Nanginginig ang katawan ko. Umiiling iling ako dito habang nakatingin sa kan'ya. Hindi, hindi ako naniniwala. Tuloy tuloy bumuhos ang luha ko at saka pumasok sa loob ng E.R. Nanginginig ang katawan ko habang dahan dahan na lumapit kay Inay. Hinawakan ko ang kumot na nakatabon dito at doon bumungad sa akin ang natutulog na si Inay. Napahagulgol ako at niyakap ko 'to ng mahigpit. Mahigpit ang yakap ko, nanginginig ang katawan ko habang patuloy na tumutulo ang luha ko. "I-Inay..." "Her heartbeat stopped earlier when she saw you fainted." Nginginig ang katawan ko. Kasalanan ko 'to, kasalanan ko. Kung sana, nandoon na lang kami sa Pangasinan, kung sana nakuntento na lang ako. Hindi sa kan'ya mang yayari 'to. Hindi n'ya ako iiwan, hindi ganito kaaga. "Aphrodite." Humarap ako sa kanila. "I