Pagod na pagod kong binagsak ang aking katawan sa higaan ko sabay no'n ay agad akong nakatulog. Sobrang pagod na pagod ako dahil maya maya ay nakatawag sila sa akin dahil sa problema.
Hindi marunong umayos ang manager namin dahil nga pinsan lang s'ya ng may ari kaya s'ya nandito pero hindi s'ya sanay umayos. Kinuha lang s'ya dahil relative sila, kaya gano'n na lang.
Nakatulog ako ng hindi nakakapag palit ng damit. Gumising ako ay madilim pa sa labas. Tumayo na ako at saka lumabas ng kwarto ko. Sumilip ako sa kabilang kwarto kung nasaan si Inay. Sinilip ko 'to at bahagyang napangiti at saka pinag pasyahan na ako na mag luto.
Napatigil ako ng maalala ko ang mga guest kahapon na may mga asul na mga mata. Lahat sila ay parang pamilyar sa akin, pero ayoko mag salita. Natatakot ako dahil paano kung kasama sila sa ala ala ko?
Pero hindi ako pwede mag tanong sa kanila dahil paano kung sila pala ang nag tatangka sa akin? Paano kung sila pala ang gustong manakit sa akin? Tulad ng sabi ng police, baka ang nasa kotse na 'yun ang gustong pumatay sa akin or baka nilaglag ako nito sa bangin para mamatay ako.
Masyadong magulo pero kailangan ko mag ingat. Kinuha ko ang kwintas sa leeg ko kung nasaan ang isang singsing. Tinitigan ko 'to, may nakaukit na Aphrodite sa loob ng singsing at saka tinago na.
Ang hirap.
Kailangan ko muna makaalala bago ako lumapit sa kanila. Hindi ako pwede mag tiwala agad sa kanila.
Lumapit na ako sa kalan di uling at agad kong nilagyan ng uling. Sinindihan ko ang goma at saka nilagay sa ilalim para mag baga. Kinuha ko ang kaldero sa gilid nito at saka nilagyan ng bigas.
Pumunta ako sa likod poso at doon ko sinimulan ang pag unab ng bigas. Natapos ako aya agad ko na sinilang 'to at saka pinaypayan para lumakas pa ang baga.
Nag timpla muna ako ng kape at saka naupo sa isang silya na gawa sa kahoy.
Ang bahay ni Inay ay isang kubo lang na may dalawang silid. Ang kusina at sala ay iisa lang, walang tv dahil pahirapan sa signal ang nangyayari dito. Kahit wala kaming alam sa ganap sa lugar ng mga city dahil tago ang lugar namin.
Ininom ko ang kape ko habang nakatitig sa kalan.
Ilang taon pa kaya ako ganito? Wala akong pera para pambalik sa Doctor para mag karoon ako ng check up. Dahil sa bukod na sakitin si Inay ang ay pahirapan pa kami sa gamot dahil minsan nauubusan ng gamot sa center kaya bumibili pa ako.
Hindi ko din s'ya maiwan dito para hanapin ang sarili ko. Sa mga panahong hirap ako ay hindi n'ya ako iniwanan. Nililinis ang sugat ko, piniliguan ako hanggang sa maging maayos ako.
Malapit na day off ko at gusto ko dalin si Inay sa malapit na Center or kahit sa hospital na kahit malayuan. Ramdam ko ang pag hirap n'ya sa pag hinga kahit hindi man n'ya sa akin sabihin.
Nang maluto ang kanin ay agad akong kumuha ng kawali saka nilagyan ng mantika. Kumuha ako tuyo para iprito dito at itlog. Siguro sa Resort na ako kakain mamaya dahil wala na pala kami pag kain dito. Sa isang araw pa off kaya kailangan ko muna mag tiis sa itlog tuyo.
Natapos ako mag luto ay pumasok ako sa silid ni Inay. Agad akong lumapit dito. "Inay..." mahinang tawag ko dito.
Inayos ko ang mahabang maputing buhok nito. "Inay, bangon na. Kumain na po tayo." Dahan dahan 'tong dumilat. "Tara na po." She nodded.
Umupo 'to sa kan'yang higaan at saka pinusod agad ang buhok. "Nakapag luto na po ako."
"Gano'n ba? Hindi ka nakakain kagabi. May tirang ulam doon, ininit mo ba?"
"Hindi ko po napansin. May baga pa naman po kaya maiinit ko po 'yun ngayon."
Tumayo na ako saka lumabas sa kan'yang kwarto. Tinignan ko ang tauban at oo nga, may tirang ulam. Manok 'to at mukang nangatay na naman ng manok ang inay ni Jeya at binigyan kami.
Sinalin ko 'to sa kaserola at sinimulan na iinit.
"Kumain ka ng marami. Mamaya kukuha ako ng manok at ipag luluto kita. Ihahatid ko na lang ang pag kain mo."
"Sige po, inay." Nakangiting sagot ko dito.
Hindi ko alam kung kailangan ko ba sabihin pa sa kan'ya ang nang yari kahapon. Kinakabahan ako ngayon dahil alam ko nandoon pa rin sila. Hindi ko alam kung ilang araw sila dito. Hindi ko alam kung safe ako o hindi.
"Ija, oo nga pala. May nakita sa bayan si Martha, pwede daw natin ipaayos ang peklat mo. Para bumalik ang normal mong muka." Napatingin ako sa kan'ya.
"Hindi na po, inay. Ayos lang naman po sa akin ang ganito saka maganda pa rin naman ako."
Siguro pumasok ako ng walang ano sa mukha. Pumasok kaya ako ng bare face? Siguro hindi na nila ako pag kakamalan kung sino? Lalo na ang mga asul na mga mata. Siguro, maiisip nila na hindi ako 'yung kilala nila.
Nilapag ko sa mesa ang pag kain at naupo sa harapan nito. "Inay, may mga guest kami na para bang kilala ako." Napatingin 'to sa akin. "Pero ayoko po malaman nila na ako 'yun. Saka hindi naman po sure kung kilala nila ako pero nakikita ko po kasi galit sa kanilang mga mata."
Lalo na ang katabi ng isang gwapong guest doon. Kinakabahan ako dahil paano nga kung sila ang gustong pumatay sa akin? Kaya naman natatakot ako.
"Anak, wag ka muna kaya pumasok? Delikado dahil baka mapaano ka. Tulad ng sabi ng mga pulis na baka may nag tatangka sayo." Napatango ako dito.
"Papasok ako pero hindi ko tatakpan ang peklat ko para makita nila na baka hindi ako hinahanap nila." Nag aalalang tumingin 'to sa akin. "Natatakot ako pero baka mas lalo silang mag hinala na baka.... kaya hindi ako pumasok kasi ako hinahanap nila?"
"Tama ka naman pero delikado pa rin." Ngumiti ako dito.
"Gagawin ko lahat, Inay." Ngumiti sa akin 'to.
Nag simula na kami parehong kumain na dalawa. Dahil nga hindi ako nag hapunan ay gutom na gutom ako. Marami akong nakain at si Inay na din ang hugas ng mga pinag kagawaan namin. Dumiretso na ako sa cr para mag igib ng tubig. Kumuha ako ng timba at pumunta sa likod poso.
Masyadong malamig kung dito ako maliligo kaya naman pinuno ko ang isang drum sa cr at saka nag simula na akong maligo.
Masyado pang maaga pero mas okay na 'to. Ang mahalaga ay maka sampong oras ako dahil pwede na ako umuwi pag nakasampong oras ako.
Alas sais pa lang ay nandoon na ako. Chineck ko ang time in ko at makakalabas ako dito ng mga four pm. Maaga 'yun kaya naman may oras pa ako para mag pahinga.
Mag lilibot muna ako sa resort. Nag dala din ako ng gamit ko para makaligo. Libre kasi pag tauhan ka basta sagot mo lang ang pag kain.
"Ang aga mo! Pero nag dala din ako extra! Mag a under time ako para makasama sa'yo!" Masayang sabi ni Jeya at natawa na lang ako dito.
"Oo! Doon tayo sa walang tao mamaya para masaya!"
Mabilis 'to pumasok sa staff room. Pero agad din lumabas. "Takpan natin peklat mo?" Umiling na lang ako dito pero nag aalala s'ya sa aking tumingin,
Hinawakan ko ang peklat ko na mula ilalim na mata hanggang sa pababa sa panga ko. "Sige na! I am okay!" Nakangiting sabi ko dito at pumasok na s'ya sa staff room.
Nawala ang ngiti ko at huminga ako ng malalim habang nakatingin dito.
Si Inay at si Jeya ang importante sa buhay ko ngayon.
Ang pamilya ko? Hinahanap kaya ako? Kamusta na kaya sila?
Bakit hindi nila ako hinahanap? Bakit gano'n?
"Daddy!" Napatingin ako sa sigaw nang bata at mukang iiyak na. Asul ang mga mata nito at biglang bumilis ang t***k ng puso ko.
Dahan dahan akong pumunta dito. "Yes?"
"Dad..." tumulo luha nito and i wiped it immediately.
"You should go back your room, handsome." Tumitig s'ya sa akin.
"Mommy?" Kumunot ang noo ko. "Mommy! Mommy!" Nagulat ako sa tinawag n'ya sa akin at agad ako nitong niyakap ng mahigpit.
Hindi ko alam bakit ganito pakiramdam ko. Tumulo ang luha ko habang nakayakap ng mahigpit sa akin ang bata. Tulala ako at hindi mapaniwala, may kung anong saya ako naramdaman sa aking dibdib ng maramdaman ko ang mahigpit na yakap nito sa akin.
"What are you doing?" Someone pulled him away from me.
I stared the kid. I touched my left chest. Something is weird. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko.
"Dad! She's mom!" Tumayo ako at tumingin sa isang guest namin na may asul na mga mata.
"Ano sinabi mo sa anak ko?" Galit na tanong n'ya sa akin.
"I didn't tell him anything, i-i was just shock---"
"Sa tingin mo maniniwala ako sa sasabihin mo?" My forehead creased.
"Sir, excuse me?" Nagulat ako ng hiltakin nito ang braso ko at napangiwi ako sa sakit.
"Dad! Don't hurt mom!" Kinagat ko ng ilalim ng labi ko.
"She's not your mom!" Galit na sabi nito na kinagulat ko.
"Sir! Don't raise your voice---"
"Hala! Sir!" Nangielam na ang manager namin at agad bumitaw sa akin ang lalaking 'to.
Napahawak ako sa braso ko at nakikita ko ang pamumula nito. Pakiramdam ko mag kakapasa ako dahil sa sakit ng hawak n'ya sa akin. Huminga ako ng malalim saka tumingin sa kan'ya.
"Stay away from my son!"
Umantras ako dito. "Dad! She is my mom!" Malakas na sigaw ng bata.
"Stop it, Aphro! Your mom is dead!" Naiinis na sabi nito at hindi ko alam bakit ako ang nasasaktan sa sinasabi n'ya.
"No! Dad!"
"What's happening here?" Another blue eyes came and this woman who called me b***h yesterday.
"Tita, my mom!" The kid pointed me again.
"Aphro, she is not." Madiin na sabi nito.
"Hello, Aphro. I am not your mom---"
"Why did you call me handsome!?" Galit na sabi n'ya sa akin na kinagulat ko.
"S-Sorry---"
"Shut up!" Mabilis 'to tumakbo palayo sa amin na kinagulat ko.
"Ate, follow him." Malamig na sabi ng guest namin.
Tumingin ako sa kan'ya at bahagya akong umantras. "I am sorry, sir---"
"Don't ever call him that name." Mabilis akong tumango.
Sobrang lamig ng boses nito at halata dito ang galit sa akin. Huminga ako ng malalim at ngumiti pa rin kahit hawak hawak ko ang masakit na braso ko.
"Your scar..." napahawak ako sa peklat ko.
"Sorry, Sir, for the trouble. I was just checking everything when I saw your son calling his dad. He was teared eye and I told him that he have to go back in his room immediately." Paliwanag ko dito.
"Just don't go near at him."
Hindi ko alam bakit ang sakit ng sinabi n'ya. Hindi ko alam bakit ako nasasaktan. "Yes, sir. I won't."