"Phoebe! Wake up!" boses ni Ashley ang naririnig ko. Nang dumilat ako ay hinahampas n'ya ako ng unan. Kinusot ko ang mata ko at inirapan s'ya. Problema nito? "Hindi ka ba papasok? Late ka na!" Tiningnan ko ulit s'ya. Nakapantulog pa rin s'ya at magulo pa ang buhok. Mukhang kakagising lang. Kung late ako. Late na rin s'ya. Nanlaki ang mga mata ko ng makita ang digital clock ko. It's 7:40 in the morning! Agad akong tumayo at kumuha ng tuwalya. Lumabas ako ng kwarto at dumiretso sa CR. Bakit ba kase ako napuyat? Okay. Kase naman, bukod sa nine na ako nakauwi at sa interrogation na ginawa ng dalawa sa akin, hindi mawala-wala sa isip ko si Austin. Bagay na hindi dapat. Naglalasing s'ya dahil naistorbo ko sila. Hindi na siguro nila naituloy. At hindi s'ya broken dahil doon! Ako ang broken!