Kabanata 19 Ilang beses kong tinawagan si Alison pero hindi siya sumasagot which was unusual dahil lahat ng tawag ko ay sinasagot niya, humugot ako ng malalim na hininga habang tuloy pa rin ang pagputok ng mga fireworks, akmang tatawagan ko ulit siya nang may isang unregistered number na tumawag, mabilis ko itong sinagot expecting it to be Alison. "Alison?" Bungad ko. "Si Aliza 'to, Cloud." Halata ang pag-aalala sa boses niya, kumuyom ang hawak ko sa telepono ko dahil sa isang masamang senaryo na biglang tumatak sa isipan ko, maybe this is just me and my paranoia. "Na-kidnap si Ate saktong paglabas niya kanina sa bahay..." Tuloy nito, halatang umiiyak si Aliza at nagkakaroon ng panik sa background niya. Parang gumuho ang mundo ko dahil sa sinabi ni Aliza, Alison was kidnapped