Kabanata 19

2135 Words

Tulalak-tulak ni Lilith ang scooter pauwi. Narinig na ni Rowena ang pagbukas ng bakal na gate mula sa kabilang apartment kaya naman naghanda na siya upang pagbuksan si Lilith ng kanilang gate sakaling mag-doorbell na ito. Pumasok muna sa apartment si Lilith matapos itabi ang sirang scooter. Nagbihis muna siya bago pumunta sa kabilang bahay at isang pindot niya pa lamang sa doorbell ay may nagbukas na ng gate sa kanya. "Pasok na Lilith." Yaya ng Ginang sa kanya nang nakangiti. Ginantihan niya rin ito ng ngiti ngunit pinilit niya lang iyon at nahalata ng Ginang na ang ngiti niya'y hindi tunay. Pumasok na sa gate si Lilith at hinintay muna si Rowena na maunang maglakad bago siya susunod. Nabura ang ngiti ni Rowena bigla dahil sa napansin sa dalaga. Malamlam ang mga mata nito at halata kung

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD