Chapter 27

1631 Words
Napanganga na lamang si Sage sa labis na pagkagimbal. Gusto niyang sumigaw ngunit walang kahit anong salita ang lumalabas sa kaniyang bibig. Nanlambot ang kaniyang tuhod at napaluhod sa buhangin habang nakatingin sa kaniyang amang nababalot pa rin ng apoy kahit lumipad na paitaas ang dragon. Nag-unahan ang kaniyang mga luha na pumatak. Biglang sumagi sa kaniyang isip ang kaniyang nakatatandang kapatid na roon din sa islang iyon ang destinasyon nang nawala at hindi na kabalik sa kanila. Tanging luha na lamang niya ang nangusap. Natatakot siyang baka siya na ang isunod lalo pa at narinig niya ang paglapag ng malalaking pares ng mga paa mula sa kaniyang likuran. Nakita rin ng binatilyo ang pangyayari. Nagmadali siyang tumakbo papunta sa dalaga. "Binibini? Tara na't tumakbo!" Natatarantang sabi nito nang makalapit na. Naroon ang dragon nakatunghay lamang sa kanila at natatakot siya sa laki nito at baka sakmalin nila bigla o bugahan na lamang ng apoy dahil kita niya sa mga mata nito ang galit. "B-Binibini," Hila niya sa dalaga ngunit hindi ito tumayo. Umiiyak lang ito. Natumba na sa tubig ang katawan ni Skull. Sunog na sunog ang buo niyang katawan bago pa man makaabot sa pampang. "Binibini!" malakas na sigaw ng binatilyo. Sinabayan na niya ng pag-uga sa katawan ng dalaga ngunit nasa ama pa rin niya ang kaniyang atensyon. Nakatingin lang si Merrick sa kanila. Pinanood ang dalagang nakaluhod habang tumatangis. Nagtataka siya kung bakit ito umiiyak at nakadama siya ng awa para sa taong iyon. Pakiramdam niya ay hindi masasamang tao ang dalaga. Ang kasama nito ay mukhang bata pa at takot na takot sa kaniya. May iba pang mga parating ngunit nang makita ang ginawa niya sa kanilang lider ay napabalik sila sa barko nilang palubog na. Nakasakay pa ang iba sa maliliit nilang mga bangka at mabilis na nagsagwan palayo sa isla. Wala na siyang pakialam pa sa kanila ngunit ang dalawang nasa pampang ng kanilang isla ay hindi niya alam kung paano paaalisin. Humakbang siya palapit. Ang lalaki ay mas lalong nataranta at mas nilakas ang pag-uga sa dalagang nakaluhod pa rin sa buhangin. "Bi-ni-bi-ni," putol-putol na bigkas nito habang nakatingin kay Merrick na palapit nang palapit sa kanila. Humangin ng malakas. May nasamyo si Merrick at nagpahinto sa kaniyang paghakbang. Parang halimuyak ng bulalak na kay tamis sa ilong. Mahilig pa naman din siya sa matamis at ang makaamoy ng ganoon ay gustong-gusto niya lalo na kung nginunguya n'ya pa gaya ng mga paborito niyang mga prutas. Sininghot niya at sinubukang alalim kung saan nanggagaling. Humakbang siyang muli at mas lalong natakot ang lalaki sa kaniya dahil sa kanila siya papunta. Nais niyang hagilapin kung saan galing ang amoy. May nalalanghap siyang iba dahil sa malapit ang sunog na katawan ni Skull at naririnig niya pa ang t***k ng puno nito kahit sunog na ang halos buo nitong katawan. Mukhang galing sa dalawa na nasa pampang ngunit hindi niya alam kung kanino eksakto sa kanila. Kung sa babaeng umiiyak habang nakatulala o sa takot na binatilyo. Nakaaamoy siya ng kasamaan gaya ng amoy ni Skull na kakaiba, masangsang at kay baho hindi dahil sunog na siya ngayon at kumpara sa mga sakay sa mga barko ito lang ang bukod-tangi sa lahat na may nakakasukang dalang baho. Siguro'y katangian na niyang taglay iyon at sa isla nila ay mabubuti ang lahat. Bigla tuloy siyang naguluhan dahil para sa kaniya ang lahat ng mga tao ay masasama dahil sa ginawa nila sa kaniyang mga magulang. "Merrickkk!" malakas na tawag ng kung sino sa kaniya. Galing sa malayo ang boses at hindi malinaw sa kaniya kung sino ang tumawag sa kaniyang ngalan. Napalingon siya kung saan galing at naghintay ng lilitaw mula roon at maya-maya nga lang ay nakita niya ang kaibigan niyang si Elliot at ang iba pang mga duwende. "Tama na! Tapos na!" sigaw nito habang palapit sa kaniya nang tumatakbo. Nagulat ang lalaking kasama ni Sage sa pagsulpot ng mga duwende at mas lalo siyang nagtakot dahil ang dami nila at palapit na sa kanila. Nanigas na lang siya sa kaniyang kinatatayuan at tahimik na nagdadasal na h'wag sana silang saktan. Si Sage naman ay walang alam sa nangyayari. Nakatingin lang siya sa kaniyang amang palutang-lutang ang katawan habang dinadala ng alon palapit sa kanila. Gusto niyang lapitan ngunit wala siyang lakas upang magawa pa iyon bukod sa masakit ang kaniyang isang paa. Nilingon ni Merrick si Elliot sandali at binalik ang kaniyang tingin sa dalawang tao. Nakalapit na sina Elliot at ang iba sa bangkay ni Skull na kanilang hinila papunta sa pampang upang makita nang malapitan. Buhay pa ito ngunit naghihingalo na. Ang mukha nito ang pinakasunog sa lahat at hindi na makilala. Pumutok ang dalawang mga mata sanhi ng pagkakadarang sa apoy sa loob lamang ng ilang segundo. "A-nong ga-gawin n'yo sa a-ma ko?" Sa wakas, nakapagsalita na rin si Sage at pinilit tumayo upang puntahan sila kahit pa takot din siya dahil hindi niya alam kung anong mga klaseng nilalang sila na kulay berde at mahahaba ang mga tainga. "S-sino kayo?" tanong niya pa. Hindi niya tuloy alam kung lalapit ba o hindi na lang. Lalo na nang magawi kay Merrick ang tingin niya. Rumehistro agad ang galit sa kan'yang mukha nang makita ang dragon na sumunog sa kaniyang ama. Narinig pa ni Skull ang boses ng kaniyang anak ngunit mahina dahil ang kaniyang mga tainga ay naapektuhan din nang husto. Gayunpaman, sapat na para sa kaniya iyon dahil nalaman niya na buhay pa ang anak at hindi gaya niyang kinain na ng apoy. Nahinto na ang pagtibok ng puso niya sa tagpong iyon ngunit may tanong pa sa kaniyang isip. Kung sino ang dragon at bakit mayroon pang dragon sa isla gayong napatay na niya ang dalawa noon. Ang masamang tingin ng dalaga kay Merrick ay iba ang hatid sa kaniya. Para siyang napapaso sa paraan kung paano siya tignan nito nang ganoon. May labis na pagkasuklam pareho sa kung ano ang naramdaman niya nang malamang nariyan nanaman si Skull upang magdala ng dilim sa kanilang isla. Hindi niya matagalan ang titig nito. Kung nakakasunog lang ang titig ay baka nasunog na rin siya gaya ni Skull. Mas pinili niyang umalis na lang at iwan sa mga duwende ang dalawang tao. Bahala na sila aniya sa isip ngunit habang nasa himpapawid ay para bang nais niyang malaman kung ano ang gagawin nila sa dalawang taong iniwan niya. Mula sa himpapawid ay tinignan niya ang mga barko kung naroon pa. Wala na kahit isa ang natira. Ang mga pating ay mukhang busog na. Hindi na hinabol pa ang mga ibang nakatakas na takot na takot para sa kanilang mga buhay. Wala namang kasalanan ang mga iyon sa kaniya, si Skull lang at nakaganti na siya para sa kaniyang mga magulang at para sa iba pang mga nilalang na namatay noon nang dahil sa kaniya. Pinuntahan niya na lamang ang kan'yang ina at ang iba pa na nasa kabilang parte ng isla. Ligtas ang lahat. Hindi nasira ang isla at wala ni maliit na parte nito ang nasira. Nanghihina pa rin ang diwata nang mga oras na iyon. Patakbo siyang lumapit matapos magpalit ng anyo at niyakap agad ang diwata. Sinalubong siya ng ngiti ng mga ito. May luha sa kanilang mga mata dahil sa kaligayahang kanilang nararamdaman. Maging ang diwata ay masayang-masaya. Buong akala niya ay magiging bituin na siyang sa puntong iyon ngunit dahil kay Merrick ay may natira pa siyang lakas at ang mga nawala ay maari niya pang mabawi. "Magpahinga ka na muna ina. Ako muna po ang magbabantay sa isla," ani Merrick paglayo niya mula sa pagkakayakap sa diwata. Parang musika iyon sa pandinig ni Helena. Hindi dahil makakapagpahinga na siya, iyon ay dahil masaya siyang malaman na kaya na ng kaniyang anak-anakan ang sarili niya at isa na rin itong ganap na protektor ng kanilang tahanan. Tunay ngang isa siyang hari sa lahat ng mga nilalang gaya ng kung ano sila sa kasaysayan. Nakakatuwa lang na kahit nag-iisa ito ay nagawa niyang matalo si Skull kahit mas marami ang barkong dala niya kumpara noong unang punta nito sa kanilang isla. Binuhat na siya ni Merrick at dinala sa kuweba at bago pumasok sa brilyanteng puno upang makabawi ng lakas ay ito ang sinabi ng diwata sa kaniya, "Ngayon makakampante na ako sa tuwing magpapahinga ako. Salamat Merrick," Hindi lang si Helena ang masaya nang mga sandaling iyon. Maging ang kaniyang kapatid na si Luna na hiningan niya ng tulong. Napanood niya ang nangyari at nagsabi na rin siya sa kaniyang mga magulang kung ano ang hiling ni Helena ngunit mukhang hindi na kailangan. Nais nitong tuluyang itago ang isla mula sa mata ng sinuman kung siya'y papanaw na. Nang sa gayon ay wala na talagang makakakita sa isla ngunit hindi pabor nang kaniyang ama roon dahil makukukong ang mga nilalang sa isla. Naroon ang kanilang mga diwatang kapatid nakamasid at pinapanood ang nangyayari mula sa mga ulap. Lahat ng kaniyang mga kapatid na nawala na halos ang amor sa kaniya sa katigasan ng ulo niya. Noon pa kasi nila sinasabihan si Helena na hayaan na ang isla dahil kaya naman ng mga nilalang na naroon ang kanilang mga sarili ngunit ayaw niyang makinig. Ang mga mata nila ay may luha lalo na nang makita nila si Helena na hinang-hina at kung hindi lamang naisip ng dragon na ipaalis sa kaniya ang baluti, kulang-kulang dalawang minuto na lamang ang itatagal niya sana at ganap na siyang maglalaho gaya ng mga kapatid nilang matitigas din ang mga ulo. Masaya silang lahat na hindi. Lihim silang nagbunyi sa kani-kanilang mga sarili lamang dahil ayaw nilang ipakita sa isa't-isa na masaya silang buhay pa ang isa nilang kapatid. Si Luna lamang ng maingay at kani-kanina pa iyak nang iyak.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD