Nanginginig sa takot si Damian habang pinakikinggan ang mga sagot ni Merrick sa bawat katanungan niya. Huminto lang siya sa pagtatanong nang hindi na niya kaya ang takot at bigat sa kaniyang dibdib na may kasamang galit para sa nanloko sa kaniya at sa mga kasama niyang naglayag papunta sa islang kinatatayuan niya ngayon. Naiyak na lamang siya dahil sa naghalo-halong emosyon. Pabulong na humihingi ng tawad sa kaniyang ina at mga kapatid na duda na siya kung kaniya pang muling makikita. Isiniwalat ni Merrick ang buo niyang pagkatao at ang katototohanan kung sino si Skull at kung ano ang atraso nito sa dragon at sa mga iba pang naninirahan sa isla. Hindi rin nagdalawang isip ang binata na ipakita ang kaniyang tunay na anyo na nagdagdag lamang ng takot na nararamdaman ni Damian. Hindi nama