka muna, aalis tayo.”  “Samahan ko na kayo.”  “Naku abala pa. Tsaka balak kong dumaan sa department store, bibili ako ng ilang blouse para sa pagpasok ko sa opisina.”  “Tamang tama, samahan ko na kayo, wala naman akong gagawin.”  Tuwang tuwa si Tristan at naglulundag pa bago pumasok sa kuwarto para magbihis. Hindi na nakapag-reklamo si Christine. Pagdating sa ospital ay dumiretso na sila agad sa clinic ng doctor. Kinuha muna ng sekretarya ang vitals at ginawan ng out-patient record si Tristan. Tinanong ang pangalan ng ina at ng ama. Walang naisagot si Christine. Parang naawa naman si Gabriel nang makita ang expression sa mukha ng bata.  “Di ba nanay nasa malayo si tatay?”  “Oo anak, mamaya na tayo magkuwentuhan ha. Patanggal muna natin yang tahi mo.”  “Pero nanay, kahit nasa malayo siya, ilagay po natin ang pangalan ni tatay.”  “Ha? Ahhh, sige sige ako na ang bahala.” At tumingin si Christine kay Gabriel na parang humihingi ng tulong. Naintindihan naman ni Gabriel at hinawakan ang kamay ni Tristan.  “Tara na Tristan, mauna na tayo sa loob, hanap ka na ni doc.” At naiwan si Christine na nagpasensiya na lang sa sekretarya dahil sa kulit ng anak niya.  Nang makalabas sila ng ospital ay dumiretso sila sa restaurant. Nagutom si Tristan at naghanap ng pagkain. Dinala sila ni Gabriel sa isang sikat na Japanese restaurant. Pag dating sa loob ay iniabot agad ng waitress ang menu sa kanila. Magkatabi sa upuan sina Christine at Tristan. Sa tapat nila ay nakaupo si Gabriel. Itinuro ni Tristan ang drawing ng tempura dish.  “Naku, hindi ka pwede diyan. May allergies ka sa hipon, remember?” Saway naman ni Christine. Nagulat naman si Gabriel pagkarinig nito.  “Pareho pala tayo, Tristan. Hindi din ako pwede sa hipon kahit na gustong gusto ko nang tikman yan. Mamamaga ang buong mukha ko...magiging kamukha ako ni Shrek!”  Natawa naman si Tristan at natuwa din si Christine sa kanila habang pinagmamasdan niya ang dalawa na nagtatawanan. Um-order na sila ng kahit ano na walang shrimp. Sarap na sarap naman si Tristan sa kinain niya. First time niyang makatikim ng pagkain na kakaiba at natuwa si Gabriel dahil may pagkakahawig sila ni Tristan sa mga paboritong pagkain.  Matapos kumain ay nagtuloy na sila sa department store. Lahat halos ng isukat ni Christine ay gustong gusto niya pero hindi niya makuha dahil panay ang tingin niya sa presyo ng mga ito.  “Kunin mo na, bagay na bagay sa ‘yo yan. Lutang na lutang ang hugis ng katawan mo.” Kinindatan pa ni Gabriel si Christine nang sabihin ito. Pinandilatan naman niya ito ng mata.  “Miss, okay na, ito na lang sige.” Baling ni Christine sa saleslady.  “Miss,” iniabot ni Gabriel ang card niya. “Isama mo na lahat ng isinukat niya kanina. Take this.”  Nanlaki ang mata ni Christine pero bago pa siya nakapagreklamo ay inakbayan siya agad ni Gabriel. “Sige na miss, paki-punch na. Mahiyain talaga ‘tong girlfriend ko.” Natawa ang saleslady at pumunta na sa cashier.  “Yehey! Si Tito Angel na ang tatay ko!” Nagulat naman ang dalawa dahil bigla na lang sumigaw si Tristan at nagtatalon.  “Bebe ko, shhh.” Tinakpan agad ni Christine ang bibig ni Tristan. “Joke lang ni Tito Gab yun.” Tumingin naman si Tristan kay Gabriel na parang nagtatanong. Kindat lang ang sagot ni Gabriel sabay kinarga si Tristan.  “Halika nga dito…” Pinanggigilan nito si Tristan at hinalikan sa pisngi.  Paglabas nila ng department store ay madilim na. Si Tristan ay inaantok na kaya inihiga na nila sa likod ng sasakyan. Naupo naman sa harap si Christine sa may tabi ng driver. Bago pinaandar ni Gabriel ang sasakyan ay nagtanong muna siya.  “Pwede ko bang malaman bakit hindi mo inilagay ang pangalan ng tatay ni Tristan kanina sa clinic?”  “Ah, ano kasi...ayoko nang makilala siya ni Tristan.” Pagdadahilan ni Christine. Hindi niya sasabihin na bunga lang ng one-night stand si Tristan sa di pa niya kakilalang lalaki.  “Kung ganun ay pagbibigyan mo na siya kung maghanap siya ng bagong tatay?”  “Hindi kasi iyan ang iniisip ko ngayon. Ang gusto ko ay makatapos ako ng pag-aaral, mapagtapos ko si Jepoy, at mapag-aral din si Tristan. Malapit na din siyang mag-elementary.”  “Kung bibigyan mo ako ng chance, pwede bang ako na lang ang tatay niya? Tutulungan din kita na abutin lahat ang pangarap mo.”  Hindi nakakibo si Christine. Hindi din niya makapa sa puso niya kung ano talaga ang nararamdaman niya para kay Gabriel. May spark, oo. May halong pagnanasa. Pero hindi niya alam kung pagmamahal ba iyon. Sa panahong iyon, hindi pwedeng pumasok sa isang relasyon si Christine nang hindi pagmamahal ang dahilan. Kaya ganoon nga lang din sila ni Joseph dahil napapaligaya lang siya nito.  “Hayaan mo, pag-iisipan ko.” Pero sa loob loob ni Christine ay hindi niya maitanggi na malakas ang s****l attraction sa pagitan nila. Na napatunayan din niya agad nang bigla na lang lumapit si Gabriel sa kanya para ikabit ang seatbelt niya. Sa sobrang lapit ng mukha nila sa isa’t isa ay parang nanghihina si Christine. Naramdaman iyon ni Gabriel at tuluyan nang inilapat ang mga labi niya sa labi ni Christine.  Marahan na punong puno ng pagnanasa ang halik ni Gabriel. Hindi naman nag-atubili si Christine na gantihan din ito ng halik. Punong puno din ng pagnanasa at ramdam na ramdam ni Gabriel ang init ng hininga ni Christine sa pisngi niya. Halos lamukusin na ni Gabriel sa pangigigil ang mga labi nito. Matagal na naglapat ang mga labi nila at mapangahas na kinapa na ni Gabriel sa dibdib si Christine. Hindi naman ito makalikha ng ingay dahil sakop na sakop ni Gabriel ang buong bibig nito.  Parang lumulutang na si Christine sa sarap ng nararamdaman. Mabuti na lamang ay madilim ang bahaging iyon ng parking lot. Dahan dahan nang ipinasok ni Gabriel ang kamay niya sa dibdib ni Christine. Itinaas niya nang bahagya ang suot nitong pang-itaas at pinaglaro ang kamay niya sa ibabaw ng dibdib na natatakpan ng bra. Isiniksik pa niya ang daliri sa pagitan ng bra at ng dibdib ni Christine at nilaro ang nasalat na n*****s nito na hindi na makinis sa pakiramdam, tanda na tayung tayo na ito. Parang gusto nang kumawala ng ungol sa bibig ni Christine pero lalong nilaliman ni Gabriel ang pag-angkin sa bibig nito kaya hindi pa din makapag-ingay si Christine. Napaliyad na lang siya sa kinauupuan niya at sarap na sarap sa paglalaro ng daliri ni Gabriel sa n*pples niya.  Napatigil lang sila sa ginagawa nang bigla nilang naramdaman na kumilos sa likod si Tristan. Pumihit ito nang pagkakahiga at agad na inagapan ni Gabriel sa muntik nang pagkakahulog. Mabilis na bumaba sa sasakyan si Christine at umupo sa likuran. Sinapo niya ang ulo ni Tristan at pinaunan sa kandungan niya.  Wala namang nagawa si Gabriel. Pinaandar na niya ang kotse at pasulyap sulyap sa salamin na napapangiti kay Christine. Magiging akin ka din. Sa loob loob ni Gabriel ay gusto talaga niyang maangkin si Christine pero alam niya na hindi pa ito ang tamang panahon. Madami pa din siyang kailangang ayusin sa buhay niya. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD