When I get home, umayos ako ng pag lalakad. Sinalubong ako ni Inay na nakangiti at kinuha ang dala namin ni Jeya. Ngumiti ako dito at umiling kay Jeya para wag na sabihin kay Inay ang nang yari.
Pumunta ako sa poso at dahan dahan umupo doon. Tumingin ako kay Jeya na ngayon ay malungkot na nakatingin sa akin. "Sige na, umuwi ka na. Ayos lang ako." Nakangiting sabi ko dito.
"Wala naman masakit sa'yo?" Umilin ako dito.
I was harassed by that man, hindi ako makapaniwala sa lahat ng guest na nakasalumuha ko? May gagawa sa akin ng ganon. I am friendly and I did my best to be good for them and give them a friendly services. Kahit na pagod ako? Gagawin ko ang pinagagawa nila. I just want this work para kay Inay, para sa aming dalawa.
"Aalis na ako. Kukunin ko lang gamit ko sa loob." I nodded to her.
Sa pag alis nito ay tumulo ang luha ko. Niyakap ko ang aking katawan at huminga nang malalim. Paano ako ngayon papasok bukas? For sure, nakarating na sa lahat ang nang yari sa akin.
Pinunasan ko ang luha ko dahil pakiramdam ko may nakatingin sa akin. Pero wala naman ako makita. Kumunot ang noo ko. Dahil doon.
"Anak, oh? Nag luto ako ng mainit na sabaw. Sinabi sa akin ni Jeya na baka mag swimming kayo ngayon kaya naman nag luto agad ako para sa pag uwi mo ay makakainom ka agad." Nakangiti akong tumingin kay Inay.
"Salamat po." Kinuha ko ang mangkok at saka dahan dahan ininom 'to. Ang sarap sa pakiramdam ng sabaw na gawa ni inay sa akin. Hinaplos nito ang buhok ko.
"May problema ka ba? May nang yari ba sa Resort?" Agad ako umiling dito. "Sigurado ka? Wala naman ginawa sa'yo ang mga taong sinasabi mo?" Mabilis ako umiling dito.
Huminga ako ng malalim. "Ayos lang po ako, Inay. Saka wala naman po nang yari. Kayo po? Mag pahinga po muna kayo. Ako naman po dito maliligo."
Hinalikan nito ang noo ko at saka na pumasok sa loob. Ininom ko ang sabaw na hawak ko hanggang sa maubos 'to.
Huminga ako ng malalim at binaba 'to sa gilid. Tinignan ko ang langit na malapit na dumilim. Konting oras na lang dahil didilim na at nakakaramdam na din ako ng lamig dahil sa malakas na hangin.
"Hanggang kailan ako ganito?" I asked. "I want to know myself. I want to find my real me but how?" My tears fell but I wiped it quickly.
Pero kahit anong punas ko ay tuloy tuloy pa rin 'to bumagsak. Tumayo ako at saka tinapat ang timba sa bunganga ng poso. Mabilis ako nag timba hanggang sa mapuno 'to. Binuhusan ko ang sarili ko at hindi ininda ang lamig.
Pumasok na ako sa loob at dumiretso sa silid ko. Kumuha ako ng isang panjama at isang tee shirt. Sinuot ko 'to at saka sinuklay na ang mahabang buhok ko. Nang maayos na 'to ay lumabas ako para naman makakain na kami.
Chineck ko ang vitamins at gamot ni Inay. "Inay, sakto pala ang gamot mo. Pupunta tayo ng bayan sa isang araw para sa check up mo sa center."
"Huh? Hindi na. Dapat sa day off, mamasyal ka." Mabilis ako umiling dito.
"Okay lang ako, Inay." Nakangiting sabi ko dito.
Sabay kaming kumain na dalawa at ako na din ang nag hugas ng mga pinggan. Pumasok ako sa loob ng kwarto ng matapos ko lahat ng ginagawa ko. Binagsak ko ang katawan ko sa kama at agad pinikit ang aking mga mata.
Pero agad ko din binuksan ang mga mata ko at saka umupo sa kama. Pumunta ako sa bintana at saka binuksan 'to. Tahimik kong tinitignan ang langit.
Hindi ko alam bakit naging gawain ko 'to sa tuwing malungkot ako o ano. Hindi ko alam bakit nawawala ang takot ko pag nakatingin ako sa langit. Hindi ko alam bakit gumagaan ang pakiramdam ko kapag kinakausap ko ang langit.
"Gusto ko na makaalala. Gusto ko na malaman kung sino ako." Tinaas ko ang kamay ko na para bang inaabot ko. "Pakiusap, tulungan mo ko."
Tumulo muli ang luha ko. Tuloy tuloy bumubuhos ang luha ko at nanginginig ang katawan ko dahil sa lungkot. Niyakap ko sarili ko at saka umiyak nang umiyak.
Hindi ko alam para bang may hinahanap ako. Hindi ko alam bakit kailangan ko makaramdam ng ganito, ang hirap, ang bigat. May gusto akong makita, may hinahanap ang puso ko pero hindi ko alam saan ko hahanapin.
Kinabukasan ay agad akong gumayak. Nauna akong nagising kay Inay kaya naman nag luto agad ako. Kumain ako at saka umalis. Ala sais ulit ng makarating ako sa trabaho ko.
Agad ako pumunta sa staff room para mag time in. Tumitig ako sa pangalan ko.
Kristallie Roque.
What is my real name? Nilabas ko ang kwintas ko kung nasaan ang aking singsing. Then, I saw name Aphrodite. Pangalan ko ba 'to? What is my last name? Magiging madali siguro kung malalaman ko ang last name ko?
"Krista! Are you okay?" Muntik na ako mapatalon sa gulat dahil sa biglang nag salita sa likod ko. " I heard what happened yesterday."
"Y-yes. I am okay. " sagot ko sa manager namin.
"Good. May pupuntang police dito para kuhanan ka ng statement. Nakarating na din kay Kuya ang totoong nang yari and he was glad that you are okay. Sasampahan daw ng kaso ang nambastos sa'yo."
"Salamat, Miss." nakangiting sagot ko dito.
The owner is really good, customer first but when it comes to danger? His employees are first. Hindi mo pwede bastusin ang mga tauhan n'ya, hindi s'ya papayag kaya walang kahit isang nag tatangka dito except the man yesterday.
"Pupunta si Kuya dito mamaya. Kakausapin ka kasama ang mga police. May kinuha na din lawyer para sa 'yo." Nagulat ako sa sinabi n'ya.
"Hindi naman na kailangan 'yun." Sagot ko dito.
"Day off mo bukas hindi ba?" Tumango ako dito. Nagulat ako ng may kuhanin s'ya sa bag n'ya at agad inabot sa akin ang ilang lilibuhin ang pera. "Here, take this."
"Ay hindi! Okay lang ako saka---"
"This is for you. I heard you were suffering amnesia? You should check your head, too. 'Yung inay mo? May sakit hindi ba? Use it." Napatitig ako sa kan'ya at mabilis na umiling dito.
"Ayos lang naman kami." Sagot ko dito. "Maraming salamat sa offer mo." Nakangiting sagot ko dito. "Excuse me." Hindi ko tinanggap ang pera nito at saka pumunta na sa desk.
"Good morning! Uuwi na ako, Krista!" Tumango ako dito.
Umupo ako at saka chineck ang Guest book, chineck ko ang nga Nievez. Tatlong araw na sila dito ha? Hindi ba sila mag che check out? Nakita ko na ang extend pa sila ng two days dito.
Sinarado ko ang Guest book at halos mapatalon ako sa gulat ng makita ko si Sir. Samuel sa harapan ko.
"G-Good morning, Sir."
"Are you okay?" he asked me coldly. "You should take a break from this and for what happened yesterday." ngumiti lang ako ng tipid dito.
"Sayang po ang kita kung hindi ako papasok ngayon. Day off ko naman po bukas kaya makakapag pahinga din ako." sagot ko dito.
Binaba ko na sa ibaba ang Guest book. Umupo ako sa upuan ko.
"Where's your boyfriend?" i glanced at him and my forehead creased. "I bet you have a man, right? Are you living near at this place, right? How are you---"
"Yes, I am living neart at this place and i dont have a boyfriend, sir." kumunot ang kan'yang noo sa sinabi ko. "I am living with my mother, Sir." sagot ko dito.
Hindi na s'ya sumagot at agad s'yang umalis sa harapan ko. Kumunot ang noo ko dahil doon. Why is he asking me about boyfriend? I never had since I woke up. Hindi ko din alam kung nag karoon ako noon o hindi.
Dumating si Jeya at agad lumapit sa akin.
"Okay ka na? Mamaya zip line tayo---"
"I have to go home early dahil baka madaling araw kami umalis ni Inay mamaya para sa check up n'ya." she pouted.
"I brought you lunch." napangiti ako dito. "Baka sumama ako bukas---"
"Wag na. Ikaw talaga!" natawa lang s'ya sa akin.
Pumasok na s'ya sa staff room. Naiwan ako dito, may iilang staff na dumadaan sa harapan ko at tinatanong kung okay lang ako.
Sinasagot ko sila na okay ako kahit hindi naman talaga. Dahil wala naman choice dahil 'yun lang kaya kong isagot sa kanila. Hindi ako pwedeng maging mahina ngayon dahil ako na lang inaasahan ni Inay.
Lumabas si Jeya at nag paalam na aalis s'ya. Nag punta s'ya kung saan dapat s'ya s'ya naka duty.
Naging busy na naman ako buong umaga. Lalo na sa mga pumupunta sa aking staff dahil nag nag karoom ng problema.
"Hindi 'to ang hinihingi ko!" sigaw ng babae sa isang waitress. "Ayusin n'yo naman trabaho n'yo!"
Agad ako lumapit dito. "Excuse me, good morning, ma'am!" kumunot ang noo nito. "I am sorry for the trouble but what is the problem, ma'am?"
"Eto kasing waitress mo! Ilang beses na namin sinasabi kung ano order namin pero mali mali binigay! Kahit kahapon!"
Kinuha ko ang papel dito at saka tinignan ang order. "Cook ang mali, ma'am, not her. I am sorry, ma'am. Can you wait another ten minutes for your order?"
"Okay. Pakiayos na this time."
Pumasok agad ako sa loob ng kitchen. "Sobrang dami kasing order at di na namin alam kung ano uunahin." Kumuha ako ng apron at agad ginawa ng order ng babae.
Ako na din mismo nag abot dito.
"Thank you." ngumiti ako dito.
Bumalik ako sa kitchen at tinignan pa ang mga order. Wala akong choice kung hindi tumulong sa pag gawa ng orders. By ten, tinawag ako ni Jeya para bumalik sa desk dahil nandoon na daw ang mga police at ang boss namin.
Kaya agad akong tumakbo papunta doon. I saw our boss there, wearing a white tee shirt and black shorts. His cousin beside her, our manager.
"Just told them what happened yesterday." he said, coldly.
I was shock when I saw Sir. Samuel here with his son. Umiwas agad ako ng tingin dito at saka tumingin sa mga police.
"Ano nang yari kahapon?"
"He was harassing me, Sir. Naliligo lang kami sa talon, then, nabunggo ko s'ya." pilit ko na inaalala ang nang yari kahapon.
Naramdaman kong tumulo ang mga luha ko. Nag simula na manginig ang katawan ko pero pilit ko maging matatag sa harapan nila.
"Tapos, mahigpit n'ya ako hinawakan." nagulat ako ng lumapit sa amin ang boss ko at si Samuel.
"What are you doing?" Samuel asked him coldly.
"I am checking on her. What is your problem, too?"
Nagulat ako ng itaas ng boss ko ang tinali ko sa braso ko kaninang umaga. At doon, may marka hindi lang marka ng lalaki kahapon kung hindi marka din ni Sir. Samuel.
"What the fuck." nagulat ako sa sigaw nito. "Then, what happened after that?"
"M-May sinasabi s'ya sa akin h-hindi ko na maalala dahil sa takot ko. B-Bumaba kamay n'ya sa pang upo ko."
Tumingin sa akin si Sir. Samuel na madilim ang tingin sa akin.
"Sir. Samuel came, boss. He saved us yesterday." napatango 'to at dahan dahan bumitaw sa akin.
"I will make sure that he will root in jail." malamig ang boses nito at saka umalis na lang bigla.