"Change of schedules po. Hindi n'yo pwedeng lapitan ang lalaking iyon," ani ng lalaki na siya ring nagdala sa akin dito. Dinungaw ko ang kamay niya kaya bumitaw. Hindi lang ako ang naguguluhan sa nangyayari dahil maging siya ay ganoon din. Ilang beses niyang dinungaw ang cellphone upang maayos tingnan ang naroon. "Ano po ang ibig n'yong sabihin? Iyon po si Rowan, ang bisita ko. Siya po ang kakausapin ko ngayon." "S'ya nga po pero katatanggap ko lang din po ng mensahe na nagbago ang schedule. Cancel po ang visitor's meeting n'yo ngayon." "W―Why?" He wasn't able to give me a clear answer. Paulit-aulit ang tungol sa utos sa kanya na pabalikin na ako. He even pleaded with me to go with him because it was an urgent command. Sa akin nakasasalay ang trabaho at kaligtasan niya kaya sumunod ako