"KRISTA! MAY DALA AKO FOR YOU!" Napatingin kami pareho kay Jeya na nakatitig sa amin. Ngumuso lang 'to at para bang nahihiya dahil naka istorbo s'ya.
"Krista is your real name?" I glanced at him.
"I am Kristallie, Sir. Krista is my nick name." Pag papakilala ko dito.
"You are very look like her." Kinabahan ako dahil do'n. "My fiancee, you really look like her but too bad she is w***e and scam bitch."
Hindi ko alam bakit gusto ko umiyak sa harapan n'ya dahil sa sinabi n'ya.
"You should not call that names your ex fiancee, sir. Maybe she has reason---"
"She cheated on me and my son, she left us." Napaango ako dito at ngumiti.
"I don't know the whole story but I hope someday? You will find a bright side. Because you loved her, and because you were hurt---"
"You are talking like her." Napahinto ako dahil doon. "You are not her, right?" Ngumiti ako.
"I am Krista, sir. If ever I had a son? I will never leave him." Nakita ko ang pag tigil n'ya at mabilis din bumalik sa malamig na ekspresyon ang muka n'ya. "Excuse me, sir."
Mabilis akong umalis doon at pumunta na sa Desk. Huminga ako ng malalim at medyo napangiwi sa sakit ng braso ko. Lumapit na sa akin si Jeya at agad ibinigay ang isang tupper wear.
"Here."
"What is this?" Ngumuso lang s'ya sa akin at agad kong binuksan. "My lunch? She nodded.
"Sinabi ko kay Inay na wag ka na igawa ng lunch dahil nag luto ako. Maaga ako nagising para sana ipag luto ka pero umalis ka na. Aayain sana kita mamaya sa falls or kahit sa cave." Napangiti ako dito. "Nag dala rin ako pag kain natin."
"Thank you!" Masayang sabi ko dito.
"Krista lagyan kaya natin ng yelo ang braso mo?"
"Hindi na! Okay na ako!" Natatawang sabi ko dito.
Nag aalalang tumingin 'to sa akin. Tinignan ni Jeya ang braso ko at napangiwi 'to sa akin. "Okay lang ako."
"Sigurado ka ha?" Tumango ako dito.
May iilang guest na umalis pero mabilis din na kinuha ng mga Nievez ang kwarto.
Nievez, they are Nievez? Their surname is very familiar. Pero saan ko narinig? Oh! Sa bayan, Nievez pala sila? May property sila dito? Oh! Sa San Fabian. Oo, May hotel ata sila doon.
"Fill up na lang po dito, miss." Nakangiting sabi ko dito.
"You really like her." Nagulat ako sa sinabi n'ya. "I never met her but i saw her picture in Sam's room." My forehead creased.
"Baby..." tumingin s'ya sa lalaking may brown na mata. S'ya lang ang naiibang kulay sa mga 'to saka 'yung babae kanina. Tapos mga anak nila puro asul na ang mga mata.
"Mommy! Let's go na." Aya ng batang babae.
"Amber, just a minute. I will just fill up this form." Tumango ang bata at saka pumalakpak.
Tumingin ako sa lalaki na nakatitig pala sa akin. Bahagya ako ngumiti dito at saka tumingin sa asawa n'ya.
Nakaalis na sila at ako naman ay naupo. "Krista, ikaw na!" agad akong tumayo at pumunta sa staff room para makapag lunch na.
Hinintay ko si Jeya at napangiti ako ng makita s'ya. Sabay namin binuksan ang aming Lunch box at nag simula na kami kumain.
"Narinig kita na pinag uusapan nila." napatingin ako sa kan'ya. "Yung mga Nievez."
"Anong meron?"
"Wag daw dapat maniwala sa'yo dahil scam ka daw." kumunot ang noo ko. "Mukhang galit na galit sa 'yo ang isang babae doon, hindi ko maintindihan dahil pinag sasabihan n'ya yung Samuel na wag daw maniniwala sa'yo."
Natahimik ako dahil doon. "Galit na galit s'ya sa'yo 'eh wala ka naman ginagawa." med'yo inis ang boses n'ya.
"Sabi nila hawig ko daw ang ex ni Sir. Samuel." napatingin s'ya sa akin.
"Huh?"
"Hawig ko daw. kaya siguro gan'yan, mainit ang dugo nila sa akin dahil hawig ko." mahinang sabi ko dito.
Ako ba? Ako ba 'yung hinahanap nila? Iniwan ko ang anak ko? may anak ako? Baka hindi ako. Baka nga kamuka ko lang, pero paano kung hinuhuli lang nila ako?
Pero 'yung nga naramdaman ko kanina? Paano ko ipapaliwanag 'yun?
"Wag mo na isipin 'yun. Ilang araw lang naman sila at aalis na." napatango ako dito.
Kaya naman nang matapos ang oras ko ay hinintay ko si Jeya. Nag pasya kami na sa cave na kami mag palit na dalawa.
Ang mga Nievez kanina ay pabalik balik sa desk ko para lang mag tanong. Hindi ko alam kung bakit kailangan pero sinasagot ko naman ang mga tanong nila na nakangiti.
Pabalik balik din ako sa desk dahil sa dami ng Guest. Ang iba ay nag extend kaya naman hindi na kami muna tumanggap at ang alam ko nag report na ang manager namin.
Nag palit ako ng damit sa loob ng cave. Isang sandong gray ang suot ko at isang sexy short. Iniwan namin ang bag namin sa isang gilid, madilim dito at talagang kapaan ang nang yayari.
"Ano? Paalon tayo?!"
"Go!" masayang sabi ko.
Agad kami tumalon sa balon at saka lumangoy. Naramdaman na namin ang pag baba namin at napasigaw kami sa sarap.
Muntik pa ako malunod pero buti ba lang bumagsak na kaming dalawa sa falls.
"Bwisit! Akala ko mamamatay na ako!" natatawang sabi ko dito.
"Namali ka na naman 'no?" tumango ako dito kaya pareho kaming natawa na dalawa.
Nag floating na ako at gano'n din s'ya. Pinikit ko ang mga mata ko.
"Krista, tara dito." dinilat ko ang mga mata ako.
Nakita ko s'ya papunta sa likod ng talon. Kaya naman lumangoy ako papunta doon para samahan s'ya. Andoon kami sa likod at ang pag bagsak lang ng tubig ang naririnig naming dalawa.
Ang ibang tubig ay tumatama sa aming dalawa. Nakaupo lang kami doon at habang pinanonood ang pag bagsak ng tubig.
"Grabe! hindi ko aakalain na tatagal ako ng taon sa Resort." nakangiting sabi n'ya.
"Bakit? Balak mo ba mag resign? Saan ka naman mag tra-trabaho?"
"Balak ko pumunta ng Metro Manila. Marami kasing opportunities doon. Tapos ako ng two years course." nakangitibg sabi n'ya.
"Gusto ko din sana kaso wala akong papel. Hindi ko alam kung sino ako tapos kung ano pa ang natapos ko." malungkot na sabi ko sa kan'ya.
Ngumiti ako at huminga ng malalim. "Kaya wala akong choice kung hindi mag stay dito---"
"May kakilala ako na gumagawa ng documents! hindi halatang fake! Ano? tara?" natawa ako ng mahina dito.
"Ayoko baka mahuli lang tayo. Baliw ka, kaso 'yan!" umiling s'ya sa akin.
"Sabihin mo lang kung kailan mo gusto! Sasamahan kita! Sabay tayo luluwas at sabay natin hahanapin ang mga magulang mo." napangiti ako sa narinig ko mula sa kan'ya.
"Thank you..."
Niyakap ko s'ya at ganon din s'ya sa akin. "Alam mo? Muka kang twenty one years old."
"Grabe. Twenty five na siguro ako oh ano---"
"Muka kang bata! Ako na nag sasabi sa'yo." nag tawanan kaming dalawa habang nakaupo sa likod ng falls.
"Sarap talaga dito!" napatingin kami sa nag salita.
Nagulat pa ako ng makita ko si Sir. Samuel kasama ang anak n'ya. Kaya naman napaayos kami ni Jeya sa likod ng tubig.
"Tara na." aya ko dito.
Tumalon kami pareho ni Jeya pababa at saka lumangoy kami. Umahon ako at saktong nabunggo ako sa isang matigas na bagay.
"S-Sorry!" mabilis na sabi ko dito.
"Oh! The miss receptionist."
I remember him. S'ya ang lalaki kahapon na kumukuha ng number ko pero wala akong cellphone.
Ngumisi 'to sa akin kaya naman mabilis akong lumubog para umalis doon pero nahuli nito ang braso ko.
"Aray!" malakas na daing ko dito.
"Ang ganda mo pa rin kahit may peklat ka sa muka 'no?" hinila ko ang braso ko dito pero dumiin lang ang hawak nito.
"Hoy! Bitawan mo nga kaibigan ko!" hinawakan ni Jeya ang kamay nito para maialis sa braso ko pero hinawi lang nito si Jeya.
"Lulubayan kita kung pupunta ka sa kwarto ko mamayang gabi." nanlaki ang mga mata ko sa sinabit nito.
Maya maya ay ang isang kamay n'ya ay naramdaman ko sa pang upo ko.
"BASTOS!" malakas ko s'yang tinulak. "Gago ka ha!" mabilis ko 'tong sinapak at hinuli lang nito ang isang kamay ko.
Nanginginig ang katawan ko dahil sa takot. s**t! First time ko ma harass.
Tumulo ang luha ko pero hindi mahahalata dahil basa kami ng tubog.
"Napaka arte mo! Probinsyana ka lang naman!"
"Let me go!" malakas na sigaw ko dito.
Pilit akong kumakawala dito at tinutulungan na ako ni Jeya pero sad'yang malakas ang lalaking 'to.
"Bitawan mo daw." napatingin kami sa nag salita.
My eyes widend when i saw Sir. Samuel with his kid.
"Wag ka mangialam dito." galit na sabi ng lalaking 'to.
Bumitaw ang bata sa ama n'ya at lumangoy 'to papunta sa kamay na nakahawak sa akin. Mabilis n'ya kinagat ang kamay nito kaya napabitaw sa akin ang lalaki.
"Tangina!"
"Tangina mo rin!" nagulat ako sa sigaw ng bata.
Hindi ako makapaniwala sa naririnig ko sa bibig nito. "Come!" hinila ako ng bata paalis doon at sinama ko si Jeya.
Ayoko pa sana umalis doon pero hinihila na ako ng bata. Huminto kami sa bandang dulo at unang umakyat si Jeya. Sumunod ako at ang bata naman ay sumama sa amin.
Napatingin ako sa pwesto nila Sir. Samuel, doon nakita ko na hawak n'ya na ang lalaki.
Napapikit ako. Sa isang taon ko dito kahit isang beses hindi ako nabastos. Nanginginig ang katawan ko sa takot at pinunasan ko ang luha g tumulo sa mga mata ko.
"Okay ka lang?" tumingin ako kay Jeya saka tunango. "Nanginginig ka."
"Kurt! Si Samuel! Jusko!" napatingin ako sa sumigaw.
Tumalon agad 'yung asawa ng babae sa tubig para puntahan 'to. "Tara na. Nanginginig ka na 'e." tatayo sana ako pero agad akong napaupo.
Kahit ang mga hita at binti ko ay nanginginig dahil sa nang yari sa akin.
"Gagong 'yan! Tumawag kayo ng police at pahuli n'yo 'yan!" galit ang boses nito.
"Daddy!" tumakbo na ang bata papunta dito.
Habang ako naman ay hindi makatayo dahil sa takot. Tumingin ako dito na ngayon ay nakatingin sa akin.
"You are shaking." he said.
"T-Thank you, Sir." dahan dahan akong tumayo pero agad lang din ako naupo.
Tumayo muli ako at humawak ako mahigpit kay Jeya. "T-Tara na." huminga ako ng malalim at nag lakad na kami paalis doon.
"Saan ka n'ya hinawakan?" she asked.
"My butt." mahinang sabi ko dito.
"Miss Krista." napalingon ako sa tumawag sa akin.
Nagulat ako ng itapis nito ang tuwalya sa akin. "Kailangan ka sana dito para makuhanan ng statement pero sa tingin ko kailangan mo ng umalis." tumango ako dito.
"S-Salamat, ulit." nanginginig ang boses ko.
Tumulo ang luha ko. Pero agad kong pinawi 'yun. Tumalikod na kami dito at saka nag lakad na paalis doon.
"That man! Titistigo ako!"
"Wag mo na sabihin kay Inay ha?" tumango 'to sa akin habang may pag aalala sa kan'yang muka.