Prologue

498 Words
Merrick’s Point of View Magmula nang araw na nabahiran ng dugo ng tao ang mga kamay kong ito ay hindi na ako nakatulog nang maayos. Parang bang isang bangungot na paulit-ulit ko na lamang nakikita ang mga naganap sa tuwing ako’y pipikit. Ang pulang kulay kahit wala na't ilang beses ko nang hinugasan ay parang nanatili ng isang mantsa sa aking kayumangging balat. Sa tuwing nakikita ko rin ang mga peklat sa aking iba't-ibang parte ng katawan ay para bang ibinabalik ako sa mismong araw na iyon at hindi na makakaalis pa kailanman. Nagiging paulit-ulit ang naririnig kong mga sigawan, pag-aray, tunog ng pagsabog at mga putok ng baril na para bang naiwan mga tunog sa loob ng aking tainga at ayaw nang maalis. Ayaw huminto at ayaw tumahimik. Sa tuwing makikita ko ang akin namang repleksyon sa tubig ay parang bang nakikita ko ang mukha ng taong aking nagapi at kinuha ang buhay gamit ang dalawa kong mga kamay. Batid kong nag-aalala na silang lahat sa akin. Ginagawa ang kung ano-anong mga bagay upang makalimutan ko ang mga iyon. Nang mga nagdaang araw panay na lang ang aking iwas sa kanila dahil mas gusto kong mapag-isa at hindi na sila magambala. Ang isa pang hindi mawala sa aking isipan ay ang mga salitang narinig ko mula sa bibig ng taong aking pinaslang. Ang kan’yang ama raw si Skull Von Heather, ang piratang nakatunton ng aming isla noon at pumatay sa aking mga magulang. Para akong hibang na nagbibilang ng mga araw at kabilugan ng buwan. Malakas ang pakiramdam kong kami’y magkakaharap sa mga darating na araw. "Narito ka lamang pala. Kanina ka pa namin hinahanap," wika ng aking ina-inahan na bigla na lamang ang pagsulpot matapos akong matagpuan. Nilingon ko lamang siya at nang paupo na sa malaking bato sa aking tabi ay aking inalalayan. Nakangiti siya at hindi ko ramdam na ngitian din siya kaya mabilis na lamang akong nag-iwas ng tingin sa kaniya. Parang nalimot ko na yata ang ngumiti magmula nang araw na may mapaslang akong tao sa kauna-unahang pagkakataon, pakiramdam ko’y napakasama kong nilalang at nagawa kong pumaslang. "Hindi ka ba nagugutom? Naghanda sila ng makakain para sa'yo," tanong ni inang diwata ngunit hindi ako nagugutom. “Hindi pa po ako nagugutom,” mahina kong tugon. Pinagpatuloy ko na lamang ang pagtanaw sa malayo. Nag-iisip at naghahanap ng sagot sa mga tanong, kahit pa natatakot akong malaman ang sagot. "Gusto mo bang malaman ang nangyari noon Merrick?" mahinang tanong ni ina. Mahina ngunit sapat upang aking marinig sa lapit ng aming distansya. Mabilis ko siyang nilingon at hindi umimik. Tumanaw muli sa malayo, sa malawak na karagatan at pinakinggan ang paghampas ng mga alon sa mga malalaking tipak ng bato kung saan kami nakatungtong at nakaupong dalawa. Gusto ko, ngunit hindi ko direktang masabi. Batid kong alam naman niya iyon kaya naman inihanda ko na ang aking sarili, ang puso at ang isip dahil tiyak magigimbal at mas sisidhi ang aking nadaramang galit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD