Halos wala ako sa sarili sa susunod na araw. Lagi akong pagod o ano pero pag nasa bahay ako ay lagi akong nakangiti. Pumuslit ako minsan sa bayan para mag tanong kung mag kano at nagulat na lang ako sa nalaman ko. "Mag kano po na isasanla, 'yung sagad na po." Kahit anong halaga n'ya? Bahala na. Dahil ang kailangan ko ngayon ay si Inay. Kailangan ko na dalin si Inay dahil napapansin kong hirap na hirap na s'ya. Hinandaan ko na din resignation letter ko at napag usapan na namin ang gusto ko. Wala din akong choice dahil mas mahalaga ang buhay ni Inay kaysa sa mga bagay ngayon. "Ma'am, are you sure? Mukhang pinasad'ya po ang sing sing mo. 'Yung kwintas mo kasi nakakahalaga ng two hundred thousands pesos." Nanlaki ang mga mata ko sa narinig ko. "Sagad na po sa sanla 'yun, pero kailan n'yo p