Kabanata 18 Isang linggo makalipas at naaksidente si Adam, kung hindi ko lang alam na magpinsan sila ni Alison ay hindi ako mag-aalala sa kalagayan niya, minsan ko nang pinagselusan ang lalakeng ito at minsan ko nang kinainisan. "Doc, kumusta po ang lagay ni Adam?" Tanong ni Alison nang lumabas ang doctor sa emergency room. "Marami siyang dugo na nawala, mukhang hindi basta bastang aksidente ang napala ng pasiyente, mukhang sinadya ang truck na bumangga sa kanya." Sagot ng doctor, "iyon lang naman ang sa tingin ko bilang doctor base sa mga test na kinuha ko sa katawan ng lalake." "Isasalinan niyo po ba siya ng dugo?" Tanong ni Alison, "magkaiba kami ng blood type, A siya sa akin naman B, gusto ko pa naman sanang mag-donate..." "O ako." Singit ko. Napatingin sina Alison at a