Kabanata 15 Nagpaalam na ako kay Tito Hernandes at agad na tumungo sa kwarto ko, kinuha ko ang cellphone ko at saka mabilis na tinawagan si Alison, "hello?" Sagot nito. Biglang lumambot ang puso ko nang narinig ko ang mahinang boses niya, mukhang kakagising lang din niya, "may pag-uusapan tayo na mahalaga, I want us to meet right now." Nagkaroon ng katahimikan, "bakit?" "Saka na natin pag-usapan, I want us to talk personally." Seryosong sagot ko naman. Mukhang nagdalawang isip pa si Alison bago tumikhim, "sige, let's meet sa racing pit." Agad kong binaba ang tawag, lumabas na ako sa kwarto ko dala ang susi ng baby ko, sumakay na ako at nagmaneho patungong racing pit, nang nakarating ako sa lugar na napag-usapan namin ay napagtanto kong nauna ako, maliwanag ang paligid dahil