Lumipas ang buong araw na hindi na naman nagpakita si Merrick. Nanatili siya sa loob ng kweba at nagpapahinga sa tabi ng brilyanteng puno kung saan naroon pa rin si Helena. Wala pa ring sinyales na lalabas na ang diwata. Nais ni Merrick na siya ang unang makikita ng ina-inahan sa kaniyang paggising kaya roon siya natutulog sa mismong tabi ng puno. Nasa kaniyang tunay na anyo si Merrick nang mga sandaling iyon. Mas malakas kasi ang kaniyang pandinig at pakiramdam kapag isa siyang dragon at madali niyang malalaman kung may panganib na naman o di kaya'y may magtatakang pasukin ang kanilang isla. Mas kampante siya kapag naroon sa tabi ng kaniyang inang diwata. Labis siyang natakot nang araw na nakita niya itong nanghihina. Hindi pa siya handang mawalan muli ng ina matapos kunin ni Skull ang