Kabanata 16 Minulat ko ang aking mga mata at nairap sa puting kisame, tumingin ako sa paligid kung saan napapalibutan ako ng puting mga pader, naka-dextrose ang kamay ko at may nakabenda sa aking ulo, may gasa rin sa braso ko, at may mga pasa sa kamay ko. Bigla kong nahagip ang kakaibang amoy ng ospital, damn this is the smell I hated the most. Sana man lang may nagmagandang loob na naglagay ng air freshener sa kwarto ko. Tss. Napatingin ako sa gilid ko nang napansin kong may gumalaw at nakita si Alison na nakaupo sa tabi ko at mukhang pagod dahil sa sarap ng tulog, ginamit niyang sandalan ng ulo ang kama sa gilid ko, napakurap agad ako para tignan kung namamalik mata lang ako pero andoon pa rin siya. I smiled. Binantayan ba niya ako? Biglang pumasok sa isip ko ang mga pagka