bc

Operation Get Married Before 40

book_age18+
0
FOLLOW
1K
READ
HE
lighthearted
city
addiction
like
intro-logo
Blurb

"Mag-asawa ka na!"

"Magtino ka na't mag-asawa!"

Halos araw-araw naririnig ni Florentin mula sa kaniyang ama ang mga salitang ito. May dagdag lamang kung minsan at punong-puno ng sermon ang kasama.

Nakakapagod na rin para sa kaniya ngunit isang araw, parang sampal nang makarinig siya ng bago at mapaisip nang malalim.

"Ilang buwan na lang k'warenta ka na, Florentin!"

Hindi niya akalain na ganoon kabilis ang pagtanda dahil sa sobrang pagkaabala.

Nang araw na 'yon, napatanong din siya sa sarili kung ano ba ang plano niya sa buhay, kung magiging playboy na lamang ba siya habang-buhay ngunit hindi iyon ang kaniyang gusto lalo na't naalala niya madalas kung paano kasarap ang pakiramdam ng may nag-aalaga't nagmamahal nang tunay mula sa kaniyang butihing ina na maagang nawalay sa kanila.

Ano na, Florentin? Mag-aasawa ka pa ba?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Nagtayuan ang mga balahibo sa buong katawan ng pitungpu't limang taong gulang na si Don Florencio nang saktong mapadaan sa tapat ng silid ng kaniyang nag-iisang anak na si Florentin. Napamura siya sa kaniyang isip nang marinig ang mga sunod na pag-uusap ng dalawang taong nasa loob. "Give me another round," malanding hirit ng babaeng hindi pamilyar ang boses sa pandinig ng Don. "N-no, you must leave now. I need to go to work today," pagtanggi ng trenta'y nuebe anyos na binata sa dalagang nakilala niya lamang nang nagdaang gabi sa pinuntahang eksklusibong club na madalas niyang pagtambayan. "Tsk! To many excuses! You're the boss there anyway, they won't mind even you come to the office late," iritableng pagrarason ng babaeng kaniyang kasama sa silid. Hindi na sumagot pa si Florentin at tinalikuran na niya ito. Nagtatampo namang bumaba ng kama ng babae at nagmadaling pinulot ang kaniyang mga saplot na nagkalat sa sahig. Padabog siyang dumiretso sa banyo upang magbihis at iwan ang para sa kaniya'y walang k'wentang lalaki matapos niya itong paligayahin magdamag. Nadinig ni Don Florencio ang mga yabag ng paa ng babae dahil sa bigat ng bawat hakbang nito sa kanilang tablang sahig sa ikalawang palapag ng malaking bahay. Sandali siyang naghintay sa labas upang palabasin muna ang bisita ng kaniyang anak upang komprontahin ito sa kaniya na namang kalokohan. "I'm leaving! This is going to be the last!" pasigaw na paalam ng babae na galit na galit sa binata dahil hindi siya nito pinagbigyan sa nais na animo'y may pakialam si Florentin sa kaniyang mga sinasabi. Inangat lamang niya ang isang kamay upang magpaalam sa babae. Hindi man lamang niya nagawang humarap sa direksyon nito at nang wala na sa paligid ang sanhi ng ingay, sinubukan niyang bumalik sa pagtulog dahil maaga pa naman. Buong akala niya ay magagawa niya makakuha ng mahaba-habang pahinga. Nang pumasok ang kaniyang ama sa loob mg silid, naglaho ang kaniyang pag-asa. "Itatakwil talaga kita bilang anak, Florentin, hindi ka pa rin nagtitino! Jusmiyo kang bata ka! Ibang babae na naman?!" hasik nito sa kaniya, dahilan para mapabalikwas siya ng bangon. Sa lakas ng boses ng Don, naabot niyon ang mga tainga ng kanilang mga usiserang kasambahay kahit pa normal na para sa kanila ang ganoong eksena dahil tunay namang pasaway si Florentin bata pa lamang ito. "Itigil mo nga 'yang pakikipaglaro sa kung sino-sinong mga babae. Sa tingin mo ikatutuwa ng ina mo sa pinaggagawa mo sa buhay? Kung buhay pa 'yon ngayon, siguradong padadapain ka sa sahig at hahambalusin ka sa p'wet. Mahiya ka naman sana. Dito pa sa pamamahay ko. Pinag-uusapan ka na ng mga kasambahay araw-araw sa ginagawa mo, Florentin!" mahaba nitong dugtong. Napabuga na lamang si Florentin ng hangin matapos marinig ang maagang sermon ng kaniyang ama. Nagising na ang lahat ng selyula sa kaniyang buong katawan at lahat ng dugo. Tiyak rin siyang pati mga langgam at surot sa kanilang bahay kung mayroon man ay mabubulabog din sa taas ng boses ng kaniyang ama. Bumangon na ito at naupo sa gilid ng kama. Napahilamos sa kaniyang mukha gamit ang dalawang kamay dahil biglang kumirot ang kaniyang ulo dala ng dami ng kaniyang nainom. Sino ba naman ang hindi kung panay bigay ng alak ang mga naggagandahang mga babae sa club na pinaggalingan? "Let them talk about me, Pa. Ayaw mo 'yon hindi sila ma-bo-bored dahil may pinag-uusapan sila," pamimilosopo ng loko dahilan para lalong umusok ang ilong ng Don sa galit sa anak. Ilang taon na silang ganoon. Mula kolehiyo ay iba't-ibang mga babae ang kaniyang kasama't ipinakikilala sa ama. Noong una'y ayos pa sa Don dahil ganoon din naman siya noong nagbibinata ngunit ang anak niya'y napakalala pa sa malala. Ang ikinatatakot niya ay baka madapuan ito ng sakit, ngunit iyon ang isang bagay na pinag-iingatan ni Florentin at tinitiyak niyang walang nakahahawang sakit ang mga babaeng kaniyang nakakasama. Bukod pa rito, sinisiguro niyang mayroong proteksyon bago ang rambulan. Tuluyan na siyang tumayo at naglakad papunta sa banyo nang walang suot na kahit na ano. Batid niyang hindi pa tapos ang Don sa panenermon kaya mainam na kumilos na't upang matakasan ito sa paraang iyon. "Ano ba talagang balak mo sa buhay, Florentin? Kung gan'yan lang din naman ang gagawin mo sa buhay mo, nagtrabaho ka na lang sana sa strip club at nagpaligaya ng kung sino-sinong mga babae. Hindi ako magtataka kung ganoong klaseng trabaho ang bagsak mo kung sakaling itakwil kita't palayasin sa pamamahay ko." May bahid na pananakot mula sa Ginoo ngunit hindi naman takot si Florentin dahil ilang ulit na rin niyang narinig iyon sa ama, hindi naman nito ginagawa. "Hay naku, Pa... Kapag umalis ako, ma-mi-miss mo lang ako at pauuwiin. Alam kong hindi mo naman ako matitiis," saad ng binata at natigilan ang Don bigla dahil bahagyang naluha ang kaniyang mata sa narinig. "Walang-hiya. . . ang hirap ng mababaw ang luha," bulong nito at nagbaling sa ibang direksyon upang hindi makita ng anak iyon. "Ewan ko sa'yo! Magtino ka na nang hindi ko gawin," banta nito nang makahinga na nang malalim. "Mabuti pa mag-asawa ka na, ilang buwan na lang, Florentin, kwarenta ka na. Isipin mo sana na tumatanda ka na at kailangan mo ng asawang mag-aalaga sa'yo. Kailangan din natin ng magmamana ng mga negosyo natin. Gumawa ka ng maraming supling nang sa ganoon hindi mahirapan ang isa lang sa pag-handle ng lahat ng mayroon tayo," dire-diretso nitong sabi ng Don. Sa pagkakataong ito, si Florentin naman ang natigilan. Tila ba nakalimutan niya ang kaniyang edad na ganoon kabilis na nadagdagan sa labis na pagkaabala sa napakaraming bagay. Ni kaarawan niya ay halos hindi na niya maalala kung kailan. "Kailan ba birthday ko?" bigla niyang tanong. Napakunot ang noo ng Don nang mapatingin sa anak at napansin ni Florentin ang maraming kulubot sa mukha nito na para bang nang mga oras lamang na iyon niya napansin kahit sa iisang bubong naman sila nakatira. "Ako ba'y pinagloloko mo? Pati birthday mo hindi mo alam. Sabagay, tuwing naghahanda ako para sa'yo, madalas ka ring wala. Hindi na nakapagtataka," may pagtatampong saad ng ginoo. Nagdesisyon ang Don na umalis na lamang sa silid ng anak. Una niyang kinuha ang wireless na telepono upang tawagan ang sekretarya ng anak. "Hello, Pedro, isingit mo na ang pinapapaayos ko sa'yo noong nakaraan. Kung maari, ngayong araw na para wala na akong iisip-isipin pa. Tiyakin mong pupunta. Ikaw ang malalagot sa akin kapag nagkataon," aniya. "Opo, Don Florencio. . ." tarantang sagot ng kaniyang kausap sa kabilang linya. "Sana naman magkaroon ng magandang resulta ito," sambit ng ginoo habang ibinababa ang telepono. Ipinapasa na niya sa iba ang resposibilidad. Inirekomenda lamang ng isang kaibigan ang isang matchmaking agency na iyon na siya ring tumulong sa anak nito na makahanap ng tamang babaeng mapapangasawa. Hindi niya personal na kilala ngunit dahil mahusay at sikat ito, ibibigay na niya rito ang buong tiwala dahil suko na siya sa panenermon sa anak at pagpapaalala na siya na nga'y nagkakaedad.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
99.9K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.3K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
160.2K
bc

His Obsession

read
75.1K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
20.2K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook