Bumalik silang dalawa na sabay. Naka uniform na ang anak ko at nakaayos na si Samuel. Umupo na si Samuel sa upuan habang ang anak ko ay dumiretso sa akin at agad hinalikan ang labi ko. "Good morning, mommy! I love you!" "Good morning, handsome! I love you more!" I kissed his lips and he went to his father to sat beside him. Inayos ko ang pag kain ng mag ama at umupo din ako sa tabi ng anak ko. Tahimik kaming tatlo na kumakain, hindi ko hinahayaan na mag dumi ang anak ko habang kumakain s'ya. Kaya naman ng matapos s'ya ay hinanda ko na din ang baon nito. Tinuro sa akin ni Samuel kung ano dapat igayak ko sa anak namin. Sunod no'n ay umalis sila. Hindi na ako nag reklamo nang i lock ako nito mula sa labas. Sinilip ko lang sa bintana ang anak ko na ngayon ay papasok na sa loob ng sasak