Kabanata 94

2601 Words

Lalong bumuhos ang mga luha mula sa mata ni Mav nang malamang si Lilith pala talaga ang kaninang nagsasalita na akala niya'y kaboses lang nito. Habang yakap ito ay kaniyang naramdaman na para bang unti-unti na ring gumagaan ang kanina lang ay mabigat at naninikip niyang dibdib. Sige lang siya sa pag-iyak. Humahagulgol na parang bata. Gusto niyang pigilan ang mga hikbi na lumabas sa kaniyang bibig ngunit parang sinasakal naman siya kapag siyang nagpipigil. Wala namang ideya si Lilith kung ano ang dahilan kung bakit ito naroon at umiiyak nang mga oras na iyon sa harap ng date ng kaniyang apartment. Umalis lang naman siya sandali pero heto na ang kaniyang nadatnan. Hinaplos na lang niya ang likod nito nang marahan at hinintay tumahan para makapasok na sila sa loob at nang makapag-usap na ri

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD