Gaya kung ano ang hiling ni Sage, iyon nga ang nasunod. Ikinukupa ng pamilya ni Damian ang halos lahat ng silid sa ikalawang palapag ng malaking bahay ng mga Von Heather. Sina Merrick at Elliot ay kasama rin nila sa parehong palapag, ngunit ang kanila ay isang silid lamang dahil mayroon namang dalawang bukod na mahihigaan. Sa pagdaan ng mga araw ay bumubuti na ang mga kalusugan ng kapatid ni Damian. Ang kaniyang ina ay naalis na ng doktor ang tubig sa baga at nagpapalakas na lamang ang ginang. Ang laki ng pasasalamat niya kay Sage at kay Merrick na kahit nagdududa sa mga kayamanang mayroon ito na siyang ginagamit nila sa araw-araw at sa paggastos sa mga materyales ng bahay na kasalukuyang inaayos. Tumutulong ang tatlo sa pagkukumpuni. Nagbubuhat ng mga kahoy at nagpapako rin nito. Sa pa