"Pakawalan mo ang diwata, Gerard!" Nagitla ang halimaw sa malakas na boses na iyon na hindi alam kung kanino at kung saan nanggaling. Walang sinuman ang lumitaw sa paligid para matukoy kung sino. Biglang nataranta ang halimaw nang dahil doon. Mabilis niyang kinuha ang isang lumang espada na nasa ibabaw ng lamesa at pumorma upang naghanda kung mayroon mang biglang lilitaw na kalaban sa silid na kinaroroonan nila. "I-Ikaw si Gerard?" hindi makapaniwalang tanong ni Helena sa halimaw matapos ding marinig ang pagsigaw ng kung sinong lalaki. "E ano kung ako?" sagot nito habang naalerto at ang mga mata'y mabilis na nagpabaling-baling sa bawat sulok ng silid. "Paano mo nagawang dalhin ako rito? Wala ka namang kakayahan," tanong ni Helena na nagtatakang lubos mula nang magmulat siya at matagpu