Chapter 5: Finally home in the Philippines
“Take care of yourself, okay? Do not overwork yourself. If your father tries to restlessly give you orders, tell me. I will handle him,” my mother said as I pulled my baggage. We were already at the airport, and my flight is about to commence.
“Yes, Mom. Don’t worry, alright? I am a grown-up woman already, and I won’t let Dad to take charge of me, I am in control of my time and he better knows that.”
“Good.” She looked at me with her gray eyes that I inherited. She smiled at me, and I can feel the pride that she felt. Hindi kami gaanong ka-close simula noong bata ako, saka na lang nang tumira ako dito sa Hawaii. Bumawi siya sa akin nang sobra. Pinaramdam niya sa akin ang pagmamahal ng isang ina. Though I respect her choice of staying here in Hawaii rather than coming with me, hindi ko maiwasan pa rin na malungkot. I just hope whatever it is that is going on between her and Dad, I hope they work it out and try to fix it. It is also for her, since she is now alone again here in Hawaii. At least if she is with me, with us, in the Philippines, she will also be with Kuya Kael.
“Have a safe fly, I love you.”
“And I love you too.”
And with that, we went on our separate ways. There were various protocols that I underwent before I boarded the plane and got into my designated seat on the business class. Naging matagal ang biyahe, at para pampatay ng oras, nagbasa na lang ako ng mga magazine at pocketbooks na naka-display lang sa tabi. Nang dinalaw naman ako ng antok ay natulog din ako, at nang magising ako ay kinuha ko ang aking laptop upang i-review ang mga documents ng mga negosyo namin, lalo ang aming resort. Alam ko ang kulang—souvenir shop. That is why I asked Dad to search for prospect partners who will be able to accommodate that. Sobrang tumaas na ang rate ng mga tourists na dumadalo sa probinsya namin, pati na rin sa aming resort simula nang maging Wonder City ang Vigan na malapit lang sa aming bayan na San Juan. Umusbong ang turismo dahil dito, at dahil din dito, naging mas maunlad ang ekonomiya ng probinsya ng Ilocos Sur, pero dahil din sa kapabayaan ng gobyerno dahil sa tourist influx, ay maraming nasira sa mga kapaligiran at sa kagustuhan din ng gobyerno na mas improve ang itsura ng Vigan City, ay nasira ang orihinal at makasaysayang imahe nito.
Anyway, these are just my personal opinions and sentiments. I liked the old Vigan better, and a part of me still wishes that it wasn’t crowned and glorified as one of the top wonder cities in the world, because its discovery was the reason behind its ruins too. But of course, I cannot deny that there are good things too, I just wanted to speak about the bad sides.
~*~
7 hours later...
“Manong Canor,” ngumiti ako sa head family driver namin. Siya ang sumundo sa akin dito sa airport sa Laoag City. Bale connected flight na ang ginawa namin, instead na sa Ninoy Aquino International Airport pa ako sunduin na sobrang layo dito sa probinsya. Ngumiti si Manong Canor sa akin at halatang hindi siya makapaniwala sa aking itsura ngayon. Nakatitig lang siya sa akin, at bahagyang naghiwalay ang kaniyang mga labi.
“Ma’am Keana?”
“Yes,” I grinned. Kinuha na niya ang aking mga bagahe at nagsimula siyang maglagay sa loob ng sasakyan. Tuluyan na rin akong sumakay sa gitna ng van. Pagkatapos ay tumungo na si Manong Canor sa driver’s seat, at nagsimulang paandarin ang sasakyan. Tinitigan ko ang paligid. I cannot believe that I am finally back to my home. I stayed in Hawaii for many years and improved myself. Hindi maikakaila na parang ang dami nang pagbabago dito sa Pilipinas.
Umabot ng mahigit isang oras ang biyahe bago namin narating ang bayan ng San Juan, Ilocos Sur, ito ay pinapamunuan ng aking Kuya na si Kael Kehanu, siya rin dapat ang magiging business head at manager ng mga resort namin, ngunit sinabi ni Papa na ako na lang. Kaya naman BS Economics din ang kurso na tinapos ko sa Hawaii, para konektado ito sa pamamahala ng negosyo at kung paano patakbuhin ang pera.
Sobrang dami nang pagbabago talaga sa bayan namin. Mas marami nang mga establishments ang nakatayo, ang mga kalsada ay mas widened na, at marami na ring mga bahay sa mga lupain na alam kong dati ay mga bukid lamang.
Mukhang umaasenso ang bayan namin. Well, nasa tamang kamay naman ito at sinisigurado naman ng aking pamilya na maraming opportunity ang papasok dito. Even though political dynasty has been going on around our town for a few decades already, with my family as the core leaders, we only want nothing but the best for the people. My family is transparent and honest, and that is also the reason why the people love us, because it is their welfare that we want. In fact, we were even recognized as a town with the best local government unit, and a corrupt-free town. There were people who questioned where our ‘riches’ came from though if it wasn’t from the ‘kaban ng bayan’, but they do not know my family has been rich even before we entered the political setting and arena.
Patuloy lang ang biyahe habang marami akong mga iniisip.
Matapos ang ilang sandali ay tumigil na ang van sa harap ng isang itim na matayog na tarangkahan. Ito ay ang front gate ng aming mansion. Awtomatikong bumukas ito matapos sumilip ang isang guard mula sa guardhouse, muling umandar ang van papasok sa lote at tumigil ito sa harap ng aming mansion.
I hopped out of it, and I was greeted by the familiar ambience of my home. I smiled, it felt nice to be at home. And at the same time, bigla kong na-miss ang aking ina. I was a mother’s child, while Kuya Kael was more of a father’s child. Sana ma-convince ko si Mama na umuwi na rin at dito na lang mag-stay, siya lang din kasi ang aking karamay sa lahat ng bagay.
“Ako na ang bahalang maglalagay sa iyong kuwarto sa mga bagahe, Ma’am Keana. Pumunta na kayo, mauna, at magpahinga. Alam kong napagod kayo sa biyahe,” tugon ni Mang Canor.
“Sige, salamat po Kuya.” Ani ko at saka na ako pumasok sa mansion. I was greeted immediately by the high ceilings and the chandeliers on it, and the wide windows that were twice my size, sunlight was peaking through it and illuminating the place. The marble floor was shiny, it was the reception lobby, and at the left side was a wide stare with three steps, leading to the grand and luxurious living room of the house where expensive flower vases, a black piano, a few couches and sofas, and coffee tables lie. There were also paintings on the wall. It seems like the look of the mansion was retained and well maintained.
Habang naglalakad ako at pinapasadahan ko ng tingin ang paligid ay may naaninag akong pigura ng isang matandang babae. It was Yaya Teresa, she was my caretaker since I was a child. Naging malapit na ang aking loob sa kaniya. She is like my second mother. She knew all of my deepest secrets, pain, and regrets when I was still a child. She has always been supportive of me as well. This time around, mas matanda na ang kaniyang itsura. Mas marami na siyang puting mga buhok, at mas kulubot na ang kaniyang balat. Nakasuot siya ng uniporme. Siya rin ang head maid namin.
“Keana? Ikaw ba talaga iyan, hija?” Nanlaki ang kaniyang mga mata at saka niya ako tiningnan mula ulo hanggang paa, “sobrang ganda mo na!”
I laughed at her remark. She can really never try to filter her mouth, but I guess that is one of the things I like about her. She is true and honest, and very transparent as well.
“Salamat, Yaya.” Ngumiti ako sa kaniya, “grabe, itong mansion, sobrang pareho ang itsura sa itsura nito noong umalis ako papunta sa Hawaii.”
“Yes, sinigurado ko na walang magbabago at pareho lang ang lahat ng mga bagay dito, hija, para pag-uwi mo ay hindi mo maramdaman na sobrang dami ng pagbabago, lalo at napansin mo naman siguro, ibang-iba na ang bayan ngayon sa dati bago ka umalis,” aniya.
Tumango naman ako. I agree. I guess seeing a familiar place here is quite refreshing. I do not feel alien at all, and to think that Yaya Teresa did this all for me in order for me to not feel too out of place, made me love her even more. Ngumiti ako sa ideyang iyon. Talaga namang kakampi ko rin si Yaya kasi sa lahat ng mga bagay.
“Anyway, I should go to my room now and take a rest, Yaya.” I smiled at Yaya Teresa who simply nodded at me. I am saddened by the fact that she is close to retiring already because of her old age, but at the same time, I am happy for her since she will finally be with her real family now after serving mine for more than half of her life. Kaya naman magkakaroon siya ng pension mula sa amin din, at saka kaya rin pinatayuhan ni Papa sila ng kanilang bahay na simple, dahil dati ay kubo lang ang kanilang bahay, ngayon ay bungalow na.
“Oh, sige, hija.” She let me.
Tumungo na ako sa aking kuwarto sa ikalawang palapag ng bahay. Binuksan ko ang pinto at pumasok. I smiled because it looked exactly like the way I left it before... Ang una kong pinuntahan pagkatapos ay ang aking walk-in closet, binuksan ko ang ilaw at tiningnan ang mga damit na nakasampay. Halos lahat ay mga XXL na t-shirt at mga pantalon. Lahat ng mga ito ay masyado nang malaki para sa akin, kaya naman napagdesisyunan kong ipamigay na lang ang mga ito sa mga orphanages at mga nangangailangan.
Narinig ko ang kaluskos mula sa labas, at alam ko na agad na si Manong Canor iyon na nagdala ng aking mga damit. Kaya naman kinuha ko na ang tsansa na ito at lumabas, “Manong, lahat ng mga damit sa closet ko pala ay ipapamigay ko na. Kayo na ang bahala kung saan mapupunta. I want the closet to be cleared by this afternoon. Please have some maids assist in getting them all.”
“Sige po, Ma’am Keana.” Ngumiti siya sa akin at saka yumuko, pagkatapos ay lumabas na siya ng aking kuwarto. Naiwang nakabukas na muna ang pintuan dahil may mga kasambahay din na pupunta upang kunin ang mga damit ko noong mataba pa ako.
Muli akong pumasok sa room at pinasadahan ng tingin ang bawat damit. All of them hold memories of me, na gusto ko na lang din ibaon sa limot. I sighed, sa dulo ay nakita ko ang dark red dress na aking sinuot sa prom... It was the happiest night of my life, a dream, but it also turned out to be the most painful one, and a nightmare.
Maverick Maximillio.
My hands clenched into a tight fist, just at the mention of his name has sparked this anger within me. I despise and hate him. He deserves karma.
I sighed, pinakalma ko muna ang aking sarili. Pagkatapos ay tumingin ako sa dulo rin ng walk-in closet kung saan may full-body mirror na pinapakita ang aking kabuuan. I was now sexy and beautiful. There is nothing I should fear anymore... I hate men like Maverick, and I will never let them close to me.
I want to meet Maverick, though, at ipamukha sa kaniya na ako pala ang sinayang niya. Na ang isang tulad ko ay ang pinaglaruan lang niya.
Fuck him.
Tumungo na ako sa kama matapos ang ilang sandali at napagpasyaang matulog.