Naligo ako sa cr at agad din nag bihis. Lumabas ako pumunta sa sala habang sinusuklay ang buhok ko. "Saan natin sisimulan hanapin ang magulang mo?" Nagulat ako sa pag bukas n'ya ng topic. "Bukas po punta tayo hospital para sa check up n'yo. Hindi po muna tayo mag hahanap, inay." Napatitig 'to sa akin. "Akala ko ba nandito tayo para mag hanap?" Umiling ako dito. "Andito tayo para sa check up mo, inay. Alam ko po nahihirapan ka at ayoko pong mahirapan ka Inay. Kaya naman---" "Kaya sinanla mo ang kwintas mo para dito?" Nagulat ako sa sinabi n'ya at napatingin sa sing sing na nasa daliri ko. "Hindi ko gusto ang ginawa mo. Mahalaga sa 'yo 'yun. Bakit mo ginawa 'yun?" "Mas mahalaga po kayo." Sagot ko dito at umiwas ako nang tingin. "Matulog na po kayo, Inay. Para bukas po maaga tayo."