2

1364 Words
"Kuya Cloud, bunyag bukas nina Frost at Flemeral, wala ka talagang balak umuwi dito para umattend?" Tanong ni Ice, sinaksak ko ang headset ko sa phone ko at sinuot ang earplugs, hinayaan ko ang phone kong nakalatag sa may lalagyan sa tabi ng manibela, muli akong bumalik sa pagmamaneho. "Kailangan talagang pupunta ako? Hindi naman ako ang bubunyagan, isa ka nang tatay pero tatanga ka pa rin li'l bro." Asar ko sa kanya. "At naunahan ka pa ng li'l bro mo na magkapamilya, utot mo." Sagot ni Ice mula sa kabilang linya, kumunot ang noo ko. "Di ka nakasagot?" "Shut up, wala sa edad ang pag-aasawa at pagkakapamilya, nagkataon lang na kusang lumapit sa iyo ang tadhana habang sa akin naman nagpapahabol, pero ano nga ba ang magagawa ko, mahal ko kaya hahabulin ko." "Sige, bahala ka. Halos tatlong taon mo na yon hinahanap Kuya, isang buwan na lang ang meron ka bago mo iha-handle ang kalahati ng negosyo ni Papa. Pagkatapos ng isang buwan kailangan mo nang tumigil. Kawawa ka naman. Sa dinami rami pa naman kasi ng mga babae dyan bakit siya pa?" Kahit na hindi ko nakikita si Ice ay ramdam na ramdam ko ang ngisi mula sa boses niya. "Masyado ka pang bata para maintindihan ang tunay na pag-ibig." "Patawa ka talaga, Kuya. Baka nakakalimutan mo naunahan pa kitang magkapamilya?" Sagot nito mula sa kabilang linya. "Kung ipagmamayabang mo lang na naunahan mo ako sige, bye na." Mabilis kong binaba ang tawag dahil sa inis at tinapon ang phone kasama ang headset sa passenger's seat. Muli kong tinuon ang atensyon ko sa pagmamaneho nang may nakita akong babae mula sa kalayuan, nakatayo siya sa gilid ng kotse na mukhang pagmamay ari niya habang abala sa pagsusuri sa gulong nito na mukhang nasira, nang nalampasan ko ang babae ay tinabi ko ito sa may gilid ng sidewalk at bumalik. Hindi ko alam pero parang may pwersa na nagtulak sa akin upang bumalik. Siguro dahil nakokonsensya ako na iwan siya sa labas ng syudad na mag-isa tapos babae pa siya, for sure wala siyang ideya kung paano palitan ang gulong. Lumabas ako sa kotse ko at lumapit sa babae na mukhang namomroblema, "Miss?" tumingin naman sa akin ang babae at halata ang gulat sa kanyang mukha, siguro dahil sa bigla kong pagsulpot. "Need help?" Tanong ko sa kanya, mabilis naman siyang tumango saka tinignan ang kanang kamay ko. "Is that a map on your hand?" Takang tanong nito, halata ang pagkamangha sa kanyang mukha, mabilis naman akong tumango at ngumiti, "actually, kanina pa ako dito sa gilid ng kalsada pero ikaw pa lang naman ang unang naglakas loob upang lapitan ako at bigyan ng tulong, tatawag sana ako sa talyer kasu na-low batt ang phone ko. Nasa labas pa naman ako ng Alta Rio, mga ilang kilometro pa ang layo at kung lalakarin ko iyon ay magagabihan ako, may lakad pa naman ako, jeesh I can't be late to my family dinner, ngayon na nga lang kami kakain nang sabay e." "Let me check the tires." Saad ko at mabilis na sinuri ang flat tires, "nabutasan ang gulong, you might had run into a sharp object na tumusok sa gulong ng kotse mo, do you keep an extra tire?" Tumango naman ang babae, "nasa compartment ng kotse." Saad nito at mabilis na pumunta sa likod, binuksan niya ang pinto ng compartment, ako naman ay walang kahirap hirap na binuhat ang gulong pababa at pinaikot ito papuntang tabi ng na-flat na gulong, tumungo rin ako sa baby ko at binuksan ang backseat, hinanap ko ang car tools ko at saka nilabas. Nilagay ko ang holder sa ilalim ng kotse ng babae saka tinanggal ang nasirang gulong, upang maiwasan na marumihan ang puting sando ko ay mabilis ko itong hinubad, "can you hold my shirt?" Tanong ko sa babae na natulala, mabilis naman siyang tumango at agad na kinuha ang puting sando ko. Umupo ako upang mapantayan ang gulong ng kotse, mabilis ko namang kinabit ang bagong gulong. Matapos iyon ay binuhat ko ang nasirang gulong pabalik sa compartment ng kotse ng babae. "Ang bilis mo namang ginawa!" "I've been travelling for almost three years, syempre hindi maiiwasan na masiraan ang baby ko kaya naman natuto akong mag-ayos, siguro dala ng experience kaya mabilis na lang para sa akin, simpleng bagay lang naman ang pagpalit ng gulong." I smiled. "Baby mo?" I smiled as I point my baby Porsche. Tumango naman siya na tila naintindihan ako. "I call my cars as baby." "Anyways, thank you talaga, lifesaver ka." Saad ng babae, I nodded, binuksan niya ang kotse niya saka naglabas ng bottled water, "panghugas mo na ang tubig nito sa kamay mo, nainuman ko na pero malinis pa rin naman." I nodded, "ako na magbasa sa kamay mo." Tumango ulit ako at saka niya tinaya ang tubig sa mismong kamay ko, bumagsak ang tubig sa maruming kamay ko at natanggal ang dumi mula sa gulong. "Ako nga pala si Alison Kimorra." "Cloud Apolonio de Mayor." Sagot ko naman sa kanya, kinuha ko na ang sando ko mula sa kanyang kamay saka sinuot. I put my tools in the tool box, tumingin ako kay Alison na nasa tabi ko pa rin, "you're not leaving? Baka ma-late ka sa family dinner niyo." "It's rude naman na basta na lang akong aalis matapos mong tumulong, hindi ka taga-rito, right?" "I'm a thousand miles away from home." Simpleng sagot ko, "so yes, hindi ako taga-rito. Maybe you can compare me to a tourist?" Tumawa siya, "what made you come here dito sa Alta Rio?" "It's the last place na hindi ko pa napupuntahan dito sa Pilipinas together with Villanueva and Algaya na kalapit lang ng city nitong probinsya." Mabilis namang sagot ko, "this may sound weird but I am looking for a certain girl, halos tatlong taon na... my last hope is this place and the other two." Natigilan si Alison, tumingin ako sa kanya at nagtama ang mata natin, those familiar hazel brown eyes, bigla kong nakita ang imahe ni Alisa sa kanya, umiling na lang ako, namamalik mata lang siguro ako. She cannot be her. Alison is Alison, Alisa is Alisa, Alison is not Alisa, Alisa is not Alison. Maybe I am seeing Alisa in her because of my obsession and lose of hope, isang buwan na lang hindi ko na siya pwedeng hanapin, and if I find her will she still accept me? Imposible rin na si Alison ay si Alisa, kung siya talaga si Alisa she would have known me, if she was truly Alisa why would she even pretend to not know me, right? Iba rin ang pananamit nila at pagdala sa sarili, boyish si Alisa habang si Alison naman ay girly, Alisa had a long silky black hair that fell until her waist while Alison had a dyed green hair that fell until her shoulders. Pero iyon lang ang difference nila, lahat na similar kapag titigan mong mabuti ang itsura ni Alison. Especially those familiar eyes of her staring at me and those lips... those familiar trail of kissable lips. What am I even debating inside my head? Siguro naalala ko lang sa kanya si Alisa dahil sa halos parehas ang pangalan at itsura nila, "Cloud? Ayos ka lang?" Bumalik ako sa huwisyo nang tawagin ako ni Alison, mabilis naman akong tumango at saka ko sinara ang tool box ko't binuhat papasok sa likod ng baby ko. "Do you have a place to stay? Naku, piyesta ngayon dito sa Alta Rio kaya maraming mga turista na dumagsa, for sure lahat ng hotels at pwede mong rentahan to stay with ay fully booked na, ganun rin sa mga kalapit na cities." Saad ni Alison. "May mga kamag-anak ako sa Villanueva." Saad ko, "doon muna ako pansamantalang tutuloy." "Malayo kaya iyon dito, dalawang oras na biyahe, aabutin ka ng gabi sa daan, papalubog na rin ang araw." "What do you suggest then?" "Come with me sa family dinner, my Dad is Alta Rio's city mayor, for sure he will be hospitable enough to offer you a place to stay sa bahay upon knowing that you fixed my car." "Uh, no thanks-" "Don't sweat it, let's go, sundan mo ang kotse ko, okay?" Mabilis na pagputol niya sa akin habang nakangiti saka siya pumasok sa berdeng kotse niya, umiling na lang ako at napilitang sundan si Alison sa daan na tinutungo ng kotse niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD