Kabanata 14 Tinuon ko na lang ang buong atensyon ko sa construction ng ipinapatayo kong mall sa Alta Rio kesa naman sa magmukmok at iyakan si Alison, halos dalawang linggo na iyon, dalawang Sabado na rin ang lumipas na nakasama ko si Chase kahit saglit man lang. Dalawang linggo na rin ang tantsa bago matapos ang mall, pagkatapos no'n ay pipintahan na lang ito, inaasikasu ko na rin ang mga kompanya na gustong ipagbenta sa aking mall ang kanilang mga produkto, inasikasu ko rin ang mga nag-apply bilang empleyado ko, I kept myself busy but my mind will always think of Alison. Pabalik balik lang naman ako sa Alta Rio at Manila, may negosyo rin kasi ako sa Manila at hindi pwedeng mapabayaan iyon, I also bought stuffs for my baby Chase, hindi ko muna sinabi kina Ice, Mama, at Papa na