"I really hate gatecrashing into your family dinner, you said it was a family dinner, right? Hindi naman ako parte ng family mo." Nagkibit balikat ako, nagdadalawang isip kung papasok ba ako kasama siya sa loob ng restaurant na ilang metro lang ang layo sa amin o aalis na lang ako. Why is it even a big deal to her when I just replaced the tire of her car in the middle of nowhere?
"Ano ka ba, inimbitahan kita, basically you are not gatecrashing." Sagot ni Alison, "saka you followed me all the way here tapos 'di ka naman pala sasama?" Lumabi siya at mabilis na hinawakan ang kamay ko kung nasaan ang map tattoo, I don't know why but her touch made me feel a familiar weird sensation. "Let's go." Aya niya.
Nagbuntong hininga na lang ako at nagpakaladkad kay Alison, nang nasa loob na kami ng resto ay sinalubong kami ng isang waiter, mukhang kilala nito si Alison-maybe because she is the city mayor's daughter as she said or maybe regular costumer siya ng restaurant, bumati ang waiter kay Alison at saka tumingin sa akin, "sorry Sir pero naka-reserve lahat ng tables." Saad ng waiter.
"Actually, he is going to have a dinner with us." Ngumiti si Alison sa waiter na kumunot noo pero agad namang tumango saka naglakad na para igiya kami, muli akong hinila ni Alison habang sinusundan namin ang waiter, her skin pressed against mine just felt really nostalgic.
Tumigil si Alison sa pahabang mesa sa may tabi ng bintana ng restaurant, mula roon ay nakita ko ang mag-asawa na mukhang mga magulang niya na nakaupo, kasama ng mga magulang niya ay isang babaeng nakatutok ang mata sa screen ng cellphone at isang batang babaeng prenteng nakaupo na nakatanaw sa bintana, so she have two sisters. Huh?
Bigla akong na-self conscious, naka-formal attire silang lahat habang ako nakapawad lang at shorts, damn it was really a bad idea coming with her, I can afford my own dinner so why did I agree on this? Nagmumukha akong kawawa dito.
It's not yet too late to back out, Cloud. Not yet.
Akmang magsasalita sana ako para magpaalam kay Alison nang naunahan niya ako.
"Dad, Mom, sorry for being a little late, nasira ang gulong ng kotse ko, but this guy beside me with a map tattoo on his hand named Cloud Apolonio de Mayor became my hero for today so I also invited him to have a dinner with us as a way of saying thank you." Walang hintong pagpaliwanag ni Alison sa kanyang mga magulang.
Lumikho ang tingin nila sa akin kasama ang kanyang mga kapatid at agad akong sinuri, mas lalo akong na-conscious at paranoid sa sarili ko, iyong tingin kasi ng mga magulang niya kakaiba na parang habang tinitignan ako ay nakikita ang mismong pagkatao ko, or maybe it is just me and my imaginations.
"Apolonio de Mayor?" Ngumiti ang lalakeng may katandaan who is for sure Alison's Dad, he carries a very powerful aura a mayor should always have, the way he carries himself makes me feel like I'm a prey and he was the predator, "kaano ano mo si Don Hernandes?"
Napakurap ako dahil sa tanong niya, "kapatid po siya ng tatay ko."
"Sino? Si Cassandro, Carlospein, o si Saturnino?" Sumbat ng babae, she's Alison's mom for sure. She have a sweet aura, mukha siyang anghel dahil sa kanyang ngiti, I can say she was prettier during her youthful days, Alison's parents are stunning. Really stunning.
"Cassandro." Tipid na sagot ko, "bakit niyo po sila kilala?"
Alison's Mom smiled, "of course we know these four brothers, we used to be good buddies during our days." Tinignan niya ako sa aking mukha, "you've got your blue eyes and pointy nose from your father, I heard you have a brother, right?"
I nodded, "Ice. Tatlong taon po ang layo ko sa kanya. I'm 25."
Ngumiti ang tatay ni Alison, "we also heard from Hernandes na kasal na ang kapatid mo? I thought the eldest son was the one who got married which was you pero nagkamali pala kami, naunahan ka ata ng mas batang kapatid mo? Tatlo na rin raw ang anak niya!"
Natigilan ako, hanggang dito ba naman isasampal sa akin na naunahan ako ng mas batang kapatid ko?
"Dalawa na lang po, they are twins. The first born died."
"Twins..." napatingin ako sa babaeng nakaupo na halatang kapatid ni Alison, natigilan ang buong pamilya dahil doon kasabay ng paglungkot ng ekspresyon nito. May nasabi ba akong hindi maganda? Bigla akong napatitig sa kanya, she almost looks like Alisa, if it wasn't for that mole below her lips napagkamalan ko nang si Alisa ito.
Why does this family remind me so much of Alisa?
"H-Have a seat both of you." Biglang saad ng Mama ni Alison, we nodded and took our seat, magkatabi kaming dalawa ni Alison, sa kabisera ang Papa niya at sa harap ko naman ang kanyang Mama, sa tabi ng kanyang Mama ay ang tahimik na batang babae na nakatingin lang sa aking kamay.
"Is that a map on your hand, Ulap?" Halos kumislap na tanong nitong bata, "by the way, I'm Aliah, I'm four and I love maps! Can I love your hand or can I marry your hand when I grow up?" She have a sweet and high voice full of energy, napangiti ako dahil sa kanyang sinabi. And she called me Ulap.
"It's called a tattoo." Saad ko sa kanya habang si Alison ay abala sa pagbigay ng order sa waiter na naggiya sa amin kanina patungo dito.
"Akala ko henna tattoo lang siya." Napatingin ako kay Alisa-err sa kapatid ni Alison, "ako nga pala si Aliza." She smiled.
Alisa? She's Alisa?! Suminghap ako habang nakatitig sa kanya, "Alisa?" Pag-ulit ako, natigil siya pati na rin sina Alison at kanyang mga magulang, si Aliah naman ay napatingin sa akin.
"It's Aliza." She repeated in a low voice, tumango naman ako, that made me skip beats, her name and her appearance was too close to my Alisa. She was like a carbon copy, may nunal lang kasi siya sa mismong baba ng labi.
"Cloud." I introduced.
Tumango siya at muling tumingin sa screen ng phone, "we forgot to formally introduce ourselves as well, ako nga pala si Alastor Kimorra, the city mayor and this is my wife Flordeliza Sy-Kimorra."
Tumango ako sa kanila, "the foods have arrived, Mayor." Saad ng isang waiter kasabay ng paglagay ng mga kasama nito sa mesa ng mga pagkain na na-order. Bigla akong nagutom, hindi pa pala ako naghapunan since tuloy tuloy ang biyahe ko.
"Let's eat!" Aya ni Aliah, mabilis niyang kinuha ang isang chocolate cookie.
"No, Aliah. Save that for dessert. Eat rice first." Suway ni Mrs. Flordeliza, lumabi naman si Aliah at agad na binalik ang cookie sa jar nito.
"But rice have no taste!"
Tumawa si Alison, "lagi mo kasing nakakalimutan ang ulam."
She pouted. "I want cookie."
"Aliah, don't be stubborn." Saad ni Mayor Alastor, para akong tinaasan ng balahibo, the way he commanded shrilled with power na tila ba hindi ka pwedeng sumuway, napalunok na lang ako. He reminds me of Dad, especially that time he almost peeled off my skin with a peeler dahil sa nagpa-tattoo ako. Creepy.
Nagsimula na kaming kumain, sometimes I steal gazes with Aliza, sometimes I also catch her looking at me, ngingiti lang ako sa kanya.
"So what made you visit Alta Rio, dahil sa piyesta?" Tanong ni Mayor.
Umiling ako, "may hinahanap po akong babae."
"Ano ang pangalan niya? We may help you." Tanong ni Mrs. Flordeliza.
"Alisa..."
Natigil silang lahat at nagkatinginan, biglang tumawa ng pilit si Aliza, "maraming Alisa sa mundo pati dito sa bayan. Do you have a picture of her?" Seryosong tanong nito.
Umiling ako. "But her face is clear in my mind..."
"Does she look like me?" Tanong ni Aliza kaya naman nagulat ako. How did she know? Is she a mind reader? Totoo pala na may psychic na mga tao?
Lumunok ako, "yes, kind of."
Tumingin si Aliza sa kanyang mga magulang, "why are you looking for Alisa?"
"Nangako ako sa kanya na hahanapin ko siya kapag mawala siya." Sagot ko sa kanila, "do you have any clue who she is? Ang alam ko lang ay ang pangalan niya at itsura. Almost the same with your daughter, Mayor."
Tila ba may mabigat na tensyon sa pagitan naming lahat at si Aliah lang ang hindi nakakaramdam. Si Alison naman ay tahimik lang habang kumakain.
"Kailan kayo nagkakilala o nagkita?"
"Three years ago. Do you know where she is? Where I can find her?"
Lumungkot ang itsura ni Mayor Alastor, "sigurado ka ba na three years ago?" I nodded. "I was suspecting you've met Aliza's twin Alisa but she... she died four years ago, maybe you've met a different person if that was three years ago." Tila mabigat sa kanyang damdamin na sabihin ito.
"I'm sorry, hindi ko po alam." I shut my mouth closed at tumingin kay Aliza na pinunasan ang nangingilid na luha. Si Aliah naman ay halatang naguguluhan sa usapan.
"Dad, Mom, can you let Cloud stay muna sa bahay? Wala nang hotel na available for sure since iilan lang tapos piyesta na rin bukas." Alison asked, breaking the ice cold silence.
"Of course, kung siya ay isang Apolonio de Mayor he is always welcome to our house as a guest." Saad ni Mayor, "and I am the mayor so I should be hospitable to visitors."