FIVE

2095 Words
PINAGmasdan nya ang babaeng kanina pa natutulog sa kanyang kama, wala syang alam kung san n'ya to dadalin. Hindi pwede sa bahay nila dahil mag tatanong ang kanyang mommy at di rin pwede sa bahay ng babae dahil baka ikwento ng mommy nito sa mommy nya ang ginawa n'ya. Hindi na sya naka attend ng selebrasyon sa pag ka panalo nila, dahil sa babaeng nasa kama nya na maamong natutulog. Basang basa ang muka nito at kahit natutulog ito ay panay parin tulo ng luha nito. Pinunasan nya ang luha nito gamit ang kanyang kamay.  Wala syang babaeng dinadala sa Condo na to maliban ang mommy at si Star, ngayon may dinala na sya at wala naman masama dahil Fiance n'ya to. Hindi n'ya maiwasan maawa sa babaeng.  Kinumutan n'ya to at pumunta sya sa sofa upang don mahiga. He respect her, at alam naman nya dadating sa punto na makakatabi n'ya to. Huminga sya ng malalim at pinikit ang mata n'ya. Ngayon lang, ngayon lang sya nag karoon ng pake sa isang babae bukod sa pamilya n'ya.  Mali to, Siguro naawa lang ako sa kanya. Paulit ulit nyang sinasabi yun sa utak n'ya pero hindi nya nakukumbinsi ang sarili n'ya. Nag aalala sya sa babaeng ito, kahit kanina hindi nya alam kung bakit sya nag hintay sa baba para lang dito. Nang makita nya ang mga kaibigan nito ay di sya nag dalawang isip na bumaba at sumunod dito.  Kitang kita n'ya kung pano lumuha to dahil sa pag ibig, dahil sa panloloko sa kanya. He care for her! s**t! At di nya din alam kung bakit sya naaapektuhan dito.  Ilang beses s'ya, nag palipat lipat sa isang sofa na malaki dahil hindi sya makatulog. Tumatalikod sya sa babae dahil hindi nya maiwasan pag masdan ang maganda at maamong muka nito habang natutulog. Huminga sya ng malalim at naupo nalang, Hindi na talaga sya makakatulog.  Hanggang nag alarm na ang kanyang alarm clock sa gilid ay hindi parin sya nakatulog, It 6 inthe morning at napatingin sya kay Gab na ngayon ay nag uunat. Tumingin ito sa kanya at nanlaki ang mata, pero agad din napalitan yun ng sakit at nag tuloy tuloy agad ang pag bagsak ng luha nito. "G-good Morning!" Shit! Bakit ako nauutal? "A-asan ako?" pagak na tanong nito sa kanya.  Tumayo sya at lumapit dito, hindi nya sinagot ang tanong nito, pinunasan nya ang luha nito at para bang may sariling isip ang buong katawan n'ya sa ginagawa n'ya dito. Inayos nya din ang buhok nito at patuloy parin ang pag tulo ng luha nito. "Don't cry." seryosong sabi n'ya dito. "He's not worth it." napatingin sya dito at agad nag tama ang tingin nila. "B-bakit nila ako niloko?"  "Ssshh, Wag mo silang isipin. Alisin mo sa isip mo ang mga taong 'yun. Alisin mo sa isip mo ang mga taong nanakit sa'yo. Ipakita mo sa kanila na kaya mo, kaya mo mag isa. Hindi mo kailangan ng mga taong sinasaktan ka, hindi mo sila kailangan."  "H-hindi ko kaya." napabuntong hininga sya. "I'm here, i will help you." Fuck! Kailan pa ko naging ganito? "Ubusin mo 'yan, dahil hindi ka naman kumain kagabi, tapos ihahatid kita sa inyo." he said. "M-marunong ka mag luto?" he nodded.  "Mag isa lang kasi ako dito, at di ko kailangan na may mag luluto sakin. Minsan naman pumupunta dito si Star at mommy para manggulo."  Hindi sumagot si Gab sa sinabi n'ya at nakita nya ang lungkot sa mga mata nito. "A-ano pangalan mo?" Shit! Bakit parang nagulat sya sa tanong nito?  "Saimon, Just call me Saimon. And here's your phone." abot n'ya dito. "Nandyan ang number ko, just call me if you need me." napatango sa kanya ang dalaga. "Maraming salamat." Natahimik lang dalawang kumain, hanggang sa matapos sila. Nag presinta si Gab na sya na mag huhugas, wala naman syang nagawa. Umakyat nalang sya sa taas para maligo, nang matapos syang maligo ay mabilis syang bumaba at nakita nya si Gab na tahimik lang sa isang tabi.  "Let's go?"  "Y-yeah." Umiwas ito ng tingin sa kanya. Una syang lumabas sa Condo n'ya. "My passcode is 092800, kung wala kang mapuntahan pwede ka sa Condo ko." Nagulat ito sa sinabi n'ya pero hindi n'ya to hinayaan pang mag salita. Nauna syang pumasok sa Elevator at sumunod ito sa kanya. May kailangan pa syang gawin after nito. HINDI nya maiwasan mapatitig sa lalakeng nag mamaneho. Bakit? Bakit sya nito tinutulungan?! And even his Condo? Binigay sa kanya ang passcode? Bakit? Sino ba talaga to? Sino ka ba talaga Saimon? "Wag mong babanggitin ang pangalan ko sa parents mo." "B-bakit?" "Ayaw ko lang. Tumanggi kasi ako sa utos nila at ayokong malalaman nilang nakasunod ako sa'yo." Wala sya sa sarili na napatango. Kahit papano ay nakalimutan nya ang mga taong nanakit sa kanya dahil sa lalakeng to. Totoo nga, totoong mayaman ang lalake. Halata sa Condo n'ya dahil halos doblehin ang lake ng COndo nito ang kay Fran. May taas pa to habang kay Fran naman ay wala.  "P-pano mo ko nakilala?" she asked. "Wag ka na mag tanong."  Natahimik nalang sya dahil don.  Nang makarating sila sa bahay ay agad syang bumaba. Hindi na nya hinintay tong pag buksan sya. "Maraming salamat ulit." Hindi na sya hinintay ang sagot nito at agad syang pumasok sa Gate. Don sya huminga ng malalim.  Tangina? Hindi naman bawal huminga pag kasama sya pero bakit pakiramdam ko bawal?   Napailing nalang sya dahil don. Sa pag pasok n'ya sa bahay nila ay narinig n'ya agad ang boses ng kapatid n'ya, Ang kuya n'ya. "What?! Bakit nyo ipapakasal ang kapatid ko?!"  Hindi muna sya pumasok dahil gusto n'ya marinig ang mga pag uusapan ng mga to. "Alam mo kung bakit, Gabriel?!" sagot ng ama nya.  "Tangina?! Gagawa ako ng paraan sa kompanya pero di naman ako papayag na ang kapatid ko ang gagawin nyong daan?! Hindi bagay ang kapatid ko!" "GABRIEL?!"  Sumandal sya saglit sa pinto, para syang manhid. Wala na syang maramdaman sa sarili nya. Hinayaan n'ya nalang ito. "Babagsak tayo, kailangan natin ang tulong ng mga Funtabella! Ako nag sasabi sa'yo mababait sila."  Dun sya nabigla. Babagsak? Sila?  "Ayokong mag hirap si Gabriella! Ayokong makikita syang nahihirapan dahil samin, ang dami kong pag kukulang kay Gabriella, Gabriel. Pero di ko naman maatim na mag hirap ang anak ko, ipapakasal ko s'ya dahil alam kong mabuting tao ang makakasam n'ya." Napamura sya ng mahina dahil naramdaman nya ang mainit na likido sa pisnge nya. Wala naman na syang magagawa e. Tama si Saimon, kailangan kong matuto, kailangan ko maging malakas at pakiramdam ko makakatulong sakin ang lalakeng yun. Ang lalakeng papakasalan ko. Pinunasan nya ang luha nyang mabilis at tumayo ng maayos. Mabilis syang pumasok sa loob, ang kaninang nag sisigawan ay ngayon mga tahimik na. Napatingin sa kanya ang kapatid nya at ngumiti ito. Lumapit sya dito at hinalikan ito sa pisnge ganon din ginawa nya sa mommy at daddy nya na kahit malaki ang pag kukulang sa kanya ay mahal na mahal nya parin. "San ka galing? Di ka umuwi kagabi?" her mom asked. "Stop asking, and set appointment to my future husband. Pumapayag na ko." Mabilis nyang nilisan yun ng matapos nyang sabihin yun. Tinakbo nya ang taas, at mabilis na naligo. Kailangan nyang pumasok, hindi nya hahayaan na dahil lang don ay mag papatalo sya. Nilabas nya ang magagandang damit nya, nag suot sya ng isang black dress na hanggang kalahating hita. Eto ang susuotin nya mamaya sa party dahil sa successful na instrams. Pero ngayon? Kailangan nya muna mag suot ng pormal. Kumuha sya ng isang crop top na sleeveless at isang high waist na short. Ay isang blazer na butas butas. Naligo sya at nilinis nya mabuti ang katawan n'ya. Nilabas nya ang mga make up nya, hindi sya papatalo. Hindi sya papatalo, ipapakita n'ya na kaya nya at wala syang pakielam. Kahit isaksak nya pa sa baga nya si Fran, wala na syang pake. Hindi sya makapaniwala na ipag papalit sya ng lalakeng yun dahil lang hindi sya nakipag s*x dito? I'm better than that. Tama si Saimon, hindi nya kailangan ng kaibigan na gaguhin s'ya. Mabilis syang nag ayos, Light make up lang nilagay n'ya, yung halatang magiging simple sya. Tumingin sya sa salamin at nakita nyang maayos na maayos sya, walang bakas na mugto ang mata nya. Kinulot nya ang dulo ng buhok nya, kitang kita ang ka sexy han nya dahil sa suot. Nang matapos sya sa pag aayos ay mabilis na syang bumaba. Nakita nya ang kuya nya na natahimik na nag babasa. "Gab, sabi ni Saira bukas na bukas daw, Dinner sa bahay nila." I just nodded. "Kuya pahiram ng Car mo!" Lumapit sya dito at binigay naman nito ang susi. "Wag mong gagasgasin yan!" she just smiled and kissed him on cheeks.  "Bye mom, bye kuya!" Tumakbo sya papunta sa garahe nila at sumakay agad sa kulang black na luxury car ng kapatid n'ya. Pinaadar n'ya to at mabilis na nag drive papunta sa Universirty nila. Kitang kita nya sa labas ang mga estudyanteng namamangha na nakatingin sa kotse ng kapatid n'ya. Binuksan nya na ang pinto at saka sya lumabas.   Hindi nya maiwasan mapangiti dahil sa mga bulungan ng mga ito, na sinasabi na ang ganda nya at iba pa.  Taas noo syang nag lalakad, she walk like a real queen b***h. And she didn't care about those people who hate her!  Halos lahat ng nadadaanan nya ay napapanganga sa kanya, pero sya wala lang. Seryoso lang ang lakad n'ya habang may isang shoulder bag sa gilid n'ya. Nag lakad sya papuntang Gym dahil kailangan sya don. Kailangan ng reyna don and sure sya na nandon ang mga taong nanakit sa kanya. Nang makarating sya don ay na agaw nya kaagad ang atensyon ng lahat pero wala syang pinansin. Pumunta sya sa President ng council at ngumiti sya. "Ang ganda mo Gab!" she just smiled. "Pag nakita ka ni Fran baka pagalitan ka non!" "Wala na kami." sagot n'ya dito. "Kaya wala syang pakielam sa gagawin ko." seryosong sabi n'ya. "By the way, okay na ba? May kulang pa ba?" she asked. "Okay naman na! Kahapon kasi nag simula ang lahat, saka di na kailangan ng tulong mo. Taon taon nalang tumutulong ka!" sagot sa kanya nito. "Wala din naman kasi akong ginagawa kaya tumutulong ako."  sagot nya dito habang nililibot nya ng tingin ang buong Gym. "Saka lilipat na din ako ng University after this, kailangan kasi." sagot n'ya dito.  "K-kaya ba kayo nag break dahil kay Ayana?" napatingin sya dito. Ngumuso ito at bumungad sa kanya si Ayana at Fran. Si Ayana na parang linta kung makakapit sa dati nyang nobyo habang si Fran naman ay parang tulala.  Natawa nalang sya. "Yeah, funny no? She's my bestfriend but she's snake. Look? Akala mo mawawala ng mawawala si Fran sa kanya." sagot nya. "Saka kaya sya pinatulan ni Fran dahil hindi ko naibibigay kay Fran ang naibibigay nya dito. I respect my self but sarili nya di nya marespeto." natawa sya.  "Ang sama. Bestfriend ka nya pero nagawa n'ya yun?" she nodded. "And i don't care naman na. Ikakasal na ko." sagot nya dito. Biglang nag ring ang cellphone nya sa bulsa nya at nakita nya ang pangalan ni Saimon sa screen. "Where are you?" nag aalalang tanong nito. "Gym why?" she asked.  "Are you okay?! s**t! Wait me there, nandito na ko sa parking lot!" Namatay ang tawag at napakunot ang noo nya.  "What was that?" she whispered to herself. "G-Gab." Tumingin sya sa tumawag sa kanya at nakita nya si Fran na malalim ang mata habang nasa likod si Ayana na matapang na nakatingin sa kanya.  "Yes?" she asked. Tinago nya ang cellphone nya sa bulsa nya. "G-Gab let me expla---" Tinaas nya ang kamay nya. "Okay? I understand. But Ayana's right? Hindi ka naman kasi papatol sa iba kung naibibigay ko ang pangangailangan mo bilang lalake, but Fran, i respect myself. Kaya wala ka na dapat pang ipaliwanag."nakangiting sabi nya dito.  "Desperate bitch." rinig nyang bulong ni Ayana. "Coming from you, Ayana? Before you judge me make sure that you're more clean than me? I don't spread my legs to someone who has a girlfriend, Ayana. Lalo na't kung kaibigan ko diba? So, stop playing innocent here, because we know that you're a slut." Nanlaki ang mata nito sa sinabi n'ya. "You can have him now, Ayana. I don't need Fran naman na e. Saka ikakasal na ko." sagot n'ya sa mga to. "GAB!" Napatingin sya sa lalakeng paparating and she saw Saimon, Naka suot sya ng isang white vneck and isang jeans. Lumapit ito sa kanya at nakakunot na tinignan ang suot nya. "What's wrong?" "Bakit ganyan suot mo?!" inis na tanong nito. She just rolled her eyes. "Gab, bakit close kayo?" Napatingin sya Saimon dito. "Bakit hindi? Mag papakasal din naman kami? At sisiguraduhin kong di ko sasaktan si Gab gaya ng pananakit mo." ~ Sorry po nalate yung pag update ko today. I will try my best po na makapag update araw araw. Saka dito naman po ako naka focus Thank you babies!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD