Chapter 41

1421 Words

Habang umiiyak si Merrick, si Helena nama'y nagpipigil ng tawa. Hindi kasi bagay sa kaniyang anak-anakan ang pag-iyak nito nang ganoon lalo na't napakamaskulado ng pangangatawan nito. Pulang-pula na ang mukha ni Helena nang mga sandaling iyon upang pigilan ang sarili na mapahalakhak. "T-Tumahan ka na, ayos na 'ko. H'wag ka nang mag-alala pa," maya-maya ay sinabi ni Solana habang tinatapik ang likod ni Merrick na sige pa rin sa paghagulgol. "P-Pasensiya na ina—hindi ko alam paano p-pipigilan," paghingi nito ng dispensa sa diwata. "Hay naku—sige na nga, ubusin mo na 'yan. Dalian mo lang at baka makita ka nilang gan'yan ang itsura," wika na lamang ni Helena sa kaniya at hinayaan nga niya itong umiyak muna habang nakayakap pa ito sa kaniya. Hindi na siya natatawa. Sa pag-iyak ni Merrick

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD