Nang makarating na sila sa lugar ay pinarada ni Maverick ang sasakyan sa kabilang kalsada. Nagulat ang mga nakatira sa lugar sa magandang sasakyang dumating. Pagbaba ni Rowena ay ang mga taong usisero ang una niyang nakita sa paligid bumaba ang Mama niya at nilingon ang paligid dahil pinagtitinginan silang mag-ina ng mga taong naroon. Bitbit ni Maverick ang bulaklak na nasa backseat kanina at mabilis niyang nilapitan ang kanyang ina sa paglalakad. Tumawid sila sa kalsada at mas lalong dumarami ang mga mga nakatingin sa kanila. Kung mayroon mang naiilang, si Maverick iyon dahil may mga dalagita sa paligid na mistulang kinikilig nang makitang may dala siyang bulaklak at palapit sa lugar nila. "Saan dito anak?" Tanong ng Ginang nang nasa harap na sila ng dalawang palapag na bahay na gin