Chapter 56

2322 Words

Kumatok si Damian sa malaking pinto ng malaking bahay na nasa kanilang harapan. Nakailang katok muna siya bago may nagbukas mula sa loob na una'y akala nila'y si Sage na, ngunit hindi pa pala. "Ano hong kailangan nila?" tanong ng katiwala na ulo lamang niya ang kaniyang inilabas sa pinto upang tignan kung sino ang mga nasa labas. Kitang-kita ang lungkot sa mga mata niyang mugtong-mugto at namumula pa nang mga oras na 'yon. Iniwan niya sandali si Sage sa silid na nagpapahinga at nang makarinig siya ng pagkatok ay kasalukuyan siyang nasa kusina. "Nar'yan po ba si ate?" tanong ni Damian sa katiwala. Napaarko ang kaniyang kilay sa tanong nitong iyon na nakuha naman ni Damian agad ang ibig sabihin. "Ang ibig ko pong sabihin ay si Sage po. Mga kaibigan niya po kami," pagtatama ng binatilyo at

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD