Nakahanda na ang mga pagkain para sa kanilang pananghalian. Nagdesisyon si Merrick na pakawalan na ang dalawang taong bihag nila ngunit kahit wala na silang tali pareho ay hindi pa rin sila umaalis sa batong kanilang kinauupuan mula nang kalagan. Nagmamasid lang ang dalawa. Niyaya sila ng mga duwende na saluhan sila sa pagkain ngunit hindi pa rin kumilos ang dalawa. Bukod kasi sa natatakot, nagdududa at nahihiya rin sila. Natatakot na baka may gawin sa kanilang masama. Nagdududa dahil kinalagan sila at ngayon naman ay niyaya silang dalawa na dumulog na sa hapag na para bang hindi sila mga bihag ng mga ito. “Tara na po binibini,” yaya ni Damian sa kaniya ngunit nadadalawang isip pa siya kung sasama ba o hindi na lamang. "Bakit po?" nagtatakang tanong ng binatilyo na ramdam na ramdam ang