Kabanata 69

2041 Words

"Ito bagay sa iyo Lilith." Abot ni Rowena ng hawak na dress sa dalaga. Pang-ilan na iyon? Hindi alam ni Lilith. Panay kuha lang kasi sila at tingin saka ibabalik kapag hindi niya nagustuhan. Kinuha niya ang damit ngunit nang makita kung gaano kaikli sa kaniya ay binalik niya agad kung saan kinuha ng Ginang. Nagpatuloy pa sila sa pag-iikot, naghahanap sa mga naka-hanger at mga suot ng mannequin ngunit hirap si Lilith sa pagpili ng gusto niya. “Ito kaya?” Muling kuha ng Ginang ng bagong nakita niya na kulay itim naman at hindi napansin na backless pala kaya bumalik lang din kung saan galing. Nahihilo na si Lilith sa dami ng mga gamit sa paligid nila. Magaganda naman lahat pero hindi niya type ang mga iyon. Karamihan kasi ay sexy at ang presyo ay mapapamura ka na lang sa kamahalan. Kinuko

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD