NAYUKOM nya ang kamao nya dahil sa sagot sa kanya ng babaeng 'yun. Alam nyang may epekto sya dito pero di nya alam kung masasaya ba sya dahil halatang walang balak sa kanya ang babae dahil sa pag mamahal nito sa nobyo nito.
"Mel! s**t! Si Ayana kasama nanaman si Fran!" Napalingon sya sa nag salita.
Dalawang babaeng para bang kabang kaba, tumingin lang sya dito habang namumutla ang dalawa. "Patay tayo nito! Hindi ko alam kung sino sasamahan ko?! Si Gab ba o si Ayana! Tangina kasing Fran na 'yun, namamangka sa dalawang ilog!"
"Nasan sila ngayon?!"
"Asa Condo ni Fran!"
Hindi nya maiwasan mag lakad papunta don at napatingin sa kanya ang dalawang babae. Yung isang babae na 'to ay nakita nyang kasa kasama ng Fiance n'ya at sigurado akong kaibigan ito ng Fiance nya.
"Why don't you tell her the truth? Kesa naman pinag mumuka n'yong tanga si Gab." They both shocked. "We both know here that Gab is a nice girl, they love her. She's your friend but you can't tell her the truth? What if Gab find out this? Ano sa tingin n'yo gagawin n'ya? Mas malala, mas masasaktan n'yo sya dahil sarili nyang kaibigan di man sya na protektehan."
Pareho itong nagulat sa sinabi n'ya pero kahit sya din ay di nya maiwasan magulat sa sinabi nya. Kailan ba sya naging concern sa babaeng 'yun? Kailan pa sya nakielam dito? Ang balak nya lang ay subukan ito kung tulad ba to ng mga babaeng handang bumukaka sa kanya pero mali sya. Walang pake sa kanya ang babae dahil sa pag mamahal nito sa nobyo nito.
"Bakit ka ba nangingielam?!" Inis na sabi ng babaeng may full bangs. He just smirked.
"I have a right, because i'm Gab's fiance."
Lalo silang nagulat. "But Gab didn't know about me. And dont tell her about this to her kung ayaw nyong malaman din ni Gab na may alam ako."
Tinalikuran nya ang dalawang babae at pumunta na sya sa parking lot kung san nag hihintay ang mga kaibigan nya pero nahagip ng mata nya ang babaeng kanina nya pang hinahanap.
"Fran." rinig nyang bulong nito.
"Saimon! Tara na!"
"Una na kayo." sabi nya dito.
Dahil balak nyang sundan ang babaeng to na halos maiyak na sa kakahanap ng Nobyo nya. Sinundan nya lang ito ng sinundan, halos dalawang oras na nag hahanap ito pero hindi parin to tumitigil.
'Ganon nya ba kamahal ang gagong lalakeng 'yun?'
Hindi nya maiwasan mainis dahil don at di nya din alam kung bakit sya naiinis dito dahil lang don. Naupo na ito sa isang tabi at hindi ko na maiwasan lumapit dito. Umupo ito kapantay nito at napatingin ito sa kanya.
Gulat na muka ang sumalubong sa kanya pero hindi nya pinansin yun. Kinuha nya ang binti nito at dahan dahan hinilot yun. At sa pag hawak nito sa binti ng dalaga ay nakaramdam sya ng kuryente, di nya alam kung nararamdaman din ba to ng dalaga o hindi.Hindi naman sya binawal ng dalaga at nakaramdam sya ng galak dahil lang don.
"Hindi mo parin ba makita ang Nobyo mong madaya?" he asked.
"Dont call him madaya!" she rolled her eyes at hindi nya maiwasan mapangiti sa pag ikot ng mata nito sa kanya.
"Yeah, he's cheater!"
"No. He's not!"
Tumingin ulit sya kay Gab na ngayon at pinanonood ang ginagawa n'ya. "He is." napatingin ito sa kanya. "He's cheater."
"Okay fine. If about baske---"
"No, that's not. Go to his Condo and watch out."
Gumuhit ang takot sa muka nito. "Ihahatid kita." Ilang beses tong lumunok dahil sa sinabi nya.
"B-bakit naman ako sasama sa'yo!? Di naman kita kilala ah!" inis na sabi nito sa kanya.
"Makikilala mo din ako but not now."
"H-hindi mo ko pag tatangkaan ng masama?" he chuckled.
"Ofcourse not! You will be mine soon, Gab." kumunot ang noo nito pero nawala nalang din agad.
"Okay, hatid mo ko sa Condo n'ya."
HINDI nya alam kung anong tumulak sa kanya at pumayag syang mag pahatid sa COndo ng boyfriend n'ya. Hindi sya sumasama agad agad sa ibang lalake pero ang lalakeng tong nag hahatid sa kanya, hindi nya alam kung bakit. Nakaramdam sya ng kakaiba dito at para bang pinag kakatiwalaan nya to.
Pero habang nasa byahe sya ay kinakabahan sya, isang kabang hindi nya alam kung para saan. Pero alam nyang hindi dahil sa lalakeng nasa tabi n'ya kundi sa sinabi nito sa kanila.
'he's cheater.'
At kanina lang sa pag hawak sa kanya ng lalake sa binti nya sa paraan na pag hilot na to na para bang may naramdaman sya sa kabaituran nya, at di lang yun. Kuryente, kuryente sa paraan ang pag haplos sa binti nya.
"Pano kung nalaman mong may ibang babae pala ang boyfriend mo? At ang malala kaibigan mo pa." Nagulat sya sa pag salita nito.
Hindi parin sya sanay, nagugulat parin sya sa bawat salitang lumalabas sa bibig na to.
"W-what do you mean?"
"Alam kong narinig mo 'yun, wag kang mag maang maangan."
Tumingin sya dito at napabuntong hininga. "I don't know what to do? But it hurts, when i think about that? It hurts like a hell. I love Fran so much, more than anything and i don't know if he cheat on me? I don't know what to do."
"You don't know what to do? But you have to fight and be ready."
Alam nya ang pinaparating ng binata at isa lang ang nasa isip n'ya ngayon. Natatakot sya, natatakot sya sa maari nyang madatnan sa Condo nito. Hindi nya alam kung ano mararamdaman nya, she's afraid but she have to see it. Iniisip nya palang, nasasaktan na sya pano kaya pag na saksihan ng dalawa nya pang mata?
Nang makarating sila sa Condo kung san pansamantala nakatira ang kanyang Nobyo. Tumingin sya sa lalakeng nag hatid sa kanya. "T-thank you but you can le---"
"I can't leave you to this situation. Sabi ng mommy mo, alagaan kita. Bantayan kita." nagulat sya sa sinabi nito. "Hindi ako body guard okay? I'm richer than your family."
"Okay, thank you."
Hindi na sya nag salita ng kung ano pa.
Lalabas na sana sya pero agad syang hinawakan ng lalake. Naramdaman nya nanaman ang libong libng boltahe na kuryente na dito nya lang naramdaman "I will promise to you that i'm always here when you need someone. I promise, Gab."
Umiwas sya ng tingin dito at mabilis na lumabas na ng kotse ng lalakeng 'yun. Huminga sya ng malalim, bawat hakbang nya papunta don at nanginginig ang buong katawan nya. Nanginginig at nararamdaman nya ang pag iinit ng sulok ng mata nya. Huminga sya ng malalim at mahinang kinabog ang dibdib.
"Kaya mo yan, Gab. Wag kang maging mahina."
Pinikit nya ang mata nya at binilisan nya ang lakad nya. Pumasok agad sya sa elevator at pinress ang floor kung san ang Unit ng Nobyo nya, nandon parin ang kaba at takot habang nasa loob sya ng Elevator. Huminga sya ng malalim at pinikit ang mata n'ya. Hindi mabawas bawasan ang kaba at takot na nararamdaman nya hindi nya alam ang gagawin nya, baka maging mahina lang sya sa harapan ng mga to.
Oo aminado syang mahina sya, aminado syang hindi nya kaya tumayo sa sarili nyang paa. Lalo na't ngayon, alam nya. Alam nya na ang mga kaibigan nya ay di totoo sa kanya. Sa bawat salita na sinasabi ng lalakeng 'yun, alam na nya ang ibig sabihin nito.
Nang tumunog ang elavator ay lakas loob syang lumabas don at nag dire diretso papunta sa condo ng Nobyo nya. Inenter nya agad ang passcode dito at agad syang pumasok sa loob. Napatingin agad sya sa baba kung san nakita nya ang isang pamilyar na sapatos, dun agad tumulo ang luha nya dahil don.
Nanginginig syang pumasok sa loob at narinig nya agad ang hindi ka ayang ayang tunog. Nilakasan nya ang loob nya hanggang sa mapunta sya sa harapan non, sa harapan kung san nang gagaling ang tunog na yun. Tinakpan nya ang bibig nya habang walang sawa ang pag tulo ng luha n'ya.
Doble doble ang sakit, dahil sa lahat ng tao, sa lahat ng tao sya pa ang nakagawa sa kanya ng ganitong bagay. She loves her bestfriend but she betrayed her. Hinawakan nya ang door knob ng kwarto nito. Dahan dahan n'ya tong binuksan at bumungad sa kanya ang isang lalakeng nakatalikod habang walang saplot.
Hindi nya maiwasan mapahikbi sa nakita n'ya. Sobrang sobra na sya nasasaktan, sobra sobra. Halos hindi n'ya makaya. Natatakpan ng luha nya ang paningin n'ya kaya di nya alam kung nakatingin ba to sa kanya o ano.
"B-babe."
"G-gab."
"W-why?" she asked them. "W-why?" Nanginginig na tanong n'ya dito.
"B-babe, L-let me explain."
Wala syang lakas para mag salita pa. Pinunasan n'ya ang luha nya at ngayon malinaw na nya nakikita ang kanyang matalik na kaibigan. Nakatingin to sa kanya habang lumuluha. Unti unti syang lumapit dito at hindi man gumalaw ang mga ito. Lumapit dito ang kanyang palad sa pisnge nito.
"B-bakit?" she asked.
"B-babe, l-let me explain."
Tumingin sya sa lalakeng minahal n'ya, minahal nya na buong buhay n'ya. Na handa nya na sana ipag laban wag lang sya mapunta sa iba. Hindi nya napigilan ang sarili nya at lumapat ang palad nya sa pisnge nito.
Oo, aaminin nya. Minsan na syang inaya nito makipag siping nito pero hindi sya pumayaga dun. Dahil nangako sya sa kanyang lola na ibibigay nya lang to pag tapos ng kasal.
"B-bakit, F-fran?" she asked.
"FRAN! AYANA!"
Lalo nawasan ang puso n'ya ng marinig nya kung sino pumasok sa loob ng kwarto. She saw her two friends too. They shocked, pero sa likod na 'yun at nakita nya ang lalakeng tumulong sa kanya.
"M-mga manloloko." nanginginig na sabi n'ya.
"G-gab, Babe. Let me explain, I love y---"
"BULLSHIT FRAN! TANGINA BA'T SA DAMI DAMING BABAE BAKIT SI AYANA PA?! MATATANGGAP KO SANA KUNG IBANG BABAE PERO BAKIT FRAN?!"
"Dahil di mo maibigay ang pangangailangan n'ya." tumingin sya kay Ayan na nag lakas loob mag salita.
"A-ang kapal, Ayana. B-bestfriend mo ko? P-pero bakit? W-wala ka bang respeto sa sarili mo?"
"MAHAL KO SI FR---"
"AT ALAM MONG BOYFRIEND KO SYA?!"
"G-gab."
Napatingin pa sya sa dalawa nyang kaibigan. "H-hindi ko kayo mapapatawad."
Unti unti sya nag lakad at nilag pasan nya ang dalawa nya pang kaibigan. Sinalubong s'ya ng lalakeng tumulong sa kanya at wala sa loob nyang niyakap n'ya to. Wala na syang pakielam kung ano isipin nito pero masakit, sobrang sakit.
"I-ialis mo ko dito please." nanginginig na sabi nya.
"Sleep, My soon to be wife. Sleep."
Hindi na nya naintindihan ang sinabi nito dahil unti unti na syang nakatulog sa dibdib nito.
~