Kinabukasan, nagising si Sage na hindi nakita si Damian sa kaniyang higaan. Bumangon na siya at lumabas upang hanapin ito sa paligid, ngunit wala ito roon. Mag-isa na lamang siya pumunta sa batis upang maghilamos at doon ay nadatnan ang ilang mga babaeng duwende na abala sa kani-kanilang mga ginagawa. Halos hindi siya napansin ng mga itong dumating dahil may seryoso silang pinag-uusapan at ito ang kaniyang naabutan. "Sino naman ang makaiisip ng bagay ba 'yon?" "Nakasisiguri akong si Merrick. Parang hindi natin alam ang mga kaya niyang gawin. Napakadali lamang sa kaniya iyon kay hindi na ako magtataka. Nahinto sa paghihilamos si Sage nang marinig ang pangalan ni Merrick. "Ang ibig kong sabihin ay kung kanino tunay na ideya. Doon kaya sa tao o talagang kaniya?" "Maaring doon sa tao.