Pinunasan ko ang luha ko at saka huminga ako ng malalim. Hindi ako umalis doon mag hapon hanggang sa makatulog ako. Nagising lang ako dahil sa pag bukas ng pinto na sinasandalan ko. Kinusot kusot ko ang mga mata ko at saka tumingin kay Samuel na buhat buhat ang anak ko na mukang natutulog na. "S-Samuel..." "What are you doing?" "Amina si Aphro, dadalin ko na lang sa kwarto ko--" "Shut up! What are you doing?" Kinagat ko ang ilalim ng labi ko at sinalubong ang kan'yang galit na tingin. "You are trying to open the door?" "N-No." "Liar, bitch." Binigay n'ya sa akin ang anak ko. Agad kong tinanggap 'to at hindi pinansin ang tinawag n'ya sa akin. Kailangan ko tanggapin lahat ng sinasabi n'ya kung 'yun ang ikakagaan ng loob n'ya. Pumasok ako sa loob ng kwarto at hiniga ang anak ko. Al