Chapter 4: Maverick Maximillio’s Regret
3rd Person Point of View
Tiningnan ni Maverick ang mga delicacies na naka-display sa kanilang tindahan. Siya na ngayon ang manager sa negosyo ng kaniyang pamilya na patok na patok sa lalawigan ng Ilocos Sur, ito ay ang Maverick Delicacies. Maraming mga turista ang bumibili palagi sa kanilang mga produktong bibingka, kornik, keyk, at iba pa na mga kakanin. Nagkaroon na rin ng maraming branches ang negosyo nila.
Karaniwang ginagawa ni Maverick ang inspection para tingnan ang kanilang mga tinitinda. Gusto niya ay perpekto lahat at walang palyado, kaya naman niya ginagawa ito araw-araw. Sa katotohanan, dahil kay Maverick ay mas umusbong ang negosyo ng kaniyang pamilya. Marami rin siyang recipe na ginawa at mga produktong nilikha na naging patok sa lahat at hinahanap-hanap ng iba. Sobrang malayo na ni Maverick sa dati niyang gawi, kung dati ay wala siyang pake sa kaniyang mga responsibilidad sa buhay, ngayon ay sobra na siyang conscious sa kaniyang mga responsibilidad. Sobrang kabaliktaran, at ang lahat ng pagbabagong ito ay dahil sa kaniyang inang yumaong tatlong taon na ang nakaraan.
Saka lamang namulat ang mga mata ni Maverick sa kaniyang maling mga ginagawa nang mawala ang kaniyang minamahal na ina. Bago kasi ito pumanaw, kinausap muna siya ng kaniyang ina at sinabihan siya na natatakot siyang iwan siya kung ganito pa rin siya, at hindi siya magiging kampante kung ang kaniyang landas ay patungo sa masasamang gawi. Sinabi ng kaniyang ina rin na huwag itrato ang mga babae na tila mga laruan, at dapat ay ingatan. Mahalin din dapat niya ang ibang mga babae gaya ng pagmamahal niya sa kaniyang ina.
Ibang-iba na siya sa dati. Ang kaniyang mga kaibigan naman na sina Alastor at Wade na kasama niya noon sa mga masasamang bisyo, tila mga best friend na partners in crime, ay unti-unti na ring nagbabago at namumulat na rin sa katotohanan, riyalidad, at kanilang mga responsibilidad sa buhay. Isa itong character development para sa kanilang magbabarkada, ngunit hindi pa rin maikakaila na marami silang nasaktan dahil dito.
“Sir Maverick, pinapatawag po kayo ni Sir Marcos,” saad ng isa sa kanilang mga tagabantay ng kanilang malaking negosyo.
“Where is he?” Tanong ni Maverick sa babae na nakatitig lang sa kaniya. Halatang naguguwapuhan ito. Hindi rin nakakasawang tingnan kasi si Maverick, siya ay matipuno, guwapo, at kakaiba ang kaniyang karisma. Maskulado ito at moreno.
“Nasa taas po siya.” Aniya, sabay turo sa itaas ng kanilang shop. Dalawa ang palapag ng kanilang main shop, ang unang palapag ay ang tindahan mismo ng mga produkto, at ang pangalawa naman ay restaurant. Tumango si Maverick matapos ang ilang sandali at saka umalis na sa mga pinagdidisplayan ng mga produkto. Umakyat siya patungo sa ikalawang palapag at pumasok sa restaurant.
Agad naman niyang nakita ang kaniyang ama na nakaupo lamang sa isa sa mga mesa roon, nakaharap ito sa kaniyang laptop, at tila may tinitipo sa keyboard. Nakasuot ng salamin ang kaniyang ama, at nakasuot ng Amerikano.
Naglakad si Maverick palapit, at saka umupo nang walang sabi sa silya sa kabilang dulo ng mesa kung saan naroroon ang kaniyang ama. “What is it, Papa?” Tanong ni Maverick, “one of our employees told me that you called for me.”
“Ah, yes...” Binaba na ng kaniyang ama ang screen ng laptop at saka ito humarap kay Maverick. “You do know that Karlos and I are good friends, right?”
“You mean the Kehanus? The power figures of San Juan?” He asked. Biglang bumilis ang pintig ng kaniyang puso. He knows where this is going now.
Tumango naman ang kaniyang ama, “yes, it seems like they will already be transferring the ownership and the management of their business to their daughter, I think she is your batchmate, anyway, she studied in Hawaii, and she is now returning here in order to do her family’s bidding. Dapat ay ang kanilang hijo ang magmamana, si Kael, ngunit kaka-elect lang nito bilang mayor ng kanilang bayan at ayaw naman ng kanilang Lolo na si Don Karmon na si Kael na lang ang aako sa lahat ng responsibilidad.”
“What does that have to do with me?”
“Karlos told me over the phone, just a few days ago, that I think one of the plans of their daughter is to establish a partnership with us, given how much tourists as well are now going to visit their resorts and other establishments like hotels here in the province. What do you think?”
Kumunot ang noo ni Maverick, “I am just the Manager, you are still the owner, Papa.”
“I am asking what you think.” Ngumiti ang kaniyang ama.
“I think we can fare off well just by ourselves.” Sagot ni Maverick. Ayaw niya kasi na may ibang nakadikit na pangalan sa kanilang negosyo, “we can manage.”
“How so? This is a great opportunity. How about you try to meet with their daughter once she gets here in the Philippines, and let us see if she can change your mind?”
“Papa, ever since I took charge of the business, hindi mo maikakaila na mas lumago ito. Believe me, we don’t need them. They need us, our products, and all that. Mas magandang walang partnership na maganap.”
“Ang nais lang naman nila ay magkaroon tayo ng branch sa kanilang mga resorts din, lalo’t patok ang ating negosyo. Umiiral na ngayon ang turismo sa ating lalawigan, we need all the exposures we can get.”
“We are already exposed enough. Iyon ang ginawa ko, di ba? From internet promotions, to television and radio. Kilala na ang ating negosyo sa lalawigan na ito, there is no need for further exposure.”
Sa totoo lang, ang tunay na rason talaga kung bakit ayaw ni Maverick na mag-establish ng partnership sa pamilyang Kehanu ay dahil kilala niya ang dalaga nila, si Keana Kares Kehanu. He broke her heart before, and all because he wanted to flirt with Alastor’s pretty Californian cousin, Elizabeth. Nahihiya siya ngayon kay Keana, wala siyang mukhang maihaharap. Alam niyang magiging awkward kung sakali man na magkita sila.
He has not heard of her ever since that prom night where she found out that her date with him was all just a farce and a game. Basta ang huling balita na lang nito sa dalaga ay tumungo ito sa Hawaii at doon na nag-aral muli.
He felt bad and guilty.
“Give this a chance, will you? I see no loss here, since we will still remain independent despite the partnership. Nais lang naman ng mga Kehanu na magkaroon din tayo ng negosyo sa kanilang mga resort. Ang babayaran lang natin ay ang renta.”
“No.” A hard answer.
“Well, you said I am the owner, and that you are still the manager...” Ngumisi ang ama niya, “there is nothing you can do if I insist, right?”
Bumuntong-hininga na lang si Maverick.
“Give this a chance. I will set a time for you to meet with their daughter. I think her flight is today, and she will probably be exhausted, so I guess I will fix an appointment for you two the day after tomorrow. That’s all.”
Tumayo na si Maverick pagkatapos ng kanilang usapan ng kaniyang ama, at saka siya bumaba na upang ipagpatuloy ang inspection. Wala siyang magagawa sa kagustuhan ng kaniyang ama. Naisip din ni Maverick na siguro ay nakatadhana na magkita muli sila ni Keana. He will properly apologize to her for being an ass and a jerk. Kailangan nitong lunukin ang kaniyang pride, lalo’t ilang taon din siyang nagdusa dahil sa pagsisisi simula noong namulat ang kaniyang mga mata.
He was immature, but he grew up. He just hopes Keana will forgive him when he apologizes. Gagamitin niya ang tsansa at oportunidad ng pagkikita nila upang gawin iyon.
“Everything seems to be in place,” aniya. He turned to face his wristwatch and saw that it was already 9AM, it was time to open their business already. Saktong pagbukas pa lang ng malalaking pinto ng kanilang shop ay marami na agad ang mga pumasok na maagang naghintay sa labas. Nagkakaunahan din kasi talaga ang lahat lalo na rin ang mga lokal dahil sa sobrang sarap ng kanilang mga paninda. Ang iba rin ay gusto lang talagang makita si Maverick dahil alam niyang lagi siyang nasa shop, kaya karamihan sa mga bumibili ay mga dalaga.
Napagdesisyunan ni Maverick na umalis na nang matiyak na walang problema sa shop. Tumungo siya sa parking lot, at saka siya sumakay sa kaniyang kotse. He is going home. Nang nakauwi na siya ay agad siyang nagpalit ng damit pang-gym, at tumungo sa kanilang gym-room sa kanilang bahay. He started to workout. He always makes sure to stay fit and in figure. It was for himself, of course, to stay healthy. Since he must ensure that he does not have a weak body, because having that will make him less productive. After that, he hit the shower, and when he was finally refreshed, he went to their library and grabbed a book to read while he ate his low-calory lunch.
He also ensured to have a critical and creative mind, and he can only have that through reading informative books. Nang matapos na ito ay tumungo siya sa kaniyang kuwarto upang magpahinga na at matulog. Siesta time, kumbaga.
Nang magising si Maverick ay palubog na ang araw. Lumabas siya sa kaniyang kuwarto at nadatnan ang isa sa kanilang mga kasambahay na nagwawalis.
He passed through her and went straight to the kitchen. Binuksan niya ang refrigerator at naglabas ng naka-tupperware na pagkain. He proceeded to the oven to reheat it, and after that, he ate his dinner. Hindi sila sabay ng kaniyang ama ngayon dahil alam niyang may meeting ito kasama ang kaniyang mga ka-brotherhood, Alpha Phi Omega ang tawag sa kanilang fraternity. Hindi sumali si Maverick dito kahit gusto ng kaniyang ama na presidente rin ng kanilang chapter. Ayaw ni Maverick dahil bilin din ito ng kaniyang yumaong ina na huwag sumali dahil natatakot ang ina nito sa mga initiation na maaaring maparusa sa kaniya.
He did it in respect of her memory, and his father stopped being stubborn about it already since his wife passed away.
He ate all by himself at the backyard of their house which overlooked the beach. Ang kanilang bakuran mismo ay ang dagat na. Mahangin at malamig, at dahil palubog pa lang ang araw, sobrang ganda ng himpapawid at ng karagatan. Pinaghalong orange, red, blue, at black ang kulay, and these colors are in a state of wonder with the twisted and obscured reflections of it through the clear waters. This is Maverick’s favorite view. Something he can never get tired of.
He loves the peace and the calm.
Pinikit niya ang kaniyang mga mata, at biglang nag-play sa kaniyang utak ang alaala ng kanilang pag-uusap ng kaniyang ina. Nagkaroon ito ng leukemia, at nasa huling stage na kaya wala nang lunas. Isang malaking gulat ito sa kanilang lahat dahil wala naman sa lahi ng kaniyang ina ang pagkakaroon ng cancer. It was three years ago when she passed away, and before that, they talked.
“Rick,” ito ang tawag sa kaniya ng kaniyang ina, “when will you grow up?” Her voice was soft and weak, and there is sadness that lingers along it.
“What do you mean, Mama?” Mahinang tanong ni Maverick.
“When will you stop treating women as toys? Anak, malapit na akong mawala sa mundong ito... At hindi ko alam ang gagawin ko kung iiwan kitang ganiyan. You need to grow up, to man up, and to start treating women right. We are not toys, anak, okay? Hindi kita pinalaking ganiyan. Alam mong mahal na mahal kita, di ba? Kaya nasasabi ko ang mga ito. I thought you will grow out of it someday, that is why I never said a word, since I wanted you to figure things out in your life by yourself, because your dad and I will not always be there to guide you... But I guess this is the last thing and note I want to give you, before I go.” She coughed after.
Pakiramdam ni Maverick ay nadudurog ang kaniyang puso dahil sa kalagayan ng kaniyang ina, ngunit tumatak sa kaniyang mga isipan din ang sinabi ng kaniyang ina.
“I am sorry...”
“Do not apologize to me. Hindi ka sa akin nagkasala... But if there is a chance for you to apologize to all the girls whom you hurt before, do it. Eat your pride.”
“I will.” Maverick smiled with teary-eyes, “I love you, Mama.”
“And I love you too, my dear Rick.”