Matapos ihatid ang mga pagkain ay umalis na si Merrick upang ipagkuha naman sila ng lampara nang sa ganoon ay may liwanag ang dalawa. Hindi nakaligtas sa mga mata ni Sage kung paano pakitunguhan ni Merrick si Damian na tila ba magkakilala sila. Hindi niya maiwasang magtaka sa napansin dahil kung tignan siya ni Merrick ay parang napapaso pa rin ito. Halata rin kung paaano siya iwasan nito. Nagsasalita na tila ba wala siya sa paligid. Iniwan na niya sila nang tuluyan nang maihatid ang lampara na gawa sa kawayan at ang langis ay langis ng niyog na sila mismo ang gumagawa. "Kumain muna tayo bago bumalik sa pagkukumpuni. Ang dami pa nito at mukhang hindi natin mauubos," yaya ni Damian kay Sage na naiwan na nakatulala at nakatayo sa parehong pwesto nang kaharap niya pa si Merrick. Parang tuod