Dumating ang sumunod na linggo pero walang nakarating sa akin kung kailan tutuparin ni Sirius ang naging usapan namin. I am not losing hope though because I know he will do it. Hindi lang ako mapantag dahil alam ko na nag-aalala na sina Rowan sa akin. I tried so hard to not let my uneasiness divert my attention from my studies. Malaking tulong din ang paglalaro ko ng soccer kahit papaano. Kaya naman ganoon na lang ang tuwa ko nang ibalita iyon sa akin ni Laura isang hapon. "This is top-secret," aniya nang ibigay sa akin ang sulat. "Sa likod ng school ng daan at wala dapat makakita sa'yo." Wala sa sarili akong tumango at binasa ang sulat. Meeting invitation. Dear Miss Ruskin of 2V4, This is a letter request to meet a guest tomorrow morning, April 8, Tuesday. Please be discreet in going